Kapitulo. Dieciséis

63.8K 2.5K 501
                                    


Plano

Juan Pedro Birada's

Ang lakas – lakas nang kaba ng dibdib ko. Paano kung tama si Pan? Paano kung kinuha ni Chenin si Sarah? Paano kung napahamak na siya? It took me two weeks to notice. Dapat noong hindi na niya sinasagot ang tawag ko at noong nagpatay siya ng cellphone, dapat nakakutob na ako but I was so stupid to think na aalis nga siya nang walang paalam. Hindi gagawin ni Sarah iyon. Sab inga niya, I deserve the best because bunso is the best.

Napailing ako. Kailangan naming makita si Sarah.

Huminto ang kotse ni Chenin sa harapan ng bahay nila. Nag-abang kami pero hindi na siya lumabas.

"Oh my god?!" Biglang sumigaw si Pan.


"Ano?!" Sabay – sabay kaming napatingin sa kanya.

"Towhtowh! We forgot about Karis! She's in the bahay and she doesn't have kasama!"


"Kinalimutan mo iyong anak mo sa bahay ninyo?!" Sigaw naman noong pinsan niyang si Ave.

"I know right?! I'm so nakakaloka! Like we have to go back, now!"

"Ibalik mo!" Sabi naman ni Toto kay Jufran.

"Paano si Sarah?!" Sigaw ko. "Kung kinuha niya si Sarah, tapos nandito pala siya---"

"Shhh! Peypey, you're so maingay! Like you just have to make me uwi, then you and your brother's will come back here and make tingin that bitch, Sarah like o to the m to the g!"

"Okay, ibabalik natin." Sabi ni Jufran. "Isa pa, kailangan natin ng plano. Hindi pwedeng darating tayo dito na para bang mgamagnanakaw. Tandaan ninyo, Mayor ang tatay ni Chenin. May army iyon!"

"Tama si Kuya. Tandaan ninyo ang sabi ng Papang noong buhay siya." Wika pa ni Fonso sa amin. "H'wag na h'wag susugod sa giyera nang walang dalang sandata!"

"At sa kaso natin, Malaki ang sandata nating lahat!" Sigaw pa ni Kuya Jufran.


"O to the M to the G like Jufran is soo libog! We need a plan, second, the first is that we have to go home because Karisa might wake up! Like I'm so nakakaloka and chismosa! Like O to the M to the G! Ohhh donut!"

"Don't touch my food!" Sigaw ni Ave.


"Okay... okay... sorry." Pan said. Wala akong nagawa. Hindi naman ako ang may hawak nang manibela. Bumalik kami sa bahay. Lahat nagbabaan kahit iyong pinsan ni Pan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Iyong katotohanan na may posibilidad na nasasaktan si Sarah ngayon, hindi na katanggap – tanggap iyon para sa akin.

Pumasok kami sa bahay. Agad na umakyat si Pan at si Ave para tingnan si Karisa. Mayamaya ay sumigaw naman ang hipag ko.

"She's fine! Like very fine like with three hahaha in the end. She just made some pupu! We're gonna make palit!"

"Kuya, anong gagawin ko?" Tanong ko sa kanila.

"We will figure something out." Sabi ni Kuya Fonso. "Basta h'wag kang gagawa ng kahit na anong kagaguhan."

Tinalikuran ako ni Kuya Fonso. Hindi pa rin ako mapakali, isa pa, hindi naman nila alam kung anong iniisip ko. Umakyat ako sa silid ko, nagbihis ng kahat kulay itim tapos ay sa bintana ako dumaan. Kinuha ko ang pick up ko na nakaparada sa gilid ng bahay. Hindi ako basta na lang tatahimik dito. Hindi ako makakatulog. Alam kong gut feel lang ni Pan iyon pero paano kung tama siya?

Bumalik ako sa bahay nila Chenin. Mataman akong naghintay roon pero inabot ako nang hanggang alas kwatro nang madaling araw ay hindi ko na siya nakita. Naisip ko, paano kaya kung umalis siya pero hindi siya sa front gate dumaan? Paano kung nakatunog siyang nandito kami at inaabangan siya?

Quit playing games with my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon