Case 2.9: Pornography.

17 1 0
                                    

PART TEN.

"LADIES and gentlemen! We are so glad that you all came and joined our bidding! We are hoping to see you again next time." nakangiting sabi ng emcee. Nagpalakpakan naman ang lahat bukod sa akin.

Tinaas ko ang number card ko. "Excuse me." sabi ko. Nakangiting tumingin sa akin ang emcee.

"Yes, Miss?" tanong nito.

"Are we really through with the biddings?" tanong ko. Nalilito man ay tumango ito.

"Y-yes." sagot nito.

"I think we are not." sabi ko. Lalong nalito ito.

"Why? What do you mean by that?"

"We will bid." simpleng sagot ko.

"But the candidates are already sold." Nagkibit balikat naman ako.

"I am not talking about the candidates." sagot ko. Napukaw na sa amin ang atensyon ng lahat.

"Then what?"

"Your lives." sabi ko at ngumiti sa kanila. Lalong bumakas ang lito sa mukha nila. Kinuha ko naman mula sa ilalim ng lamesa ang isang baril at deretso kong binaril ang lalaki. Bumagsak naman ito. Nagsimula ng magsigawan at magpanic ang mga tao. Naalarma na din ang mga tauhan sa loob at agad na pinaputukan ako. Mabilis at maliksi ko naman na na iniwasan ito. Nakipagbarilan na din ako sa kanila. Akmang tatayo na ako ng may isang tauhan ang babaril  sa akin pero tumumba din ito.

"Let's make it more lively, shall we? Viper?" nakangising sabi ni Vulture. Ang papel kasi namin ay magpanggap na kasali sa bidding. Sinadya ko na makipagtaasan kay Hunter para mapukaw ang atensyon sa amin ng mga tao. Ngumisi din ako dito.

"Sure. Why not?" sabi ko at isang granada ang nilabas nito. Binato sa mga tauhan na papalapit sa amin at halos lumipad kami sa lakas ng pagsabog. Agad kong binatukan si Vulture.

"Tangina! Sabi mo lively! Ehh parang di magiging lively ang tatamaan nun dinamay mo pa ako!" agad na hiyaw ko dito. Tumawa lang ang kumag.

"Bah. At least minsan sa buhay mo naranasan mo ang walang gravity."

"Ikaw din mawawalan ng gravity pag humiwalay kaluluwa mo sa katawan mo pag ginulpi kita!" asik ko dito. Tumawa lang ulit ito. Binigay sa akin ang earplug na kailangan namin at sinuot agad.

"Check the place Viper." sabi nito. Pinaikutan ko ito ng mga mata. Pumikit ako saglit at ng dumilat ako ay inikot ko ang paningin ko at pinakiramdaman ko ang paligid.

"More enemies to the right. Bidders escaping to the north. Victims escaping from the underground. And the mastermind escaping to the south."

"Hear that?" sabi ni Vulture. 

"Loud and clear." sagot nina Crow at Dragon.

"I'll take care of the Bidders." -Dragon.

"I'll deal with the mastermind." -Crow. Tumango si Vulture.

"Enemies arriving in 3 minutes." sabi ko.

"Good. Now we will finish all the enemies here." sabi ni Vulture. Inalalayan naman akong tumayo nito. "You know what to do now, Viper?" Pumikit ako at tumango. Pag dilat ko, wala ng emosyon ang mga mata ko. Itinaas ko na din ang mga baril ko sa magkabilang kamay ko. Bumukas ang pinto.

"Annihilate them." at mabilis namin na sinakatuparan ang aming misyon.





INAYOS kong maigi ang cap na suot ko. Siniguro na okay ang mga dala ko. Pinindot ko ang number sa doorbell na kailangan ko. Sumagot naman ito.

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon