Case 2.4: Pornography.

62 6 98
                                    

PART FIVE.

"SO, PAANONG collab ang gagawin?" agad na tanong ni Liv.

"Teka di ba mas maganda na magpakilala muna tayo?" sabi naman ni Arjhane.

"Oo nga. Excited lang, Cher?" natatawang tanong ni Jovel.

"Ehh sa excited na akong gulpihin sila eh." nakangusong sabi ni Liv.

"Please introduce yourselves." sabi ni Berry.

"Ladies first." sabi ng isa sa nakamask. Nagtinginan naman ang mga babae. Nagkibit balikat naman si Shara.

"Sirens." simpleng sabi ni Shara.

"Archer."

"Hunter."

"Phoenix."

"Panther."

"And Viper!" biglang singit ni Moana at tinaas pa ang kamay. Agad na binatukan ito ni Vin.

"Sila lang. Di ka kasali."

"Bakit ba? Ladies nga daw eh."

"Di ka naman lady eh. Lalaki ka eh."

"Gago!"

"At kayo?" sabi ni Berry.

"Dragon." sabi ni Vin.

Nagtanggal ng takip ang isang lalaki. Napanganga naman sila.

"Vulture."

Sumunod naman ang isa pa na nagtanggal.

"Crow."

Aba! Parang mga model pala ang mga kasama nila sa misyon.

Dumiretso lang sa sala si Moana at basta na lang umupo.

"Vin, luto ka na muna hapunan. Tom Jones na akesh." sabi lang ni Moana. Ngumuso naman ito.

"Ikaw magluto ikaw pala ang gutom."

Tinaas ni Moana ang dalawang daliri nito. "Mamili ka. May kusina pa itong base o maiimpatso kayong lahat pag ako ang naiwan sa kusina?" sabi nito. Frustrated na nagkamot ng  batok si Vin.

"Oo na. Ako na." sumusukong sabi nito at nagtungo na sa kusina. Naiwan naman na ngingiti-ngiti si Moana.

"Everyone. We have another visitor." sabi bigla ni Scan.

"Sino?" tanong ni Shara.

Biglang nahati sa dalawa ang screen. May isang anino ang lumabas. Lahat ay napatingin dito.

"Sino naman yan?" tanong ni Berry.

"LS. This is Phython. Siya ang head boss ng Shadows." pakilala ni Scan.

"Hello, LS." isang automated voice ang narinig ng lahat. Mukhang mas mysterious ang peg ng boss ng Shadows.

"Ahh. Ako nga pala si---" naputol ang pagpapakilala ni Jovel ng magsalita si Phython.

"I know. I already know who you are." sabi ni Phython. Natigilan naman ang buong LS.

"Si Phython ang boss ko. Ang mga mission niyo ay sa kanya din nagmumula." sabi ni Scan. Napatango naman kami. Kaya pala no need na pagpapakilala.

"Let's start." sabi ni Phython.




MATAPOS ang mahabang meeting at diskusyon, nagpasya ang iba na magpahnga muna. Nagsitayuan na ang lahat mula sa pagkakaupo sa sala.

"Phython." biglang sabi ni Moana.

"Yes, Viper?"

"Can we talk?"

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon