Chapter 56 ♬ One's Nightmare

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ms. Clarisse Anne Villanueva, am I right?" tumango naman ito bilang sagot

"Good thing nandito ka dahil meron talaga tayong dapat pag-usapan." may binuklat si Principal na mga papel sa loob ng isang folder "Bully sa school, skipper, at higit sa lahat, last week may nagreklamo rin sayo katulad nito, tama ba Ms. Villanueva?"

"Yes sir per--" Umiling na lang si Principal/Attorney, isang senyales na sa pagkakataong ito ay wala na syang palalagpasin pa na kahit na anong excuse. 

"Ms. Lopez you may go and same as your friends." utos nya sa amin

"But sir! hindi nyo ba sila paparusahan? ako ang biktima dito! they couldn't just get away with that!" galit na singhal ni Clarisse 

"Ms. Villanueva are you questioning my decision?" hehe kapag ganyan na ang boses ni Attorney eh natatahimik na lang ako. Para saan pa na naging attorney sya diba? his voice is the authority "And you Ms. Lopez we need to talk after this, understand?" 

Tuluyan na kaming umalis doon nila Kelly at Nyree pero bago pa ako makalabas ng pinto may pahabol pang kindat sa akin si Attorney. At yun, bilang parusa kay Clarisse dahil sa paggawa nya ng kalokohan eh pinagpulot sya ng basura for the whole week.

End of Flashback

 "Ugh! you!" galit na turo ni Clarisse sa akin 

Hehe.Sarap nyang inisin grabe. Serene- 1 point. Clarisse- 0 point. Woohoo!

Magkakaroon pa sana ng round two na rambulan sa pagitan namin ng biglang dumating si Jace. Mga kamay sa bulsa, tumayo lang sya sa tabi ko. Dahil doon wala na silang nagawa kundi ipako na lang ang mga paa sa kinatatayuan nila. Ganun kalakas ang presensya ni Jace, sa isang tingin lang matakot ka na. 

"Hindi pa ako tapos sayo tandaan mo yan" paglapit ni Clarisse sa akin sabay bulong."Let's go girls." 

Nagsipasukan na silang lahat sa loob ng classroom at nagsi-upuan sa kinauupuan nila. Ang bilis natapos ang one week outing dahil ngayon nandito na naman sila. Bakit pa kasi nila kailangang bumalik? sana nagstay na lang sila doon ng mas matagal-- ay mali, sana nagstay na lang si Clarisse at ng grupo nya dun forever. 

"May ginawa na naman ba sila sayo?" tahimik na tanong ni Jace sabay hawak ng kamay ko. Sabay kaming pumasok sa loob at halos lahat ng babae sa loob matatalim ang tingin sa akin. 

"Yung as usual pa din, ang sirain ang araw ko. Pero hayaan mo na, hindi ko ibaba ang lebel ko sa kanila" binigyan ko na lang sya ng isang napakatamis na ngiti at magkahawak kamay na pumasok sa loob. Hmm.. bakit parang ang init ata ng kamay nya?

Sa isang linggo na yun hindi man kami nakasama sa outing, nag-enjoy naman kaming dalawa na magkasama. Date dito, date doon. Mga trip namin na parang ewan. Nakakaenjoy! Matapos ang araw na nalaman ko na si Pietr ay myembro ng Black Savage hindi na namin sila muling nakita. Buti naman, dahil wala rin talaga akong intensyon na makita syang muli. Tama na ang isang traydor dahil baka sa susunod makapatay na talaga ako. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon