A/N:
 Dedicated to one of my readers who's having her bday this friday ^_____^ Hayiiieee!! ito na ang request mo. Hapi! hapi! hapi! Birthday!!! ingat lagi and may u have more bdays to come. Thank u  so much for the continuous support s story ko. I'm so thankful  to have a reader like u

 

 READ>VOTE>COMMENT.

 

Enjoy! :)

***

Chapter 65

(Binasa ko na lang *sabay subo ng popcorn* medjo nagmamadali na rin ako eh. Busy na kasi. LOL.)

 

Serene’s POV

 

Naglalakad na ako pauwi sa bahay pero hanggang ngayon hindi ko pa rin mabura ang mga ngiti sa aking mga labi. Ang sarap lang sa pakiramdam na nabawasan na rin ang isa sa mga tinik sa puso ko. Nakakatugtog na ulit ako ng violin! Nakakatugtog na ulit ako!! Kulang na lang ipagsigawan ko na ‘to sa buong mundo.

Habang patuloy pa rin sa paglalakad bigla akong napahinto. Si Clarisse? Anong ginagawa nya rito? Aatras pa sana ako at magtatago para hindi nya na ako makikita pero huli na ang lahat ng narinig ko ang boses nya.

 

 

“Oh sooo.. tambayan na rin pala ng mga losers ang park huh? Girls, take a note ‘Iwasan ang park para hindi makakita ng isang loser na katulad nya rito’.

“Ahm... Clarisse? Tama pa ba itong ginagawa natin? Hindi ba’t out of the line na si... Serene?” nag-aalangang tanong ng ibang mga kasama nya sa kanya.

“So what?” she snapped at them “Wala naman na tayo sa school ah for goodness sake! At isa pa, sawa na rin ako sa ilang linggo kong magtitimpi sa babaeng yan!”

“Do whatever you want Clarisse basta kami labas na kami jan.” umalis ang iba sa kanila pero may-isa o dalawa pang naiwan sa tabi nya. May isa pa sa kanilang iniangat ang cellphone sa tenga at may kinausap habang may ngisi sa kanyang mga labi.

“Ha! The nerve. Sa tingin ba nila kailangan ko sila? Psh. Sige umalis lang kayo the hell I care.” Bulong ni Clarisse habang nakadungaw sa ibang mga kasama na palayo na ng palayo. Pagkatapos, muli nyang ibinalik ang tingin sa akin. 

 

 

“Anong tinitingin tingin mo jan ha?”

 

 

“Akala ko ba tapos na ang lahat ng ‘to Clarisse? Ayaw ko na ng gulo.”

“Punyeta. Naniwala ka naman?” sabi nya sabay tulak sa akin.

Aray naman! Problema nito?!

Listen To My SongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!