Kapitulo. Seis

87.8K 2.7K 396
                                    

Bagay

Sarah Louise Quino's

Sabado noon kaya umuwi kami sa Paombong. Dalawang buwan na akong nagtatrabaho sa mga Birada and I am actually getting the hang of it, pat inga iyong pag-iwas ko kay Pepe, nakakasanayan ko na. Ganito pala iyong ibig sabihin ng so near, yet so far. Hindi ko naman kasi talaga siya balak iwasan kaya lang nahihiya ako whenever he's around me. Naaalala ko kasi iyong mga sinasabi niya sa akin, tuloy, hindi ko maiwasang mag-imagine tungkol sa aming dalawa.

Wala pa man, ang dami ko nang what ifs when it comes to him. I sighed.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ate Mona sa akin. Nasa sasakyan kami n Kuya Fonso at kasalukuyang tinatahak ang daan papunta sa Paombong. Tumango na lang ako. Nasa likuran ako at katabi ko si Mela. She's asleep. Buti pa ang mga bata, walang pinoproblema sa buhay.

"Sa bahay tayo mag-lunch pero kay Papa tayo mag-dinner saka doon na tayo matulog, Fonso, ha." Narinig ko si Mona.

"Sige, sige. Maaga na lang akong babangon bukas para samahan si Mamang kay Papang."

"Sasama ako. Hindi pa ako nadadalaw ulit."


"Whatever you say, My Love." Kuya Fonso said. Napailing ako. Buti pa sila.

Naisip kong dalawa na lang pala sa mga Birada ang walang jowa. Si Jufran at si Pepe. Naisip ko rin na baka pwede kong ireto si Pepe sa mga kakilala ko. Hindi naman masama iyon, if he's looking for someone, then maybe I could find someone for him. Tama, tutal, mahilig naman si Pedro sa mga babae. Maybe someone will suit for him.

That's right. Ako ang best friend, ako ang nakakaalam kung anong pwede sa kanya.

Nakarating na kami sa mga Birada. Sinalubong kami ni Mamang. Nauna niyang yakapin at halikan ang mga apo niya sumunod ang mga babae at doon sa mga anak niya, pinagbabatukan niya. Tawa nang tawa si Pan.

"Mang, I missed you!" Sabi pa ni Pepe sabay yumakap. Tinapik naman ni Mamang ang balikat ni Pepe tapos nag-aya na siya sa loob ng bahay. Hindi pa rin ako kumikibo kahit na noong kumakain na kami. Matapos iyon, si Ate Mona at si Pan ang naghugas ng plato katulong ang kaniya – kanyang mga asawa. Pinatulog naman ni Mamang ang mga apo niya, ako naman ay umakyat sa itaas, doon sa kwartong inilaan para sa akin.

I sat on my bed. Tinitingnan ko iyong phone ko, tapos naalala ko iyong dati kong phone. I took it out if the drawer and turned it on. Ang daming pumasok na messaged. Siyempre, mayroon messages galing kay Roldan.

It's just as same as before – nag-sorry, hindi na raw siya uulit kaya lang hindi na ako naniniwala. Hindi ko na kayang maniwala. Tama na iyong pambababoy niya sa akin. Ayoko na. Iyong message ni Mama, ang pinakagusto kong sagutin. She was asking me where I am but she told me not to tell her. It's better daw if she has no idea. At kung nasaan man ako, I should stay there – for safety. Siguro, by now, alam na rin nila ang totoo at laking pasasalamat ko dahil alam na nila. Hindi na ako mag-aalala nab aka siya pa mismo ang magsabi kay Roldan.

"Knock, knock..." Napalingon ako sa pinto. Nakatayo roon si Pepe. I smiled. "Usap tayo?" Tanong niya.

"Sure. Ikaw talaga."

"Iniiwasan mo kasi ako. Siguro sarap na sarap ka sa kiss ko."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Joke lang kasi iyon. Miss na kita, Sarah. Nandito ka nga, ang layo mo naman sa akin. Kung ayaw mong maglandian tayo, okay lang naman. Mas mahalaga pa rin iyong friendship natin. Ilang taon rin iyon. Hindi pwedeng mawala iyon at itapon."

Quit playing games with my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon