Chapter 56 ♬ One's Nightmare

Start from the beginning
                                    

"-so as you know music is life. Isipin nyo na lang kung walang musika ano na lang ang mangyayari sa mundo natin? hindi ba't napakaboring kung lahat tahimik?" hindi ko man lang namalayan na nakapasok at naglelecture na pala si Mr. Fiatzo - ang music teacher namin - sa harap. Lumilipad kasi utak ko kapag kasama ko si Jace.

Lahat ng estudyante nakikinig kapag sya na ang nagsasalita. Napakabibo kasi nya at hindi boring kung magturo.  Dito sa school sya ang pinakapaborito ng lahat ng estudyante.

"Natapos na natin ang pagbabasa ng mga nota last two weeks hindi ba? kaya ngayon ang pagtugtog naman ng instrumento ang pagtutuunan natin ng pansin." masigla nyang sambit sabay pakita ng mga instrumento na dala nya. May keyboard na nakahanda sa likod, gitara na hawak hawak nya at ang violin...

"Meron ba sa inyong marunong tumugtog ng kahit anong instrumento dito? Gitara, keyboard, violin? anyone?"

"Marami po dito sir kung sa pagtugtog lang ng instrument!" sigaw ng isa naming kaklase

"Wooohoo!! calling Priceton band members! you may play in front of the class now!" 

"Sample na yan!! sample! sample! sample!"

Nagkaroon ng hiyawan at kantyawan sa loob. And since napalitan sila sa walang tigil na paguudyok sa kanila. Napasubo sila ng wala sa oras. 

"Whoops? tutugtog pala ang ang banda ng school naten eh eh di kung ganun, let's go the music room!" pag-aanyaya ni Mr. Fiatzo at masaya kaming sumunod. 

Ilang pang sandali inaayos na nila lahat ng gamit nila. Tulad ng dati si Nathan sa piano, Shane sa drums, Rico sa bass, at si Niel at Jace naman sa gitara. Wala pang ilang sandali narinig ko ang matinis na pinagtamang stick ng drums ni Shane at nagsimula silang tumugtog. 

Walang nag-ingay, walang kumanta, dahil purong musika lang ng instrumento ang maririnig mo. Napapangiti ako sa sobrang ganda ng musika na ginagawa nila pero mas lalo pa akong napapangiti sa tuwing tumitingin sa direksyon ko si Jace kapag part na nya. 

"Bravo! Bravo! Thank you so much guys!" pagpapalakpak ni Mr. Fiatzo pagkatapos ng pagtatanghal na ginawa nila. Muli na namang umingay sa loob ng music room dahil sa palakpakan at sigawan naming lahat. Gusto pa kasi nila ng isa kaya sigawan sila ulit ng "More!!!"

 "I know you want more guys pero iba naman okay?" natatawa pa nyang dagdag "Anyone who wants to play solo? Kahit itry nyo lang."

 "Like it?" umupo si Rico sa tabi ko

"Oo galing nyo nga eh" nakangiti kong sagot. Tahimik rin na umupo si Jace sa tabi ko kaya hindi ko agad namalayan. Naka-indian seat kaming lahat sa sahig pero ang mas nakakagulat sa lahat eh yung pagsandal sa akin ni Jace. Ipinatong nya yung ulo nya sa balikat ko at saka pumikit. 

"Ui! anong ginagawa mo!" bulong ko sa kanya. Kami na naman kasi ang center of attention ngayon "Umayos ka nga!" pabiro kong tulak sa kanya kaso sa tuwing tinutulak ko sya eh bumabalik lang ulit sya sa akin. Okay lang sana kaso nakangiti naman sya halatang pinagtritripan na naman ako

"Hindi ba pwedeng maglambing paminsan minsan?" bulong pa  nya. Binigyan ko na lang sya ng weird na look dahil sa mga pinagsasabi nya. Anyare dito? maglambing, okay. Pero sa harap mismo ng mga kaklase namin? very unusual para sa kanya na gawin. 

Listen To My SongWhere stories live. Discover now