JUST A SPECIAL UD FOR ALL OF YOU! MERRY CHRISTMAS AND MAY GODBLESS YOU ALL! :) PASENSYA NA PO KUNG PANGIT ^.^)V



Jace's POV


"Pasko na, pasko na, pasko na!! Wala ba kayong regalo sa akin? Waah! excited na ako! siguradong may letson, hamon at keso de bola sa handaan! Di ba? Di ba Shane? Wag mo pa lang kalimutang sabihin kay auntie na gusto ko din ng spaghetti! at palab--"

Napailing na lang ako at napakunot noo. Kanina pa nag-iingay si Rico sa darating na araw ng pasko. Ilang araw na lang at magpapasko na. Napakabilis talaga ng panahon. 

"Oi Jace saan ka pupunta? manonood pa tayo ng movie di ba? di ba, di ba??" lumapit si Rico sa akin at nag-'puppy eyes'

"Rico bitawan mo nga ang braso ko! Tsk. Para kang bata!" tinatanggal ko yung kamay nyang nakapulupot sa braso ko. Kulang na nga maglambitin sya na parang unggoy

"Aalis ka na naman eh lagi ka na lang umaalis. Umalis na nga kanina sila Niel at Nathan pati ba naman ikaw aalis din? Sino pang kasama kong manood ng movie nyan? naman eh." 

Napatingin ako sa kisame, nag-iisip ng magandang isasagot sa kanya. Kung siguro iba lang si Rico matagal na akong nawalan ng pasensya sa kakulitan nya. *sigh* 

"Babalik din ako agad kaya bitawan mo na ako ok?" 

"Weh di nga? promise." I just rolled my eyes. Seriously? kailangan ba talaga paulit-ulit? Nakuha naman nyang hint yun at agad na binitawan ang braso ko

"Yehey!! sige sige mamimili na ako ng papanoodin natin! yay!" tumakbo na sya pabalik sa loob ng music room. "Shane! dali na game pili na tayo ng movie na papanoodin natin!"

Matapos masigurado na busy na sya sa paghahanap ng cd dumiretso na ako sa paroroonan ko.

Habang naglalakad sa hallway napansin ko na medjo karamihan ng madadaanan kong estudyante napapatingin sa akin. Tulad ng dati nanatili lang akong nakatingin ng diretso sa daan na parang walang ibang tao sa paligid ko. Sa totoo lang wala na akong pakialam sa mga mata nilang mapagmatyag dahil noon pa lang ganyan na sila. Pero ngayon pakiramdam ko may iba sa mga tingin nila, mga tingin na parang may tinatagong emosyon na hindi ko maintindihan. 

Napaatras ako ng konti matapos makaramdam na may nakabunggo ako sa paglalakad. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko at nagkatitigan kami sa mata. 

"Mag-ingat ka sa dinaraanan mo tandaan mo, hindi ikaw ang hari sa lugar na 'to" sabi nya, walang bakas ng 'sori' sa mukha nya kahit sya naman ang unang nakabangga. Tsk. Napahakbang ako papalapit sa kanya na may napakalamig na tingin. Ako bang hinahamon nya?

"Jace! nanjan ka lang pala kanina pa kita hinahanap eh" may narinig akong boses mula sa likod at nakita si Serene na may ngiti habang kumakaway na naglalakad papalapit sa direksyon ko. "Manonood pa daw tayo ng movie sabi ni Rico. Tara na dali!"

Babalikan ko pa sana ng tingin yung lalaking nasa harapan ko pero hinila na ni Serene ang kamay ko. Para syang nagmamadali na hindi ko maintindihan pero hinayaan ko na lang syang hawakan ang kamay ko. Napansin ko pa ang bahagyang pagyuko ng lalaki nung dumating at napatingin sa kanya si Serene, bakas na bakas ang paghingi nya ng tawad dito. 

Listen To My SongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!