Kapitulo. Deiciocho

79.1K 3.1K 300
                                    

Hopeful


Juan Pedro Birada's

Two weeks later...

"Tara na. Kaya mo na bang maglakad nang mabilis?"

Nginisihan ko si Sarah habang inaalalayan ko siya pababa ng hagdanan nang umagang iyon. Medyo masakit pa raw ang katawan niya pero nakikita naman na talagang pagaling na ang mga galos at pasa niya. Ngumiti siya sa akin.

"Siyempre hindi pa, pero aalalayan mo naman ako." Tumawa siya. Hinawakan ko siya sa baywang at dahan -dahan kaming bumaba ng hagdanan. Pagdating naman namin sa first floor ng bahay ay agad nang narinig ang hagulgol nang Mama ni Sarah. Nasa sala kasi sila at kausap si Mamang. Sinabi at kinuwento ni Mamang ang lahat ng nangyari kay Sarah. Siguro dahil nga sa sila ang magulang ay ganoon na lang ang hinanakit nila.

"Bakit umiiyak si Mamang?" Tanong ni Sarah. Hindi niya alam na dumating ang mga magulang niya. Surprise sana.

"Hindi si Mamang iyon." Sabi ko pa.

"Ha? Eh sino?" Tanong niya. Dinala ko siya sa living area, ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita niya ang Mama niya. Agad na tumayo si Tita Rhea at niyakap nang mahigpit si Sarah habang iyak nang iyak.

"Anak, I'm so sorry." Wika ni Tita. "Sorry, anak, sorry. Dapat ipinagtanggol ka namin ng Daddy mo, anak, 'I'm so sorry."

Sinenyasan ako ni Mamang na umalis muna kami roon. Hindi naman ako agad pumayag pero pinanlakihan niya ako nang mga mata kaya napilitan akong sumama sa kanya sa kusina kung nasaan iyong bago naming maid - oo, pumayag na si Mamang na manguha nang makakasama dito sa bahay, tanggap na daw kasi niya na isa – isa na kaming nagkakaroon ng sariling buhay.

Tapos na tapos na kasi iyong bahay ni Pan at Toto sa may likod, iyong bahay naman ni Fonso at ni Mona, malapit na rin, kahit na magkakalapit at magkakapitbahay lang sila, sabi ni Mamang na hindi niya gustong maging istorbo sa mga kapatid ko.

"Ikaw pa, Pedro anong balak mo kay Sarah?" Biglaang tanong niya sa akin. Napakamot naman ako ng ulo.

"Mang naman..."

"Aba naman! Itinira mo dito si Sarah, nagsasalo kayo sa iisang kama, at sigurado rin akong nakantot mo na ang kababata mo tapos sasagutin mo ako nang Mamang naman? Aba, nasaan ang bayag mo! Ang Papang mo kahit hindi niya anak si Alfonso, pinanagutan niya!"

"Mang, papanagutan ko naman si Sarah kaya lang hindi pa naming nagpag-uusapan ulit."

"Hindi napag-uusapan?! Pero nagkakantutan na kayo?!"

"Mang hindi!" Nanlalaki ang mga mata ko. Napatingin tuloy ako sa maid namin. Si Ate Inday. Napapangisi siya. Mukhang na-a-amuse siya sa mga sinasabi ni Mamang sa akin.

"Hindi? Talaga?! Kahit pisilin ng mga Kuya mo iyang betlog mo?"


"Opo! Lamog na lamog na nga, Mang. Hindi pa namin napag-uusapan, saka ginagalang ko po si Sarah, sa sahig po ako natutulog. Saka iyong kantot, Mang, isang beses lang iyon pero ginalingan ko po talaga! Promise!"

Hinampas ako ni Mamang ng takip ng kaldero.

"Kung ginalingan mo bakit wala pa akong apo?!" Sigaw niya. Napatawa na si Ate Inday. "At ikaw naman, Inday, sunog na naman itong sinaing mo!"


"Pasensya na po, Mamang." Sabi naman ng kasama namin. "Nagtutupi kasi ako ng damit, pasensya na po."

"Kahit na, ang sinaing ay sinaing hindi dapat sinusunog."


"Pauwiin mo na kasi si Kuya, Mang."


"Ay hindi! Nagpakasal siya nang walang paalam, bahala siya sa buhay niya!" Sigaw ulit ni Mamang. "Kaya ikaw, Pedro, kung anuman ang plano mo diyan kay Sarah, iayos mo. H'wag na h'wag kang gagawa ng isang desisyon na ikasasama ng loob ko! Matanda na ako, Pedro." Biglang nabasag ang boses ni Mamang, naluha na naman siya. "Matanda na ako, Pedro at hangga't maari gusto kong sasabihin pa rin ninyo sa akin ang lahat. Sa inyong apat umiikot ang mundo ko tapos bigla na lang naitsapwera ako?" Humikbi siya. Bago ko pa man siya mayakap ay nakaalis na siya. Napalabi ako.

Quit playing games with my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon