Chapter 60 ♬ Lost Pendant

45K 720 110
                                    

Chapter 60

(Revised & Edited.)

 

Jace's POV


"Welcome back young master."

Yan ang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng pintuan pagdating ko sa bahay pagkatapos ng dalawang araw na bakasyon sa resort nila Shane. Lumapit sila sa akin at kinuha ang mga dala kong gamit. Tatanggi pa sana ako kaso masyado na akong pagod para makipagtalo. Hinayaan ko na lang silang gawin ang gusto nilang gawin bago dumiretso sa loob ng kwarto ko sa taas. 

 *beep*

"Jace kailangan ka na dito nasaan ka ba? Ayaw nilang makipag-negotiate kung hindi daw ikaw ang sisipot kaya dalian mo na! Malilintikan na naman tayo nyan eh."

*beep*

Dumiretso lang ako sa loob ng closet para magpalit pagkatapos pindutin ang mga recorded messages sa telepono. Tuloy tuloy lang ito sa pagtunog ng mga messages na hindi ko nasagot noong mga araw na wala ako dito sa bahay at nasa resort. 

Pagkatapos magbihis kumuha ako ng bottled water sa loob ng mini fridge dito  lang din sa kwarto ko. Dahil sa laki nitong bahay namin parang condominium na rin ang style ng bawat kwarto. Hindi ko na kailangang lumabas kung tutuusin dahil dito pa lang kumpleto na lahat ng kailangan ko. 

*beep*

"Hoy Jace Alvarez! Siraulo ka ba talaga ha?! Pinapahamak mo na naman ako kay Boss eh. Haiisst! Kahapon mo pa hindi sinasagot ang tawag ko. Anong nangyari sayo? Ipinapaalala ko lang sayo na hindi laro itong pinasukan mo. 4pm bukas magkita tayo."

*beep*

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang patuloy pa rin sa pakikinig sa mga walang kwentang reklamo ni Aiden. Isa sya sa mga gangster na pinagkakatiwalaan ng ama ko kaya ngayon ipinagkatiwala naman ako sa kanya para ituro ang bawat pasikot sikot sa kumpanya namin. Hindi nya na kailangang ipaalala sa akin na hindi laro ang pinasukan ko dahil matagal ko na itong alam. Higit pa sa inaasahan nya.

*beep*

"Jace," Napidilat ako ng bahagya dahil sa bagong boses na narinig. Ang alam ko kasi ang boses lang ni Aiden ang maririnig ko sa lahat ng recorded messages. Hindi pala.

"I know son na hanggang ngayon naninibago ka pa rin sa mga bagong responsibilidad sa balikat mo. Unang pagharap mo sa mga kliyente natin at sa ibang mga higher gangster official noong isang araw ay namangha na sila sa kakayahan mo bilang isang pinuno. Sa mura mong edad na yan dinaig mo pa sila. Lahat ng bagay sa simula ang mahirap. Someday, masasanay ka rin sa ganitong buhay at sana pagdating ng panahon maintindihan mo kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito sayo. I'm proud of you son."

*beep*

Tiningnan ko sa telephone kung kailan tumawag si dad. Kahapon lang ng hapon at hindi ko man lang nasagot. Nitong mga huling araw madalas na akong napapasabak sa pamamahala sa mga negosyo ng pamilya namin. Pisikalan man pagdating sa gang business o pautakan kung tungkol na sa pagpapalakad ng kumpanya. Paghahanda kasi ito bilang susunod na papalit sa posisyon nya.

Sa mga araw na yun madalas na akong napapasabak sa gulo -kasama si Aiden at mga ibang gangmates ng pamilya namin- napasok at nakita ko kung gaano nga ba kagulo ang mundong pilit kong iniiwasan pero mukhang hindi ko na nga matatakbuhan pa. Bugbugan jan bugbugan doon,mga kabulastugan at mga pandadaya na akala mo sa tv mo lang makikita. Totoo rin pala kahit sa totoong buhay. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon