Case 1.5: Prostitution.

82 10 60
                                    

PART FIVE.


TINUTOK sa amin ni Gener ang baril nito. Nanginginig na nagyakapan kami.

"Ikaw, Olivia!" sigaw nito at tinutok sa akin ang baril. "Sumampa ka sa kama." sabi nito at ginalaw-galaw ang baril. Nanatiling nakatayo ako. "Sampa sabi eh!" sigaw nito at nagpaputok sa pader. Nagulat kami pareho ni Ate M.

Napatingin si Ate M sa pinto.

"Kung iniisip mo Lore na may papasok, pwes wala! Dahil walang papasok para tulungan kayo!" sabi nito at tumawa pa. Napayuko si Ate M. Pero kita ko sa gilid ko na ngumiti ito.

"Sampa na Olivia! Ang tagal mo naman bata ka eh!" sabi na naman nito. Nanginginig man ay sumampa ako. Nilaylay nito ang strap ng see-through dress ko. Tapos pinagkrus nito ang mga braso ko sa tiyan ko.

"Yan. Ganyan nga." sabi nito. Tapos tinaas ang mukha ko. "Wag mong ibaba ang mukha mo! Babariliin kita." banta nito at dinutdot pa ang baril sa ulo ko. Tapos lumapit naman ito kay Ate M na nakaupo na sa isang tabi. Pinadaan ang baril sa mukha nito. "Mamaya ka sa akin, Lore." sabi nito at dinilaan pa ang pisngi.

Kahit gusto ko ng pabulain ang bibig nito, nagpigil ako. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko kundi mauuwi sa wala ang lahat ng ginawa namin.

Pinatong na nito ang baril sa isang lamesa. Tapos pinosisyon na nito ang sarili at hawak ang camera, nagsimula na itong kumuha sa iba't-ibang anggulo. Ilang na ilang na ako. Kasi kahit nakadress ako, kita na halos ang katawan ko. Tanging konti lang ang talagang natatakpan.

Nang makontento ito ay pumunta ito sa computer at nilagay ang mga pictures. Tapos ay sumilip na sa labas. Hindi ko alam pero pumasok ang isang lalaki doon. Bigla akong hinatak patayo.

"Ito na ang pictures niya. Idisplay niyo na. Dalhin niyo na sa stage yan. Ako nang bahala dito sa isa." sabi nito at inabot ang mga pictures ko sa lalaki. Tumango naman ito at hinatak na ako palabas. Umiiyak ako at kumapit kay Ate M.

"A-ate Lore!" umiiyak kong sabi. Naiiyak na din si Ate M sa harap ko.

"O-olivia. W-wag mo akong iwan." sabi ni Ate M. Pero malakas ang lalaki at nahatak ako palabas.

Umiiyak nila akong hatak. Pero napangiti ako. Kasi umaayon sa plano namin ang nangyayari.




MATAPOS kong barilin ang huling lalaki na nakita kong nakabantay sa labas, narinig ko naman ang pagtawag ni Panther sa amin.

"Agents. Gising na sina Viper at Sirens." imporma nito sa amin. Nagstretch naman ako ng balikat at inikot-ikot pa ang leeg ko.

"Copy, Panther. Sunod na kami." sabi ko. "Hunter. Phoenix." tawag ko.

"Yes?" -Arjhane.

"Bakit. Archer?" -Berry.

"Let's go. Sa loob na tayo." sabi ko. At pumasok na kami sa parte na hindi kita ng CCTV.


MAHIGPIT ang hatak sa akin ng lalaki. Tumigil kami sa isang pinto. Pagbukas nun ay nakakabinging ingay ang sumalubong sa amin. Mahilo hilo din ako sa usok na naamoy ko. Mga inom, sigarilyo, marijuana at may mga bumabatak pa. Mga babaeng hubo na ang nasa stage at nagsasayaw. Ang iba naman ang talagang nilalapastangan na.

"Ihanda mo na ang sarili mo. Isusunod ka na sa auction."

"Auction?"

"Oo naman. Bagong salta ka. Kaya panigurado madami ang gustong ikama ka kaagad." sabi nito. Hinatak naman ako papunta sa backstage. Pinaupo ako sa isang upuan sa tabi tapos iniwan ako. Nilibot ko ang tingin ko. Nang masiguro na walang cam at ako lang. Nagsalita ako.

"Panther."

"Nakita ko ang lugar. Iguguide ko na sila para marescue na agad kayo dyan." sabi nito. Tumango naman ako.

Please hurry up, Sorelle.


NAIWAN ako kasama ang manyakis na photographer na ito. Nakaupo na ako dito sa kama. Nasa gilid ko naman ito at panay ang amoy sa akin. Nandidiri na nga ako at kapit na ang hininga at laway nito sa katawan ko.

Nakatatakot nga at baka may sakit pang dala ito. Makaligo ng alcohol pagkabalik ko. Yung kulay green. Kasi yun, di lang pampamilya. Pang agents pa.

Nagulat na lang ako ng maramdam ko ang pagpisil nito sa hita ko. Hinihimas himas naman nito iyon. Syempre sa loob loob ko, parang messenger lang ang reaction ko.

Seen.

"Tingin ko, mas maganda kung tatanggalin na natin yang saplot mo." sabi nito.

Pinaikot ko naman ang mga mata ko sa isip ko.

Duh. Parang panyo na pinaikot na nga ang suot ko. Tapos tatanggalin pa? Ayy hustisya naman sa akin.

Pero wala eh. Mukhang atat talaga si manyakis. Tinanggal pa din ang buhol sa likod kaya mabilis na pinagkrus ko ang mga kamay ko sa dibdib ko.

"Bago ka nila pagsawaan... ako na muna." sabi nito at pinagkiskis pa ang mga kamay. Kinuha nito ang camera at nagpicture ng nagpicture. Nang magsawa ito ay pinatong na nito ang camera sa may malapit ng desktop. Sinamantala ko iyon para maihanda ang sarili ko. Nang mailapag na nito at humarap sa akin ay mabilis na sumampa sa kama at tinaas sa ibabaw ng ulo ko ang mga braso ko.

Hays. Sana man lang pinagamit nila sa akin kahit yung mga pinantatakip ni Miley sa dibdib. Air-conditioned pa naman. Baka imbes na monay pa ang texture ng dibdib ko, putok na sa tigas.

"Ako. Ako ang unang lalaspag dito." sabi nito habang nakatingin sa dibdib ko. Lihim naman akong napabuntong hininga.

Mali. Mali. Hindi ikaw siya kaya wala kang karapatan dyan.

Sinunggaban na nito ang leeg ko. Abala na ito doon at unti-unti ko ng kinakapa ang tinago ko sa ilalim ng unan. Hinayaan ko lang ito. Hindi ako nanlaban para mas makakilos ako. Nang naramdaman ko na wala na ang mga kamay nito sa braso ko. Dahan-dahan kong kinuha ang baril nito.

"Nagugustuhan mo ba ang ginagawa mo sa akin?" tanong ko.

"O-oo." sabi nito at tuloy pa din.

"Good. Kasi last mo na yan eh." sabi ko. Tumigil naman ito at napaupo. Magsasalita sana ito ng matigilan. Binaril ko kanang dibdib nito. Umaagos ang dugo dun. Umupo naman ako. Lalapit sana ito ng barilin ko naman ang kaliwang dibdib nito. Nanlalaking mata lang na nakatingin sa akin ito.

"Sorry ha. Pero isang tao lang ang exclusive sa katawan ko eh." sabi ko at malamig na ngumiti. Tinutok ko ang baril sa may puso nito. "Have a nice trip to hell." sabi ko at binaril ang puso nito at tumayo ako sa kama at binaril ulit ito sa gitnang parte ng noo nito. Bumaba ako sa kama at pumunta sa likod nito at sa likod naman ng ulo ito binaril. Ang kaninang puting kwarto ay pula na. Bagsak ang duguan na katawan nito sa kama at umagos at kumalat sa kama ang dugo nito.

Binuka ko ang bibig ko at kinuha sa ilalim ng dila ko ang usb na nakatago doon. Umupo sa desktop ng computer. Di alintana na topless at panty lang ang suot ko.

Sinaksak ko ang USB.

"Panther." sabi ko.

"Got it, Viper. Nahack ko na." sabi nito. Sumandal ako sa upuan at nag-inat.

"Tapos na ang parte ko dito." sabi ko. "Gutom na ako. Makalabas na nga at makahanap ng makakain." sabi ko at tumayo na.

==============

Unedited.

-M

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon