Chapter 43 ♬ Nathan's Dare

48.7K 883 100
                                    

Chapyter 43

(Not super Revised & Edited. LOL.)

Jace's POV

 

"Wala na ba talaga akong magagawa para pumayag ka lang na pumasok sa kumpanya natin?" 

Kung gaano kabilis ang masayang pagbangon ko sa umaga ay ganun din ito kabilis napalitan ng nakakasawang tanong mula kay dad. 

"You know my answer in that question dad" matipid kong sagot sabay sandaling inom ng tubig at sukbit ng bag. Lumabas na ako ng pinto. 

"But Jace, think about it again before concluding anything. Tandaan mo na kailangan namin ng bagong mamumuno lalo na't hindi na ako bumabata. Ikaw lang ang inaasahan kong pwedeng magpatuloy ng kompanya at wala ng iba. Halos lahat ng board members sayo ang boto dahil alam nila ang kakayanan mo hindi lang sa utak pati sa lakas ng pagiging isang tunay na gangster leader."

 

Napatingin na lang ako ng parang bored sa harapan nya dahil sawang sawa na talaga ako sa usapang 'to. Narinig ko pa lang ang salitang gang na yan nag-iinit na ang dugo ko.

"Bakit ba ayaw nyo na lang na ipaubaya yan sa kasosyo nyo sa kumpanya? Hindi ba't may anak din sya? Sya na lang ang pilitin nyo at wag na ako." agad na akong tumalikod mula sa kanya at saka binuksan ang pinto para lumabas ng makapasok na sa school bago pa man ma-late. Pinipigilan ko ang sarili dahil baka ano pa ang masabi kong masama kung ipinagpatuloy pa namin ang usapan na 'to. 

"Tandaan mo 'to Jace na kung hindi kita mapipilit sa takdang panahon mapipilitan akong gumawa ng kahit ano para lang mapilit ka sa gusto naming mangyari. Hindi sa lahat ng problema ay pagtakbo lang ang solusyon. Minsan kailangan mo rin itong harapin dahil kung hindi, tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para maharap mo ang pinakaiiwas-iwasan mo. Tandaan mo sana yan." kalmado nya itong sinabi pero alam ko na sa tono na yon may iba pang emosyon ang nagkukubli at pilit nyang itinatago mula sa akin. 

Pagkalabas ko isinara nya ang pinto ng napakalakas. Hindi ko na lang ito binigyan pa ng pansin at dumiretso sa loob ng kotse ko bago ito pinaharurot ng takbo. 

Napag-isipan kong mag-ikot-ikot na lang muna bago dumiretso sa school. Wala pa rin kasi ako sa mood at gusto ko munang sayangin ang oras para mabura sa isip ko ang sinabi ni dad kanina. Alam ko na tama sya na hindi ko habang buhay na matatakbuhan na lang ang responsibilidad ko sa kumpanya pero ano bang magagawa ko? Wala ang puso ko para sa bagay na iyon.

Nakakainis. Minsan hinihiling ko na sana may kapatid na lang ako ng sa ganun may kakampi ako sa mga bagay na ganito. Ang hirap din pala ang maging nag-iisang anak dahil lahat ng responsibilidad nakakabit sa balikat mo. 

Bzzzzzt...bzzzzzt  Pagvivibrate ng phone ko

1 message

'Jace!!! Gala tau ngyn!!! Kitakits n lng daw s my tambayan!!! Kaya dalian mo!!! HAHAHAH!!'


Feeling ko eh yung kababasa ko lang na message ay isinisigaw sa tenga ko.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon