Case 2: Pornography.

104 9 63
                                    

PART ONE.

HINIHINGAL na umupo ako mula sa gilid ng court. Katatapos lang namin magvolleyball. Lumapit naman ang isang kaklase at ka varsity team ko.

"Nice game, Shara." nakangiting sabi nito at tumabi sa akin. Ngumiti naman ako ng matamis dito.

"Thank you." sabi ko at kinuha na sa gym bag ko ang bote ng tubig ko. Napansin ko naman ang pagukumpulan ng iba kong mga ka-varsity. Napakunot naman ang noo ko. Tumingin ako sa katabi ko.

"Anong meron?" takang tanong ko. Tumingin naman ito sa akin mula sa pagpupunas ng pawis nito.

Nagkibit balikat ito. "Ewan ko. Tara puntahan natin." sabi nito at sabay kaming tumayo at pumunta sa mga nagkukumpulan. Isang babae ang may hawak ng cellphone ang pinagkukumpulan nila.

"Bakit? Anong meron dyan?" tanong ko.

"Ayy basta! Ito yung bagong kumakalat na vid ngayon?"

"Vid? Kumakalat?"

"Oo. Basta. Tignan mo na lang."

Kunot noong tinignan ko ang cellphone. Nasa isang channel sila. Nagliwanag bigla at nanlaki ang mga mata ko.

Isang babae ang nasa video. Nasa akto ng bago ito maligo at habang naliligo.

"Ohh my gosh! Live yan?" gulat na tanong ng isang kasama ko.

"Oo daw eh. Live talaga ang ExVi."

Magsasalita ng maramdaman ko ang mahinang vibrate at pag-ilaw ng necklace ko. Naramdaman ko din ang pagvibrate ng phone ko. Lumayo ako at sinagot ang tawag.

"Hello? Ate M?"

"Papunta na ako dyan, Shara. Dadaanan na lang kita." sabi nito at binaba na ang tawag. Pumunta ako kung nasaan ang gym bag ko at kinuha ito.

"Bye girls. Una na ako." paalam ko sa kanila at umalis na ako. Hindi maganda ang kutob ko dito.


NANG makapasok sa base ay agad na tumuloy si Shara sa kwarto nito at agad na dumiretso si Moana sa kusina at nagbubukas na ng mga cupboards. Lumabas naman mula sa kwarto nila sina Arjhane at Berry. Sa base na kasi sila dumiretso at dito na natulog. Huling dumating si Lavi at agad na umupo. Nang makakuha si Moana ng pagkain ay agad na umupo ito sa sofa.

Ilang saglit lang ay umilaw ang screen.

"Le Sorelle."

"Hello Pusit!" kaway nina Livea at Moana. Pinaningkitan sila lalo ng singkit na mga mata nito. Mukha na tuloy siyang emoji na straight ang linya ng mga mata.

"Boss." pagsusungit nito.

"Geh. Fine." balewalang sabi nina Livea at Viper.

"Anong bagong mission namin, Boss?" direktang tanong ni Berry.

"Narinig niyo na ba ang tungkol sa ExVi?" kunot noong tanong ni Scan. Pare-pareho naman na kumunot ang mga noo namin.

"Narinig ko sa mga kapwa kong abogado ang tungkol dyan." -Livea.

"Tsimisan din ng ilang nurse at kapwa doctors ko." sabi ni Berry. Sinegundahan naman ni Arjhane ito.

"Sabagay. Kita ko din sa ilang mga customers." sabi ni Jovel.

"Kalat din sila sa mga schools ngayon." sabi ni Shara na tinanguan ni Moana.

"Anong meron dun?" tanong ni Arch. Mula sa pagkakaupo ni Scan mula sa swivel chair ay umupo ito sa lamesa.

"Yun ang next mission niyo."

"Okay. Kung net lang yan, bakit di na lang natin hayaan kay Jovel yan?" takang tanong ni Arjhane.

"True. Madali lang naman siguro na itrace, di ba?"

"Well that's the prob. Mahirap hanapin. Plus ang mga victims ay hindi magkakasama sa isang lugar." sabi ni Scan. Litong nagtinginan ang lahat.

"Ha? Boss, isa sa expertise mo 'to." takang sabi ni Jovel.

"At tingin ko mas magaling sa computer ang nakaisip nito." sabi ni Scan. Kinuha naman ni Jovel ang laptop nito. Pagkabalik ay agad na binuksan at nagtype. Nagkumpulan naman  sa paligid ni Jovel.

ExVi. Elusive X Videos.

Isang welcome page muna ang nakita namin. Pero may access info bago makapasok.

"Try hacking it, Jovs." sabi ni Livea. Sinubukan naman ni Jobel pero hindi ito makapasok.

"Anong kailangan?" -Berry.

"Name and location."

"Ohh? Imbento na lang." -Moana.

"I tried. Pero laging don't match."

"Try mo kaya na totoo mismo, Ate Jov?" suggestion ni Shara.

"Okay. Pero sino?"

"Wait. Ask ko muna yung isang kasamahan ko na may access." sabi ni Berry at may tinext saglit. Matapos nun ay pinakita kay Jovel. Nagtype naman ito pero di kami nakapasok.

Already in use.

"So it means, kung saan unang inaccess, siya lang ang pwedeng gumamit ganun?" tanong ni Moana.

"Mukha nga." -Livea.

"Natry mo na ihack ang system?" tanong ni Berry. Ilan tipa pa ang ginawa ni Jovel pero puro error.

"Ano iaccess ko na ba ang sarili ko?" tanong ni Jovel.

"Eheeeeemmm!" malakas na sabi ni Scan. Napatingin naman kami dito.

"Ohh Pusit! Nandyan ka pa pala. Akala namin nagbalik dagat ka na?" sabi ni Moana.

"O kaya nagpahinga na kasi alam niyo na. Mashonda na kasi." dagdag pang sabi ni Livea. Nagsitawanan naman at naghigh five pa sina Livea at Moana.

"Seryoso ako!" aburidong sabi ni Scan.

"Okay. Bakit?" tanong ni Berry.

"Mas safe na wag ibigay ang personal info. Based sa mga nakuha namin, ang ilan ay may access sa sites na naging biktima. Maganda na i under surveillance muna natin ang mga biktima. Nakuha na namin ang ilang info sa kanila." sabi ni Scan at sinend nito sa isang computer ang files.

"Yun muna ang mission namin, Ney?" tanong ni Shane.

"Yup. Magmanman muna kayo. Lalo na sa mga may access sa site na mga kakilala at kasamahan niyo." sabi ni Scan.

"Copy." sabay-sabay na sabi at namatay ang screen. Tinignan namin ang files.

"Apat na babae ang nandito. So as usal, stay si Jov for info. Isa ang may kapair sa pagbabantay. Okay ba yun?" sabi ni Berlie. Tumango naman kami. Naghanda naman kami. Dumiretso na kami sa parking lot. Lumabas na kami. Hawak ni Viper ang helmet nito. Pero nagulat kami ng may isang lalaki ang nakasandal sa isang heavy tinted na Range Rover na itim. 

Matangkad at maputi ito. Nakashades din ito. Hinanda agad ang mga baril na meron kami. Akmang tutukan na namin ito ng magsalita si M.

"Vin?" takang tanong nito. Lumingon ang lalaki at tumuwid ng tayo.

"Viper." sabi nito.

"Kakilala mo?" tanong ni Livea. Tumango si Moana.

"Oo." sabi nito. "Why, Dragon?" tanong ni Moana dito.

"Phython summons you." sabi ng lalaki. Tumango si Moana. Inabot ang helmet kay Livea.

"Paki ingatan yan." sabi ni Moana at mabilis na sumakay sa sasakyan. Tinanguan lang ng lalaki ang mga naiwan at sumakay na din at mabilis na umalis. Nagtinginan na lang kami.

"Anyare?" takang tanong ni Shara.

Nagibit balikat naman sila. "Tara na. Babalitaan naman tayo ni Jov for sure." sabi Arjhane. At sumakay na kami sa mga sasakyan na gagamitin namin at umalis na.


===================

Thankyou Pan sa ang ganda-gandang bookcover 😍😍😍 Loveyou 😘😘😘

-M

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon