Kapitulo. Dos

109K 3.3K 731
                                    

Soulmate


Sarah Louise Quino's

I was just looking at Pepe and his brothers while they were eating. Nang gabing iyon ay nagka-happy ending na si Fonso at Mona Lisa. I know that they go from way back pa. Nakakatuwa lang dahil may anak na sila tapos ay ikakasal sila three months from now. Nagmamadali si Fonso, gusto na daw kasi niyang mabuo ang kanilang pamilya, para na rin sa anak nilang dalawa.

Habang nakatingin ako sa kanila ay iniisip ko kung mag-iiba ba ang nangyari sa amin ni Roldan kung sakaling nagkaanak kaming dalawa? Paano kung nabuntis ako? Would he still treat me this way? I lost my self-worth habang nakikipagrelasyon ako sa kanya at hindi ko alam kung paano ko maibabalik iyon sa ngayon.

"I had always wondered why you didn't end up with Pepe." Nagulat ako nang magsalita si Kuya Fonso sa tabi ko. Hindi ko namalayang nakalapit na siya sa akin. Nakatitig pa rin kasi ako sa pwesto nila kanina, I didn't realize na si Pepe na lang ang nakatayo roon at kumakain ng pancit palabok. Nakikipagkulitan siya sa pamangkin niya.

"Wala naman kaming relasyon, Kuya Fonso. We're best friends."

"Pakiramdam ko kasi hinihintay ka niyan." Walang pakundangang wika niya. Dahan – dahan akong napatitig kay Kuya Fonso. Nagkibit – balikat siya. "Eight years na mula noong umalis ka. He never had a serious girlfriend, he never entered any relationship. Si Pepe ang pinakamalapit sa akin sa aming apat kaya alam ko, alam ko na baka hinihintay ka niya."

Tiningnan ko lang si Kuya Fonso. Tinapik niya ang balikat ko at iniwanan na ako. Muli akong napatingin kay Pepe – napapaisip ako kung talaga bang hinintay niya ako. Hindi ko alam. Wala naman kasi kaming ganoon ni Pepe. Magkaibigan lang naman kami.

We never kiss, we never dated, we never did anything beyond this friendship line, well except for the fact that we saw each other naked and we are kind of okay with that – wala naman na kaming ginawang higit roon kaya hindi ko maintindihan si Kuya Fonso.

Nagbuntong – hininga ako. Napansin kong wala na pala roon si Pepe. Hinanap siya ng mga mata ko, nakita kong nakatabi siya kay Mamang. Kulang na nga lang subuan niya si Mamang para makakain ang huli. Lumapit na ako sa kanila.

"Hi, Mang!" I smiled at her. Umupo ako sa tabi niya. Nakatingin lang din si Pepe sa akin.

"Oh, kamusta ang Mama mo sa states?" She asked me.

"Okay lang po siya." Tumingin ako kay Pepe. "Uhm, Mamang, pwede po bang dito muna ako tumira? Maghahanap po ako ng trabaho tapos tutulong ako sa inyo sa gawaing bahay." Wika ko pa. Nakikiusap ako.

"Wala naman kaso, pero anong sasabihin ng Mama mo? Alam niya bang nandito ka?" Tanong ni Mamang.


"O-opo." Pagsisinungaling ko. "Wala namang kaso. Wala naman po kasi kaming bahay na dito." Napatango na lang si Mamang Luisa pero alam kong may tanong pa rin siya. Si Pepe ay matagal nakatingin sa akin.

"Paano ang trabaho mo sa states?" Mamang even asked.

"Uhm? Nag-resign po ako." Pasinungaling ko. Siguro naman kasi by now wala na rin akong trabaho. Ilang weeks na akong awol sa kanila. I just smiled again.

"Siguro pwede ka sa aming mag-trabaho." Narinig ko si Kuya Jufran. Nakatabi na pala siya sa amin. "Nag-resign iyong accountant namin sa compound. May mas malaking offer daw sa kanya sa Metro, baka ikaw gusto mo, sapat naman iyong bayad, nakakabuhay ng pamilya." Pabirong wika niya. Natawa naman ako.

"That is a good enough offer, kuya Jufran." I told him. Napapalakpak si Pepe.

"Settled na. Sa amin ka titira kapag nasa Malolos na tayo." Sabi pa ni Pepe sa akin. Napangiti lang ako. Ang laking pasasalamat ko na mayroon akong kaibigang tulad nila na matatakbuhan ko sa lahat ng oras – lalo na sa ngayon.

Quit playing games with my heartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora