A/N:
 Happy 400,000+ sa LTMS! Hndi ko po inexpect na aabot pa ako sa ganyan kaya maraming maraming salamat po!! ^O^)/
 Sorry for keeping you waiting for so loooong. I'm currently on a vacation and internet connection is very limited. Hope you understand. So yes, here yah go! :)

Dedication <3 Thank u so much for reading my story. And it was so touching to know that I have a sweet fan like you. Thank u po ng marami!!! Nakaka-inspire ang mga taong tulad nyo. Godbless always and keep inspiring ^O^)/

VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT.

***

Chapter 68

(Saka ko na iproprofread. LOL. Sorry sa errors.)

 

Serene’s POV

Pinikit ko ang aking mga mata at dahan dahang sumabay dito ang mabilis na kabog ng aking puso. Napahawak ako sa aking dibdib kung saan dating nakasuot ang GClef pendant na lagi kong suot.

Pietr may be my past but Jace is my present.

And this time, I followed my heart more than anything.

...

Patuloy sa pagtunog ang cellphone ko pero hindi ko ito binibigyan ng pansin. Sa katunayan kanina pa sya nagriring pero kunwari bingi ako. Kung maaari pinipilit ko syang deadmahin kahit na ba may ilang beses na akong napapatitig sa nagflaflash nyang pangalan sa homescreen ko. Jace.

Pigil hininga akong napapikit. Please, please, please tumigil ka na. Para ngang isang himalang maituturing dahil bigla na lang syang huminto sa kakaring at vibrate.  *Sigh* nakahinga ako dun ah. Ayaw ko syang saktan dahil nasasaktan din ako. Pero ayaw ko ng magsinungaling sa kanya kung sino nga ba talaga ako kaya nahihirapan akong harapin sya. Lalo pa sa nagdaang laban sa pagitan ng gang namin ni hindi ko sya matingnan sa mata. Galit sya kay Gclef. Galit sya sa akin. Hindi ako makapaniwala na nasa kanya lang pala ang pendant ko na matagal ko ng hinahanap. At ako ang tinuturong salarin sa pagkawala ng ama nya sa di malamang dahilan.

Bakit ba kasi ang gulo gulo? Kailan ba maisasaayos ang lahat?

Hindi na nagpakita ulit sa akin si Pietr matapos ang araw na yun. Nakikita ko pa rin naman si Lynx at Aries minsan pero hindi ang master nila. Sabi nila may importante daw itong inaasikaso kaya nagpasabi na lang ako ng ‘salamat’ kay Pietr para sa nagawa nilang tulong noong araw na yun. Hindi naman ganun katigas ang puso ko kahit ano pang galit ko sa kanya. Sa pinakita nilang pagtulong sa amin noong araw na yun ipinakita ni Pietr sa akin na karapat dapat sya sa kapatawaran.  Pero hanggang dun lang ang maibibigay ko dahil malabo ng maibalik ang dati sa amin.

The trust between us was already broken. Sabi nga nila ‘you will forgive but will never forget’.

“Buhay ka pa pala.”

                            

Parang napapreno ang paa ko habang naglalakad sa hallway ng marinig ang katangi tanging boses na nakakapagpairita sa akin. Si Clarisse.

Listen To My SongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!