Chapter 54 ♬ Her Guardians

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kukunin nyo na lang din ako, di ba dapat karapatan kong malaman kung saan nyo ako idadala?" yeah. Gusto nyo ng laro ah, sige pagbibigyan ko kayo. 

"Psh. Ayos din 'to ah" nakangising sambit ni kuya #2 "Pero pasensya na miss, hindi kami kasing tanga tulad ng iniisip mo. Pribado ang gang namin at hindi kami basta basta nagbibigay ng impormasyon sa kung sinu-sino lalo na sa mga mahihinang klaseng tulad mo." 

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa pag-iinsulto nya sa kakayanan ko.

"Oo nga naman mahina ako, kasi karamihan ng mga problema tinatakbuhan ko, karamihan ng mga responsibiladad tinatakasan ko at karamihan ng mga humahabol sa akin na katulad nyo..."  binigyan ko ng masamang tingin "...pinapatay ko."  

Nawala ang ngiti sa kanilang mga labi at nakita ko ang pagkadiskomportable nila sa kanilang mga kinatatayuan. Pinilit lang nila itong tinago. 

"Haha! P.ero syempre joke lang yun" nawala ang kaseryosohan sa boses ko at napalitan ng nakakatakot na tawa. "Kasi nga di ba mahina ako?" 

Biglang lumakas ang hangin. Malamig, pero hindi ko 'to maramdaman. Nagkatinginan lang yung dalawa at ibinalik sa akin. 

"Tss! Tama na nga ang dakdak! Sa ayaw mo't hindi sasama ka sa amin!" pagbabasag ni kuya #2 sa katahimikan

Napapikit na lang ako at napahinga ng malalim sa napakapreskong hangin. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kamay ng isa sa kanila sa balikat ko at wala pang ilang sandali, kusang gumalaw ang mga paa ko. Napaikot ako bilang bwelo at tumama ang paa ko kay kuya na humawak sa akin. *dugg* Tahimik na tunog pagkabagsak nya sa lupa at doon ko lang binuksan ang aking mata. 

"Sino ka?" makamandag na tanong ng kasama nyang nanatili pa ring nakatayo sa kinatatayuan nya. 

Napangisi ako sa direksyon nya "Isang tahimik na mamamayan sa lugar na 'to na bigla nyo na lang ginambala nang hindi nalalaman kung bakit." kapag naiinis talaga ako I'm making Jose Rizal proud. Nagiging makata ako ng 'di oras.

Nainis yata sya sa akin kaya ayun sinugod nya ako ng walang pasabi. Sinubukan nya akong suntukin pero nakailag ako. Sa sumunod nyang atake nahawakan ko yung kamay nya na kanyang ikinabigla, aktong babaliin ko na sana yung kamay nya gamit ang siko ko ng may bigla na lang akong naalala.

"Serene please lang, wala muna gulo ok? lagi ka sanang mag-iingat sa bawat desisyon na gagawin mo. Wala muna sanang makakaalam bukod sa mga nakahanap na sayo na ikaw si GClef na papalit sa trono ko. Masyadong delikado anak... We can't afford to lose you..." 

Napabuntong hininga na lang ako sa inis at saka tinulak ang bihag ko palayo sa akin. Tama si mama kaylangan kong mag-ingat. Konting maling move lang na ipakita ko sa mga kalaban siguradong malalaman nila na ako si GClef. Marami kasing unique na move at technique na ako lang ang nakakagawa, naging tatak ko na rin ito sa haba ng panahon kaya delikado kung gagawin ko 'to ngayon. 

Sabay na silang sumugod sa akin ngayon. Kung kanina puro atake ako, ngayon puro depensa na lang. Nakakainis. Kahit gaano ka kalakas may limitasyon pa rin ang lahat ng bagay. Saan ba kasing gang nanggaling ang dalawang 'to? Anong kailangan nila sa akin? Dahil sa ginawa kong paglaban kanina nakikita ko ngayon sa mga mata nila ang panggigil para makaganti sa ginawa kong pagpapatumba sa kanila kanina. Masyado sigurong malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan ang pagdampi ng isang matalim na bagay sa braso ko. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon