Case 1.6: Prostitution.

93 10 43
                                    

PART SIX.

MAINGAT ang mga kilos namin. Dahil nahack na din ni Jovel ang secutìrity cameras nila, mas madali na sa amin ang pagpasok.

"Left mo, Archer, nandyan ang mga rooms. Sa right side naman ang sa stage." sabi sa amin ni Jovel. Ibang way naman si Berry dahil iba ang task nito.

"Copy. Saan sina Sirens?" tanong ko.

"Nasa backstage pa din, Phoenix. Dumiretso ka na dun. Tapos na naman si Viper sa kanya." sabi nito. Nang nasa gitna na kami ay nagtanguan kami ni Archer at naghiwalay na ng landas.



HANGGANG ngayon ay nakangiwi pa din ako. Medyo hindi pa din ako nakakaget over sa nakita ko.

"Alam ko bakit ka nakangiwi dyan." untag ni Scan. Gaya ko, nakapaligid din ang iba't-ibang screens dito. Nakamonitor din sa amin ito.

"Ano naman, Pusit?"

"Yung kay Viper noh?" sabi nito. Hindi naman ako sumagot. "Alam ko napapaisip kayo. Pero masisiguro ko sa inyo na matinong tao si Viper. Kahit ba ganyan ang nakita mo." at nagkibit balikat.

"Paano mo naman nasabi yan, Scan?" tanong ko.

"Dahil isa lang ang nagtrain sa amin ni Viper." 




MULA sa pagkakalikot ng computer nito ay agad na nagpunta ako sa likod ng pinto. Nakarinig at nakaramdam kasi ako ng hakbang papunta dito. Pinosisyon ko kaagad ang baril, di alintana ang ayos ko. Pagkabukas ng pinto ay agad na tinutok ko sa likod ng ulo nito ang baril.

"Viper." mahinang sabi nito. Binaba ko ang baril ko. Humarap naman sa akin ito at nanlaki ang mga mata.

"Ikaw pala. Akala ko sino na." sabi ko at napakamot pa sa batok ko.

"Viper naman! Magbihis ka nga!" sigaw nito. Tinakpan ko ang butas ng mga tenga ko gamit ang hintuturo ko.

"Wag kang sumigaw, Archer. Mabubuko tayo." sabi ko.

Agad naman na sinara nito ang pinto. "Ano ba Viper! Nakahubad ka!"

"Excuse me. Topless lang ako." ingos ko.

"Kahit na! Hala! Kumuha ka ng pwedeng ipamalit mo!"

"Akin na yang vest na hawak mo. Pwede na yan." sabi ko at kinuha ang vest na dala nito. Sinuot ko na yun. Nakakita naman ako ng isang low cut na sneakers sa gilid. Kinuha ko at sakto naman sa akin. "Tara na. Para makauwi na tayo at makakain na." balewalang sabi ko at lumabas na. Sumunod naman si Livea na naiiling na lang.




NASA pinto pa lang ako rinig ko na ang ingay sa loob. Dahan-dahan ang pasok ko. Nakadapa pa ako at gumapang ng dahan-dahan. Di ko na muna pinansin ang nangyayari sa loob. Nagfocus ako sa pagpunta sa backstage.

"Sa kaliwa, Phoenix. Bilisan mo habang wala pa yung bantay sa pinto." sabi ni Jovel. Binilisan ko lalo ang kilos ko. Pumasok ako sa pinto. Nakita ko si Shara na naghihintay.

"Sirens." sabi ko. Lumapit sa akin ito. Inabot ko naman ang vest nito at pares ng damit. Nagbihis naman agad ito. "Ready ka na?" tanong ko. Tumango ito.

"Yes, Phoenix."

"Good. Ikaw ang rumescue at maglead sa mga babae. Sina Archer at Viper na bahala sa pagrescue na nasa rooms." sabi ko. "Panther."

"Wala pang bantay sa labas. Lumabas na kayo. Then do your jobs." sabi nito.

"Copy." sabay naming sabi.

Tapos nun ay lumabas na kami at magkabilang side na kami nagdaan. Si Shara ay sinenyasan ang isang babae sa gilid. Binulungan ito. Nang tingin niya ay tumango ito ay nagtago na ako sa gilid. Binunot ko ang dagger na meron ako. At kahit nasa dilim, asintadong binato ko ito sa isang lalaki na may baril. Sa gilid ng leeg ito tinamaan na agad na kinatumba nito. Ganun din ang ginawa ko sa iba.

Napansin ko na unti-unting umaalis na ang ilang kababaihan. Naiwan na lang ang mga nasa table kasama ang ibang lalaki. Binato ko din ito ng dagger ko. Nang may makapansin na sa akin ay eksperto akong tumalon. Binunot ko ang isang espada na nakasabit sa likod ko. 

Pagkahawak ko ay agad na hiniwa ko ang baril nito na itinutok sa akin pagkatapos naman ay hiniwa ko agad ang leeg nito. Umagos ang masaganang dugo dun. Naalarma naman ang iba kaya ng itutok nito sa akin ang mga baril ay maliksi na pumunta ako sa likod nito at ginamit ko pansalag mula sa mga bala ang katawan nito.

Naalarma ang mga nasa loob. Mabilis na nagtakbuhan palayo ang mga babae. Pero mabilis na inalalayan ni Shane ang mga ito kaya nakalabas agad sila. Nang masiguro na wala na ang mga babae ay kinuha na ni Shara ang isang armalitte. Nagtago sa isang pader. Itinutok nito ang baril sa mga lalaki at mabilis na pinagbabaril lahat ng nandoon. Nang malito ang mga kalaban ay sinamantala ko ito at agad na tumakbo palapit sa mga malalapit sa akin at maliksi na pinaghihiwa ang mga leeg ng mga ito.

Nakita ko naman na ubos na ang mga kalaban doon. Lumapit ako kay Shara.

"Ayos ka lang, Sirens?"

"Oo, Phoenix."

"Then iiwan na muna natin ang ilang bomba dito. Then let's go at itakas na ang mga biktima." sabi ko. Matapos sumang-ayon nito ay lumabas na kami.




DERE-DERETSO akong naglalakad dito sa pasilyo. Hinayaan lang ako ng mga bantay na mga nadaanan ko kanina.

"Panther."

"Yes, Hunter?"

"Any info?"

"Okay na sina Sirens at Phoenix. Papunta na sina Archer at Viper sa mga rooms. Ikaw na bahala sa target mo. He's all alone inside." sabi nito. Ngumisi naman ako.

"Copy." sabi ko. Nang nasa tapat na ako ng isang pinto ay inayos ko ang sarili ko. Naka isang sexy na outfit ako. Nakasuot din ako ng mask. Tapos nun ay kumatok na ako. Narinig ko naman ang boses nito at binuksan ko na ang pinto. Sumandal ako sa hamba ng pinto. Tapos sexy na lumakad ako deretso sa isang pole sa loob ng opisina ni Rodencio Magta. Sensual na hinawakan ko ang pole. Matapos ay humarap kay Rodencio na naglalaway na nakatingin sa akin. Mapang-akit na tinignan ko ito.

Okay. Task: start.

===============

Unedited.

-M

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon