Case 2.3: Pornography.

59 6 60
                                    

PART FOUR.

"SALAMAT pala, Viper." sabi ni Jovel.

"No worries, Pan."sabi nito.

"Bakit nandito nga pala kayo?" biglang tanong ni Arjhane.

"Nandito din kasi ang target namin." sabi ni Viper.

"Pareho pala sa amin." sabi ni Shara. Nagsitinginan naman ang lahat sa kasama ni Vipe.

"Ahh. Si Vin. Vinlan. Siya ang partner ko sa mission dito." pakilala nito. Tumingin ito sa lahat.

"Vin." simpleng sabi nito.

"Uhmm... ano ibibigay namin na name?" mahinang tanong ni Shara.

"LS codes na lang." kibit balikat na sabi ni Moana. Nagpakilala naman ang lahat dito.

"What to do next?" tanong ni Vin kay Moana.

"Antayin muna natin ang tawag nina Vulture at Crow." sabi ko. Niyuko naman nito si Moana.

"Pero lakas ng loob mong tumalon dun noh? Swerte mo na lang nakaabot ka dito." sabi ni Vin. Kumunot ang noo ni Moana.

"Pinaparating mo?"

"Aba, pareho nating alam. Tropa mo si dagul eh. Buti sa ikli ng mga binti mo, nakaabot ka." pang-aasar nito. Nakita namin na naiirita na ito pero pinili nito ang ngumiti.

"Ikaw nga buti nakaakyat ka kaagad dito. Sa payat mong yan. Hulaan ko, di ka umakyat, lumipad ka talaga." balik pang-aasar nito. Nag twitch din ang kilay nito.

"Buti nabuhat mo pa sarili mo noh? Sa pagkakaalam ko kasi, naka tatlong extra rice ka eh."

"Ehh ikaw nga nakalima eh. Saan napunta mga kinain mo? Sa bone marrow?" 

Nagpapalit-palit lang ang tingin namin habang nag-aasaran sila.

"Ikaw nga nagtake advantage ka na madilim pa eh. Camouflage noh?"

Dinuro na nito si Vin. "Hoy! Sobra ka na! Below the height na ang pang-aasar mo!" 

"Ayy oo nga. Kasi below na below ka naman talaga eh." pang-aasar pa din nito. Kunot na kunot ang noo ni Moana na lumingon sa amin.

"Pigilan niyo ako bago ko masakal yan." sabi nito.

"Di mo nga maabot balikat ko, sasakalin mo pa ako?" natatawang sabi nito. Pinatunog na nito ang mga daliri sa kamay.

"Gugulpihin ko na to." sabi ni Moana at mabilis na pinigilan ito.

"Ohh kalma Vipe." pigil ni Arch. Bumuga naman si Moana. Kumunot ang noo nito. Lumingon ito at seryosong tumingin kay Vin.

"Parating na sina Crow at Vulture." sabi ni Moana. Sukat sa sinabi nito ay nagring ang communicator nila.

"Parating na sila. Pero di nila na tayo maantay sa baba."

"So ibig sabihin, bababa na tayo mula dito." sabi ni Moana. Lumapit ito sa may pader. Sumilip. Lumingon pabalik. "Arriving in five minutes. Mag improvise na tayo ng gagamitin." sabi nito. Dahil rooftop, may mga kumot ay pinagbuhol buhol nila ito. Isang maliit na baril ang binunot ni Moana. Pero isang tali lang ang lumabas dun. Tumama ang dulo nito sa pader pababa.

"So magslide tayo gamit ang pinagbuhol na kumot." sabi ni Vin at tumango-tango.

"Oo. Mauna ka ng bumaba." sabi ni Moana. Pumosisyon naman si Vin. Sinabit na nito ang kumot.

"Give me the signal kung kailan baba." sabi nito. Tumango naman si Moana. Nakatingin lang ito sa daan sa baba. Tumingin ito kay Vin.

"Arriving..." sabi nito. "In ten... nine... eight... seven... six..." Pero bigla nitong sinipa si Vin. Gulat na humarap ito kay Moana. Ngumisi si Moana dito.

"Sneaky Revenge." sabi nito at nagslide sa si Vin pababa.

"TANG INAAAAAAAAAAAAA!!! MOOOAAANNNAAAA!!!" sigaw nito. Tumingin lang si Moana dito.

"Justice! Antayin mo ako dyan ha?" sigaw lang nito. Sinabit na din nito ang kumot at tumingin sa amin.

"Mauna na ako, girls." sabi ni Moana at mabilis na tumalon. Saktong pagbaba nito ay isang sasakyan ang binagksan nito. Samantalang si Vin ay sa isang lumang sofa na nakatambak lang sa baba bumagsak. Tinignan lang naman namin ito hanggang sa makaalis na sila. Nagtinginan naman kami.

"Uhhh..." simula ni Liv. "Balik na tayo?" tumango naman ang lahat at umalis na.


PABAGSAK na nagsiupo ang lahat ng makabalik sa hideout. Saktong nagliwanag naman ang screen sa pader.

Ang mukha ni Scan ang bumungad sa lahat.

"Ano ba yan. Bulilyaso na nga ang mission, ang sama pa ng bubungad sa amin." agad na reklamo ni Liv.

"Oo nga. Masagwa na, malansa pa." segunda ni Jovel.

Agad na sumimangot si Scan. Nagsitawanan naman ang iba.

"Kukumustahin ko pa naman sana kayo, inasar niyo na agad ako." nakasimangot na sabi nito.

"Okay lang kami Boss." sabi ni Berry. Agad na nagtungo sa kusina.

"Gutom na ako. Anong makakain dyan, Ate Berry?" tanong ni Shara. Pumunta naman ang lahat sa kusina. Binuksan ni Berry ang freezer at napanganga ang lahat.

"Bakit puro hotdog ang laman?" gulat na sabi ni Arjhane. Lahat ay tumingin kay Scan. Tumikhim naman ito.

"Aba, sabi nga nila, patrionize your own. Kaya ayan. May supply kayo ng hotdog." buong pagmamalaki na sabi nito.

"Tang ina. Sa Pinas, puro na kami hotdog, hanggang dito ba naman?" asar na sabi ni Liv. Magrereklamo na sana ng biglang bumukas ang pinto at niluwal si Karen.

"Boss, LS, nandito na sila." nakangiting sabi nito. Napakunot ang noo ng lahat.

"Sinong sila?" sabay-sabay na sabi.

"Girls, magsi-upo muna kayo." sabi ni Scan. Nagtataka man ay sumunod ang lahat at naupo.

"Sinong sila nga, Pusit?" tanong ni Jovel.

"Boss nga!"

"Ehh di Boss Pusit. Ang arte talaga." sabi ni Jovel at pinaikot pa ang mga mata.

"Sila ang tutulong sa atin para sa mission na 'to. Actually, connected ang mission natin sa mission nila." sabi ni Scan.

"So parang collab work, ganun ba?" tanong ni Arjhane.

Tumango naman si Scan. "Ganun na nga."

"So, nasaan na sila?" tanong ni Shara at sakto na nagbukas ulit ang pinto.

"Hanep! Kung walang sofa dun sa baba, malamang durog ako!"

"Pasalamat ka nga kahit papaano may sofa ehh."

Nagulat kami sa nakita. Napatingin naman sila sa amin.

"Yo ulit!" sabi lang ni Moana. Kasama nito si Vin at ilang saglit ay dalawang lalaki pa na nakatakip ang pumasok.

"Girls. Sila ang tutulong sa atin." sabi ni Scan. Nagsiayos naman sila ng tayo. "Meet, my friends and former colleagues."

Tumingin kami sa kanila na seryoso na ang mukha at matikas na ang tindig.

"Shadows."

====================
-M

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon