Chapter 5

11.7K 385 34
                                    

12/16/18

RECKLESS
Chapter 5


I was too nervous after that small talk with Dash that I left Ran's unit without a word. Naiwan ang mga gamit ko sa unit ni Ran kaya napilitan akong umuwi sa amin.

"Anak." Bungad ni Papa na nadatnan kong nagkakape sa terasa.

Biglang lumabas sila kuya mula sa loob at sinalubong ako ng yakap. Somehow, I felt relieved. Kahit hindi maganda iyong nangyayari sa akin, narito pa rin ang mga kadugo ko at nakasuporta.

"Totoo ba ang sinabi ni Mama?" Kuya Jace asked, facing me while holding my both shoulders.

Inilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat. Papa's worried face is making me feel the guilt of being in this mess. Oo nga at isang pagkakamali lamang iyon pero ayokong maramdaman ng baby ko na unwanted siya lalo na at hindi naman masamang tao ang daddy niya.

Then, I turned my brothers. Kuya Hans' face is passive and Kuya Seb's looks like he's ready for a fight.

"Napapaligiran ka ng mga brusko pero may nakalusot pa rin?" Ani Kuya Seb. Siya iyong pinakabata sa kanilang tatlo at pinakasakit ng ulo dahil basagulero at siya rin iyong super protective sa akin. Halos magkaedad lang kasi kami.

"Cara," untag ni Kuya Hans. "Sinabi na sa amin ni Mama. Sino ang ama? Wala kaming alam na boyfriend mo. O baka naman--"

Mabilis ko siyang pinutol. "Hindi si Ran, Kuya. Magkaibigan lang talaga kami."

"Eh, sino? Iyong crush mong kulot? Iyong Iglesias?"

"Napakaraming nakapaligid na lalaki sa'yo. Kailangan pa ba naming isa-isahin?"

Napatingin ako kay Kuya Jace. Kalmado lang siya parati kaya kahit papaano ay balanse pa rin dito sa bahay.

"Anak," singit ni Papa. "Ano ba ang nangyari? Bakit hindi mo ipakilala sa amin ang nakabuntis sa'yo?" Hurt was evident on Papa's voice. Siguro kasi, pakiramdam niya, nagkulang na naman siya.

Lumapit ako kay Papa at yumakap. Nasilip ko si Mama sa kusina. Kapag ganitong magkakasama kaming lima, hindi talaga humahalo si Mama dahil alam niyang palaging sa akin nakakampi ang mga kapatid ko at maging si Papa na rin.

"I'm sorry, Papa." I said and told them about the party and what happened after that. Pero syempre, hindi ko binanggit ang pangalan ni Dash.

"Tell him that you're pregnant, Cara. After that, we will determine if he is worth your baby or not. But let's hope for the best." Kuya Jace said as he tapped my shoulder.

"Kuya--"

"We're not asking you to marry him. We won't do that. Kung hindi niya kayang maging asawa, atleast sana, kaya niyang maging ama."

"Oh? Tapos na ba ang drama?"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Mama na nakapameywang sa pinto. Bakas ang pagiging istrikta sa kaniyang mukha. Hanggang ngayon talaga ay iniisip ko pa rin kung ano ang nagustuhan sa kaniya ni Papa.

"Ma..." ani Kuya Jace.

"Dadalhin mo ang ama ng batang iyan o lalayas kayo ng tatay mo sa pamamahay ko?" Baling ni Mama sa akin.

"Mama!" Sabay-sabay na bulalas nila Kuya.

"Sumosobra ka na, Linda! Baka nakakalimutan mo ang mga ginawa ko para sa'yo?!"

Sa unang pagkakataon ay pinagtaasan ni Papa ng boses si Mama at sa harap pa naming magkakapatid.

"Hindi mo ako naiintindihan, Carlos! Ginagawa ko ito para hindi na maulit ang dati!" Mas mataas ang tinig na sagot ni Mama.

RecklessWhere stories live. Discover now