Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)

49.7K 763 57
                                    

A/N: Bibitinin ko muna kayo dun sa last chapter :P ahahaha sori pero kailangan lang talga eto eh. Peaceee!! Pero atleast yung isang question masasagot na: Kung sino nga ba si Orion ^____^

Dedicated tong chapter na 'to para sa kanya. Thank you so much for reading! hope u'll support my story till the end. And thank u so much for your votes ang comments, really appreciate it!! <3

***

Chapter 47

(Not super Rvised & Edited. I need to repost this as soon as i can. LOL.)

Third Person's POV-- MEMORIES

Napatingin na lamang sya sa may salamin sa loob ng banyo kung saan sya dumiretso. Sa repleksyon nito ay may nakita syang mukha ng isang lalaki na kung susumain ay mukha ng higit sa dalawampung taong gulang, malayo sa totoo nyang edad na labing walo. Napakadilim tignan ng mukha nya, halata ang pagod at puyat na nararamdaman. Kung tutuusin hindi na nya kilala kung sino ang tao sa loob ng repleksyon, dahil mukha na itong napabayaan-- sa haba ng buhok na tumatakip sa mukha nya at sa tumutubong bigote at balbas na tila ba napaglipasan na ng panahon... malayong malayo sa maganda nyang pigura na hinahangaan at kinababaliwan ng mga babae noon at kahit pa ngayon.

                                 

"Magpagupit ka na nga! you always forget to have a haircut, do I still need to remind you that always?" bigla nyang naalala, ito kasi ang laging sinasabi ni Serene sa kanya noon sa tuwing nakikita ng mahaba ang buhok nya. Naaalala nya ang mga ngiti sa mukha nya, ang tawa at yakap nya sa tuwing sinasabi ito. Hindi nya maiwasang mapangiti pero sa kabilang banda agad din itong napapawi sa tuwing naaalala na wala na ito...wala na sa tabi nya

Napapikit na lamang sya at saka lumabas at pumasok sa isa pang kwarto. Doon nakita nya ang mga lumang kahon na naglalaman ng mga ala-ala. Binuksan nya ang isa at may nakita na mga lumang cd's. 

"Stop it! Stop it! you're so rude. Give it back! w-w-wait!" 

Pinapanood nya ang isang babae sa tv matapos na ipasok ang lumang cd para panuorin. Makikita mo sa video na masayang tumatakbo takbo at nakikipaglaro ito sa taong nagvivideo sa kanya. 

"Any message for me?" masayahing boses na nanggagaling sa taong may hawak ng video ang kanyang narinig. Isang boses na para bang estranghero na sa kanya, hindi na nya kilala, hindi na nya alam kung maririnig pa nya muli... boses na mula mismo sa kanya. 

Ang napapanood nya ngayon ay mga ala-ala, ala-ala ng kasama pa nya ang taong mahal nya. Ipinikit na lamang nya ang kanyang mga mata at saka inalala ang mga oras na kasama pa nya ito--sa video na pinapanood nya, sa video na sya mismo ang may kuha. 

"Message? what message?  hey! I should be doing that, but you're not giving it back to me" nakapout na sabi ni Serene.

"Ow come on Serene, please? please please?" 

Naaalala nya ang kulitan nila pati na rin ang mga kalokohan na ginagawa nila.

"Okay but promise that you'll be doing your turn ok?" paninigurado nito sa kanya at saka muling masigla na hinarap ang camera. "Hello! I'm Serene, Serene Lopez at your service" pasaludo nitong sabi "I'm here  in front of you to say a very long speech of love because my lovingly Pietr demand it. Am I right? Am I saying it right Pietr?" nakakalokong ngiti ni Serene sabay kiliti sa kanya

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon