Kapitulo. Ocho

71.6K 2.9K 289
                                    

Hinanap

Hinanap

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Juan Pedro Birada's

Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa akin kanina. Wala akong maisip na dahilan kung bakit humantong ako sa pamimilit at pananakit kay Sarah. Hindi ko dapat ginawa iyon pero huli na kasi nasaktan ko na siya. Natitigilan na lang ako tuwing maaalala ko kung gaano kalaki iyong takot na nakita ko sa mga mata niya.

Napasabunot ako sa aking sarili. Nakaramdam rin ako ng takot – sa sarili ko at sa mga kuya ko. Umalis ako ng bahay dahil hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Paano na nga ba? Bakit ko ba nagawa iyon?

"Boss..." Nagulat ako nang magsalita iyong isa naming staff. Mag-uumaga na rin iyon. Alas tres na yata nang madaling araw pero nasa compound pa ako. Pakiramdam ko kasi hindi ako welcome sa bahay namin. "Malinis na po iyong baba. Uuwi na po kami." Paalam niya sa akin. Tumango na lang ako.

Pinanood kong isa – isa nilang isinasara ang mga bintana ng Pepe's G-Spot. Tahimik pa rin ako. Naiisip ko si Sarah at kung anong mangyayari sa amin? Paano ko na siya haharapin? Nakakahiya – hindi ko talaga dapat ginawa iyon.

Napikon ako, but that's not enough reason to do that?

Teka, bakit nag-i-english ako? Hindi naman kami mayaman?

Sa compound ako nagpalipas ng madaling araw. Sa couch sa office ako nahiga pero kahit na anong gawin ko ay hindi naman ako makatulog. Naiisip ko rin si Papang, kung buhay si Papang, pagagalitan ako noon. Sasabihin niya sa aking hindi naman niya ako pinalaking ganito kaya bakit ko iyon ginawa?

Bakit nga ba? Bakit nga ba, Pedro?

"Hindi ko rin alam." Napabuntong – hininga na lang ako. Hindi ako makatulog kaya naisip kong mag-ayos na lang ng inventory. Alam ko naman kung anong gagawin, isa pa, baka makabawas sa yamot sa akin ni Sarah kapag ginawa ko ang trabaho niya. Tumayo na lang ako para magbukas ng ilaw at hanapin ang gagawing inventory para sa buwang ito.

Isa – isa kong binuksan ang drawer niya. Nakita ko naman ang hinahanap ko. Naupo ako sa silya ni Sarah. Napansin ko agad iyong litrato na nakaipit sa salamin ng table niya. Picture naming dalawa iyon noong elementary graduation. Maikli pa ang buhok niya tapos mas matangkad pa siya sa akin. Masaya pa kaming dalawa dito. Sarah seemed so innocent here.

Wala pang takot sa mga mata niya. Napabuntong – hininga ako. Ibinaba ko iyong ballpen at saka tumayo ako. Natagpuan ko ang sarili kong nagmamaneho pauwi nang Paombong. Naiisip ko si Mamang. Alam kong hindi niya magugustuhan ang ginawa ko kaya lang nagawa ko na. Siguro hindi ako mapapatawad ni Sarah o ng mga kapatid ko,ni Mamang o kahit ni Papang.

Hindi ko dapat ginawa iyon. Dapat may paninindigan ako. Dapat kung sinabi kong gusto ko siya, dapat ipinakita kong gusto ko siya. Dapat hindi ako nainip. Dapat naghintay ako kasi alam ko naming hindi siya okay. Dapat ganoon, pero imbes na ganoon, pinili kong iba ang gawin.

Quit playing games with my heartWhere stories live. Discover now