Kapitulo. Cinco

85.3K 2.8K 541
                                    

Iba na


Juan Pedro Birada's

Pinagmamasdan ko lang si Sarah habang natutulog siya. Hindi ko na siya pinalabas ng kwarto dahil nag-aalala akong baka hindi siya makatulog. I was wondering if she's having nightmares, ganoon kasi iyong napapanood ko sa tv. Dati napanood ko iyong pelikula ni J.Lo, iyong sinasaktan rin siya ng asawa niya tapos natuto siyang lumaban – pero bago siya natutong lumaban – naging mahina muna siya tapos, nananaginip siya nang kung ano – ano. Kanina pa ako nagbabantay pero hindi naman siya nananaginip.

Napakaganda ni Sarah para saktan lang siya nang ganoon. Hinalikan ko siya sa noo tapos ay bumaba ako ng kama. Alas tres nang madaling araw at kailangan ko nang mamalengke. Hindi naman siguro siya magigising habang wala ako. Bibilisan ko lang tapos babalik ako para magisnan niya ako sa umaga.

Pagbaba ko ng sala ay naroon si Pan at nagdo-drawing na naman siya ng damit sa sketch pad. Napatingin siya sa akin.

"Why are you gising na? It's just three in the morning."


"Mamamalengke ako para sa compound."


"Oh, no need, Jufran left na agad. He said, he's going to make palengke na. You should just go back to bed and cuddle Sarah Patatas 'cause you know, she might wake up." Pan smiled knowingly. Nakatingin lang ako sa kanya. Wala talagang nakakalampas na kahit ano sa babaeng ito. Bumalik na nga lang ako sa silidko. Pagpasok ko ng kwarto ay nakita kong nakaupo si Sarah sa kama. Nakadamit naman na siya.

Walang nangyari sa amin – kahit na gusto ko kanina kaya lang iniisip ko na baka pati siya tawagin akong Pepe Kantutero. May tamang panahon sa pagkantot at hindi ito iyon.

"Saan ka galing?" Tanong niya sa akin.

"Mamamalengke ako dapat kaya lang naunahan na pala ako ni Kuya Jufran. Matulog ka pa. Three in the morning pa lang naman." Wika ko. Sumampa ako sa kama at akmang hihiga nang magsalita siya.


"Pepe, hindi tayo bagay. Isa pa, ayokong masira iyong pagkakaibigan nating dalawa." Malumanay na sabi niya. Napalabi lang ako.

"Tulog ka na. Tulog na rin ako. Mamaya na lang tayo mag-usap." Tumagilid ako at saka pumikit. Pinakikiramdaman ko si Sarah. Lumabas siya ng kwarto. Umupo naman ako. Hindi ko naman siya pinipilit na gustuhin ako. Sinabi ko lang naman sa kanya – I think – na sinabi ko naman na gusto ko siya pero hindi ibig sabihin noon, kailangan niya akong magustuhan.

Matagal na kasi iyon, kailangan ko na sigurong sabihin. Naalala ko noon, bago siya umalis ng Pilipinas, nagkalakas loob akong sabihin sa kanya ang totoo, kaya lang, natakot ako, natakot akong kapag umalis na siya, kahit alam niyang may gusto ako sa kanya, makakalimutan naman niya, Napakalaki ng America at napakaraming oportunidad ang magbubukas kay Sarah sa oras na tumuntong siya roon.

Ayokong maging hadlang ako sa pag-grow niya as a person. Ayokong isipin niya ako sa lahat ng magiging desisyon niya sa buhay, gusto ko siyang maging malaya. Tama naman iyon. Hindi naman kasi dapat ikulong ang isang tao sa isang bagay na hindi nito gusto – parang si Papang kay Mamang.

Mahal na mahal ni Papang si Mamang, palagi niyang sinasabi sa akin iyon kaya ganoon na lang iyong pagtataka ko noon kung bakit mahal naman pala ni Papang si Mamang pero nakipaghiawalay sila sa isa't isa. Nagtanong ako at hinding – hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Papang sa akin.

Hindi dahil mahal mo, dapat kasama mo. Mahal na mahal ko si Mamang, Pe, pero hindi pa panahon. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan pwede ngunit alam ko, ngayon palang, si Luisa ang una at huling babaeng mamahalin ko.

Quit playing games with my heartWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu