Kapitulo. Siete

83.5K 3K 794
                                    


She's not okay

Sarah Louise Quino's

Cookie – cutter girlfriend.

Iyon ang tawag ko kay Chenin. Ilang linggo na silang palaging nasa bahay. Kamalas-malasan, hindi pa ako nakakahanap ng bahay. Ilang linggo ko na silang tinitiis. Ayoko naman silang nakikita o naririnig. Madalas, nagpapagabi ako sa compound para pagdating ko sa bahay nila Jufran ay tulog na sila Chenin at Pepe o kaya man nasa silid na nila sila. I could still hear them. Ito namang si Pepe walang delicadeza sa buhay.

He told me he likes me and then he go around screwing someone else. Gusto kong magalit sa kanya pero wala naman akong karapatan. Ipinagtutulakan ko pa nga siya, so what the hell is wrong with me?

I sighed.

"Hi stranger." Bahagya akong nagulat nang marinig ko si Pepe. Sumilip siya sa office namin sa compound. I was just having my afternoon coffee. Naguat talaga ako – hindi lang bahagya kasi naman anong ginagawa niya dito? We don't talk. I am avoiding him.

"Oh, hello, Pedro." I smiled at him. Nagtuloy na siya sa pagpasok. Nakatitig siya sa akin habang paupo siya sa silya sa tapat ng table ko.

"Oh hello, Pedro? Masyado ka naman yatang pormal. Iniiwasan moa ko, tapos sasabihin mol ang, oh hello Pedro?" Tumawa siya ng pagak. Humalukipkip pa siya at pinakatitigan na naman ako. "Bakit moa ko iniiwasan?"

"I am not avoiding you." Sagot ko.

"You are. Tatlong linggo mo na akong di kinakausap. Hindi ka na sumasabay sa pagpasok – sa akin – pero kay Kuya Jufran palagi kang sumasama. Anong problema, Sarah? Galit ka ba sa akin?" Tanong niya ulit.

"Hindi ako galit sa'yo." Na totoo naman. Hindi ako galit. Nilalagay ko lang iyong sarili ko sa lugar.

"So? Why the hell are you not talking to me?!" Sumigaw na siya.

"Chill, Pedro, batuhin kita ng patatas eh, tang inang ito." Inis na sabi ko. Huminga ako nang malalim.

"Hindi kita iniiwasan, busy lang ako. Marami kaming ginagawa ni Jufran kaya hindi kita masyadong napagtutuunan ng pansin." Sabi ko na lang. He sighed.

"Sorry Sarah." He said. "Can we have dinner later? Doon naman sa isang restaurant, nakakasawa naman kasi kapag dito sa compound." Huminga siya nang malalim. Napatango naman ako. Wala naman akong magagawa. Ayokong mahalata niya masyado na iniiwasan ko nga siya. Isa pa, nakakahiya naman na ako pa iyong parang nagmamalaki. Isa si Pedro sa dahilan kung bakit may trabaho ako ngayon at may tinutuluyan.

"O-okay..." I agreed. Ganoon na lang ang inilawak ng ngiti ni Pepe.

"Yes! Isasama ko si Chenin! You will like her! I figured that you're my best friend, and she's the woman I am fucking right now, maybe you should bond. Thanks, Sarah! See you!"

Hindi na ako nakahuma. Pinanood ko na lang siyang lumabas ng office. I didn't see that one coming. Sinong mag-aakalang aayain niya akong lumabas para lang makasama si Chenin?

My god. Chenin, Chena... ano kayang pangalan ng isa pa nilang kapatid? Chenes? Chenelyn? Chervalu?

I shook my head. Bumalik na lang ako sa pagtatrabaho. Bukas ay babalik kami ni Jufran sa Balagtas para kausapin iyong may-ari noong lupang bibilhin nila. Nakadalawang balik na kami at talagang seryoso siya sa pagbubukas ng food park doon.

Makailang beses ko na ring nakasama iyong babae ni Jufran. She seems nice kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit niya itinatago iyon. Ang bait noon saka bagay silang dalawa.

Quit playing games with my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon