Chapter 56 ♬ One's Nightmare

Start from the beginning
                                    

"So anyone?" pagtatawag ulit ng pansin ni Mr. Fiatzo sa amin.

"Sir I guess Serene can do it, di ba guys?" sabi ni Clarisse  "I heard na magaling daw sya sa instrument lalo na... sa violin" evil smile pa nya sa akin sabay taas ng isang kilay

Ito ba ang paraan nya para makabawi sa akin sa ginawa ko sa kanya kanina? Tss. Paano nya nalaman ang mga bagay na yun? unless kung may nagsabi sa kanya.

 

 "Talaga babes? marunong kang magviolin?" excited na sabi ni Rico "Bakit hindi mo man lang sinabi!"

"Sample naman jan kung ganun!" pangangantyaw ni Shane.

"Oo nga naman Serene di ba magaling ka naman? Show us what you got" pang-inis na ngiti sa akin ni Clarisse. Dumami pa ng dumami ang nangangantyaw sa akin kaya hindi ko mapigilang bigyan ng naaalarmang tingin sila Niel at Nathan.

"Alam mo Clarisse bakit hindi na lang kaya ikaw ang tumugtog at nang hindi mo ipinapasa sa iba ang ideya mo?" pacool na suhestyon ni Niel sa kanya

"Tutugtog si Serene kung kailan nya gusto kaya wag kang namimilit" sabi naman ni Jace na nasa tabi ko. 

"Eh sa kung sya nga ang gusto ko eh." pamewang nyang saad "At saka bakit ba masyado kayong protective eh tatayo lang naman sya sa harap at hahawakan yung violin? kung hindi nya kayang tumugtog fine. Anyway she's a loser kaya ano pang aasahan mo sa kanya"

"Ssshhh! tama na tama na" pang-aawat ni Mr. Fiatzo sa kanila. "But Serene iha can you please try? alam mo you make me remember one of the famous young violinist na paborito ko. Nakakatuwa nga eh na magkaparehas pa kayo ng pangalan."

 


"Wooooh! tatayo na yan!"

"Tatanggihan mo pa ba si Mr. Fiatzo Serene? geh na!"

"Sample! sample! sample!"

 


"Pero sir--" pipigilan pa sana ni Nathan si Mr. Fiatzo na patayuin ako sa harap pero kahit sya wala na ring nagawa. Kami ng mga kabanda ko vs. ang buong klase. Sino ba sa tingin nyo ang mananalo?

Kahit na medjo may pag-aalinlangan pa rin, naglakas loob akong tumayo. Gusto kong patunayan kay Clarisse na kaya ko. Na hindi ako yung 'loser' na sinasabi nya. Na hindi ako mahina. Pero meron pa rin dito sa puso na natatakot. Natatakot na baka kung ano ang mangyari kapag nahawakan ko ulit yung violin. Nandito pa rin kasi yung takot na hindi basta basta mawawala. Kaya ko kaya? Pagkatapos ng mahabang panahon, haharapin ko na ulit ang isa sa mga bagay na pinakakinatatakutan ko. 

Huminga ako ng napakalalim. At dahan dahan, nakita ko ang paglapit ng violin sa akin.

"Here you go" abot sa akin nito ni Mr. Fiatzo. 

Ang lamig. Napakalamig sa balat ng ebony na kahoy nito. Mas lalo ko pang naramdaman yun ng simulan ko ng idikit ito sa pisngi ko para simulang tumugtog. Ang tagal sigurong hindi nagamit ito, nakatago lang at kinalimutan sa loob ng casing nya. Parang ako lang -matagal kong hindi ginamit ang kaalaman ko sa violin  at itinago lang sa puso ko. Kaya ko pa kaya? Kayo ko pa kayang muling harapin ang nakaraan?

Listen To My SongWhere stories live. Discover now