A/N: Dedicated this chapter for her

~ I love reading your comments at naka2speechless po tlaga. Salamat sa inyong lahat mapa-silent readers man o hindi ^O^)/ Superrr appreciated po!!! T^T)/ Maraming salamat sa inyong lahat

Don't forget to VOTE and COMMENT. Naka2gana po yun sa isang writer pramis! ^.^

Heeeyah! Enjoy!! 

***

Chapter 66

(Totally Unedited. LOL. Dispensa dispensa.)

 

Niel's POV


Kanina pa ako palakad lakad sa sala ng bahay nila Serene. Lakad, balik, lakad balik. Paulit-ulit lang ang direksyon ng nilalakaran ko. Nasaan na ba kasi sya? Kanina pa ako nag-aalala-- este kami pala. Kaming lahat na nandito sa bahay nila.

"Kuya Niel pwede umupo ka muna?" may inabot na kape si Kelly sa akin pero umiling lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Anu ba yan. Kaming nahihilo sayo eh" dagdag naman ni Nyree.

Kahit na mukhang chill yang dalawang yan halata sa mga mata nila na mas nag-aalala pa sila kaysa sa akin.

"Wala pa ba sya? It's already getting late!" sabi ni Reece. Kanina pa sya nakasilip sa may bintana umaasa na makita si Serene na kanina pa nawawala.

"Seriously, if she's not going to answer this damn phone in 2 minutes I will have a search party just for her." tulad ko nakatayo din si Julian at palakad lakad na parang hindi mapakali. Kanina pa nya tinatawagan ang cellphone ni Serene pero walang sumasagot! Pambihira. Serene nasaan ka na?

Nawala lang kami saglit dito sa bahay para sa mga importanteng bagay na kailangan naming asikasuhin nawala na rin sya bigla? Kabilin bilinan namin na wag syang lalabas ng bahay ng mag-isa dahil baka may mangyaring masama sa kanya. Tapos anong gulat na lang namin ng makita na pagdating namin ay wala na sya sa loob ng bahay! Si Serene talaga ang tigas ng ulo.

Pero kung may nangyaring masama sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko. 

"That's it I'm done!" binato ni Julian sa sofa yung telepono na kanina lang ay hawak at saka kinuha ang leather jacket na nakasabit malapit sa pintuan. "Nyree, Kelly, stay here at home. Reece, call other members to search in places she went most. Sharie, order others to be on alert in case of emergency. And Evan, Niel, follow me."

Tumango kaming lahat sa orders na binigay nya sa amin. Sa pinapakitang kilos ni Julian isa nga syang tunay na gang leader. Sa tindig at sa otoridad ng kanyang boses, mapa-oo ka na lang ng hindi mo namamalayan.

Palabas na kami ng bahay at hindi magkanda-aligaga sa paglalakad para makapasok na sa kotse ng sa ganun ay mahanap na namin si Serene. Mabilis na pinaandar ni Evan ang kotse pero agad na napapreno ng napakalakas ng may biglang humarang sa dinaraanan namin pagkabukas na pagbukas ng malaking gate nila Serene.

Listen To My SongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!