"Sapul na sapul ang indenial king ng taon Dette" sabi ni Nathaniel.

"Tama ka diyan Nathaniel! Ayaw nalang kasing sabihin na kaya ayaw niyang Lucas na yan kay Elo dahil..." hindi na natapos ni Dette ang kanyang sasabihin ng muling magsalita si Tita Nave na tila nagmamakaawa na.

"Please Lucas accept Elo na we already gave you na lahat ng gusto ng mga kuya mo at sana tumulad ka sa mga kuya mo na mag--"

"Don't compare me to them Mom we are different!" walang galang na pagputol ni Boss sa kanyang ina.

"Whatever Lucas, basta maging maayos ka na naman sana, labis na kaming humihingi ng dad mo ng sorry dun sa pagkuha ng credit card mo so please son accept Elo na" nagmamakaawa na ang tono ni Tita Nave

"Swear my son dadagdagan namin ng dad mo ang sweldo mo dito basta tanggapin mo lang si Elo na maging secretary mo and hindi kaba naawa kay Dette? Ilang years mo na siyang secretary at habang patagal ng patagal mas dumadami na yung mga kailangan mong gawin kaya kailangan mo na din ng dalawang secretary or assistant to assist you much better" wika pa ni tita Nave.

"Mom" malambot na ang tono ng pananalita ni Boss.

"Bakit baby namin?" tila paglalamibing ni tita Nave kay boss kaya napahagikgik kaming tatlo nila Dette at Nathaniel.

"Mom! don't call me like that! " tila isa namang batang pagtatampo ni Boss kay Tita Nave.

"Che! Anong pangit!? Eh baby ka naman talaga namin ng Dad mo at ng mga kuya mo!" natatawang sabi ni tita Nave at ganun din kami natatawa dahil sa kanilang senaryo.

"Okay mom! Payag na akong mag tatrabaho siya dito" tila pagsuko naman nito sa kanyang nanay.

"Bakit ba kasi ayaw mo sa kanya Lucas? It is because the past?" sabi ni tita Nave at napataas nalang ang mga kilay ko.

"What do you mean by past? Mom?" tanong ni Boss.

"My son kaya ka pinangaralan ng mga kaibigan at mga kuya mo na Indenial King because you always deny everything you like don't say na kaya mo tinatanggi si Elo kasi you like him am I right?" natatawang sabi ni Tita Nave at nalaman ko na ang punto kung bakit Indenial King si Boss.

"What are you talking about mom!? never akong magkakagusto sa gay!" pagtanggi ni Boss.

"Wag kang magsalita ng hindi tapos my Baby" natatawang sabi ni Tita Nave.

"Stop that baby thing mom!" iritang sabi ni boss.

Sa tingin ko ay para lang kaming nakikinig ng radyo dahil nanimagine namin kung anong mga kaganapan ang nangyayari sa pagitan ng mag ina.

"So ano nga? It is about the past right? Kasi Malaki ang pagkakahawig ni Elo with your ex girlfriend na muntikan mo nang pakasalan? What is her name again? cuz I forget the name of that bitch my son?" natatawang sabi ni tita Nave at nagulat ako ng biglang tumili ang dalawang tao sa magkabilang gilid ko.

"Tama tayo Dette! Tama tayo!" kinikilig na sabi ni Nathaniel kay Dette at nagagawa pang hamapasin ako ni Nathaniel sa braso.

"Actually si Tita talaga unang naka recognize na may physical traits na pagkakapareho si Elo at yung Angel na yun" natatawang sabi ni Dette.

Ibig sabihin ba na kaya labis akong tinatanggi ni Boss kasi gawa ng ex girlfriend niya na muntikan na niyang mapakasalan? Madami pa talaga dapat akong malaman.

"So I am right my son? Na kaya tinatanggi mo si Elo kasi kamukha siya nung bitch mong kasintahan?" tanong ni tita Nave.

"Stop it mom! Nakaka irita na!" inis na sabi ni boss.

At muling nagsalita ang dalawang tao sa gilid ko na ngayon ay nakatayo sa aking harapan.

"Diyan ka muna Elo may pupuntahan muna kami ni Nathaniel" pagpapaalam sa akin ni Dette at hindi na nakapagpaalam sa akin si Nathaniel ng dahil sa hinigit agad ito ni Dette.

Kaya mag isa nalang akong natira dito sa sofa.

Iginala ko ang panigin ko sa living room ni Boss at wala naman akong makitang mga nakasabit maliban sa isang malaking flat screen na tv salamin din naman ang pader kaya iyon ang nagmimistulang desensyo ng paligid.

"Just a second my son natawag sa akin ang dad mo babalik din agad ako dahil hindi pa tayo tapos" rinig kong sabi ni tita Nave mula doon.

Nagmamasid lang ako sa paligid ng marinig kong tumunog ang aking cellphone na nasa loob ng aking bag tanda ng may nag text.

Kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag mensahe.

"Elo, kasama ko sila tita at tito dito sa resort namin kasi anniversary nila mama at papa ngayon, sayang at wala ka dito dahil mas enjoy kung kasama ka nila kasama ko din mga kuya mo kaso si Ella lang ang hindi kasi may pasok pa siya sa school ingat ka diyan Elo"

Napangiti ako sa mensahe mula kay Prince at nagpasalamat naman ako sa kanya, itatago ko na sana ang phone ko ng muli itong tumunog.

Mensahe naman mula kay Tita Nave.

"Elo tell to your boss na bumaba kayo dito sa lobby at sabay-sabay na tayo kakain ng lunch" text mula kay Tita Nave.

Hindi na ako nag patumpik-tumpik kahit nahihiya ay tumayo na ako sa aking pwesto at naglakad na patungo sa lamesa ni Boss.

Wala naman akong nararamdamang kakaiba bukod sa pagtatampo sa kanya dahil sa pag tanggi niya sa akin.

At ng tuluyan na akong nakalabas ng living room ay doon ko nasilayan si Boss na nakatungo habang ang dalawa niyang kamay ay nakasabunot sa kanyang mga buhok at nakatukod sa kanyang lamesa.

Tila inis na inis ang itsura ni boss na kahit hindi ko kita ang kanyang mukha.

Kaya ang ginawa ko ay naglakad ako ng kaunti papalapit sa kanyang pwesto.

Nang medyo malapit na ako sa may lamesa ay nagsalita na ako.

"Boss" santinig ko at nakita ko ang pagsinghap niya bago siya tumigin sa akin na tila gulat na gulat sa kanyang nakita.

Ang kanyang pagkagulat ay napalitan ng pagkainis na mukha at doon mo mababatid na ayaw na ayaw niya akong makita, pero ayos lang alang-ala sa pamilya ko at sa magandang sahod ay gagawin ko ito.

"What are you doing here?!" may kalakasang sabi ni boss at mababatid mong galit ito.

"Pinapatawag na tayo ni tita Nave" sagot ko dito at tumingin ako sa ibang diresyon.

Nang wala akong nakuhang tugon ay muli akong tumingin sa kanya at ganun parin ang ekspresyon ng kanyang mukha inis at tila may pagkamuhi.

"Look what you have done" siguro ay kailangan ko nalang i-imune ko ang sarili ko sa mga sasabihin niya "Well let see" sabi ni boss at umayos siya ng upo niya at tila relax siyang sumandal sa malaking swivel chair na kulay brown. Hello tawag na kami sa baba.

"At dahil magiging trabahador kita at secretary, I have a rules"

"Rules?" pag-uulit ko.

"Bingi lang?" tanong ni boss sa akin.

"Hindi" sagot ko at muling tumingin sa kanya.

"Punctuality is my best rule, ayoko ng late an-"

Naputol ang pagsasalita niya ng may nag message muli sa akin.

"Elo nasaan na kayo?" text ni Tita Nave kaya napatingin ako sa kanya.

"Mamaya na yang rules mo tara na sa baba dahil hanap na tayo" tumalikod na ako at hindi ko na hinintay ang sagot niya.

Bago ko tumbukin ang glass door ng opisina niya ay narinig ko pa itong sumigaw

"The fuck?!"

ㅡㅡㅡㅡㅡ

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now