Chapter 52.5 ♬ Naughty Date

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dahan dahan lang Jace madami pa yan. Tikman mo pa 'tong fish ball o kaya 'tong kikkiam." Napapangiti na lang ako sa tuwing nakikita ko syang nakangiti at takam na takam sa kinakain nya. Malayong malayo kasi sa Jace na una kong nakilala.

"Mas gusto ko 'to. Ang sarap eh" sabay subo nya ulit doon sa kinakain nya "Ano ba kasi 'to? Bakit ang sarap?" tuwang tuwa pa nyang sambit.

"Ah yan ba? Masarap talaga yan! Isaw yan eh." 

Pagkatapos sabihin ito ay bigla syang napahinto at tinitigan ako na parang kulang na lang ay lumawa na ang mga mata nya. MAya't maya pa ay sunod sunod na syang napaubo. 

"Sabi kasi dahan dahan ka lang eh yan tuloy nabulunan k.a" dahan dahan kong tinapik yung likod nya. Kanina pa sya kain ng kain hindi nya alam na isaw yun? ngek.

"Di ba yung.. *cough* isaw yung dun sa may.. *cough* part na..." sambit nya sa bawat pag-ubo.

Ako naman tapik lang ng tapik sa likod nya at saka may inabot na inumin. Nagthank you na ako kay manong kanina saka nagbayad na rin ako. Buti na lang mabait pa si manong at binigyan ako ng discount! At may libreng palamig pa! Para raw dito sa kasama ko na hindi daw yata sanay kumain ng tulad ng mga paninda nya. 

"Okay ka na? Gusto mo upo muna tayo?" I feel bad huhu dapat pala hindi ko na sya pinakain nun eh. Para kasing sumakit yata yung tyan nya dahil doon. 

Nakaready na ako sa magiging sermon ni Jace o kaya sa sungit mode nya sa akin. Huhu bakit kasi napakapasaway kong bata?

Pero hindi ko inasahan yung narinig ko mula sa kanya.

Tumatawa sya?

Mahina lang, yung parang pigil, pero yung dalawang kamay nya nasa tyan nya. Hala! Anong nangyayari dito? Nakakain lang ng isaw nabaliw na yata?!

 

"Sigurado ka bang okay ka? Kinukumbulsyon ka na yata?!" nagugulat kasi ako sa pagtawa nya. Talaga bang si Jace pa to?!

"Okay na ako." pigil nya sa tawa nya "Narealize ko lang, ang dami ko pa lang nagawang first time nitong araw na 'to."

 


Wag mo akong titingnan ng ganyan Jace! Wag! As in! Matutunaw ako!

"Salamat." sobrang tamis ng ngiti nya sa akin. 'Nak ng teteng! Naninibago ako 

"Para saan? Para sa mga pagpapahamak ko sayo sa buong araw na 'to?" 

Umiling iling sya at saka hinawakan yung dalawang kamay ko.

"For giving me a chance to experience things I never experience before."

Pakiramdam ko namumula ako pero hindi ko pinahalata. Hindi ko naman talaga plinano ang lahat ng nangyari nitong araw na 'to. Siguro nga kung anong hindi mo ineexpect, yun pa ang mas masaya at mas maganda. 

"Wala yun. Serene at your service" ...sa kalokohan hahaha.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon