Case 2.5: Pornography.

41 4 30
                                    

PART SIX

NAIILANG na hinahatak ko pababa ang suot kong palda. Di talaga ako komportable sa suot ko ngayon.

"Arch, bakit ka ba hatak ng hatak dyan sa palda mo?" tanong ni Phoenix sa akin.

"Tangina naman kasi, Nix. Konting yuko ko na lang dito, kung may mens lang ako, kita na nila yung suot kong wings sa ikli! Pota talaga!" asar na asar na sabi ko. Napatakip naman si Nix ng bibig. Nagpipigil na tumawa. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Sorry Arch. Di ko t-t-talaga mapigil-lan." paputol-putol na sabi nito dahil sa pinipigil na tawa.

"Gugulpihin ko talaga lahat ng kalaban natin ng makaalis na sa punyetang lugar na 'to." badtrip pa din na sabi ko.

"Girls." biglang pasok ni Sirens. "Posisyon na tayo." sabi nito. 

"Ehh paano sila?" at tinuro ko ang mga babae na natutulog at nakatali sa isang tabi ng dressing room. Di na namin alam kung ano ang nangyari dahil inabutan na lang namin sila na ganun at binigay na lang sa amin ni Viper ang mga uniforms nila at nauna na itong lumabas.

"K-kami na ang b-bahala sa k-kanila." putol-putol din na sabi ni Panther sa earrings na suot namin. Halatang nagpipigil ng tawa.

"Anong tinatawa-tawa mo, ha, Pan?" tanong ko.

"Wala Archer. Wag mo na alalahanin ang palda mo at wala ka naman mens ngayon kaya walang wings na makikita." at tumawa ng malakas. Narinig ko naman ang pagtawa ng iba. Naalala ko na nakakonekta nga pala ang mga speakers at earphone naming lahat para mas madali iinform ang kilos namin. Napahilamos naman ako sa mukha ko gamit ang palad ko.

"Punyeta talaga. Tara na nga at simulan na ang misyon." asar na asar na sabi ko.

"Roger." sabi ni Phoenix at Sirens at lumabas na.






MASAYA akong nakikipag-inuman sa mga hoodlums na nasa paligid ko. Isang bar ang pinasukan namin ngayon. Ito ata ang bar ng mga sindikato na aming iniimbestigahan ngayon. Isang entertainer naman ang papel ko.

"Miss, you have such fine legs." sabi nung isa na katabi ko at pinatong pa ang palad nito sa hita ko. Ngumiti naman ako dito.

"Thank you. And you have such fine muscles here." sabi ko at pinisil ang braso nito. Ngumiti din ito sa akin at unti-unting umaakyat pataas ang palad nito. Agad na hinawakan ko ito.

"Not so fast, loverboy. Maybe later." sabi ko at kumindat pa dito. Ngumisi naman ang lalaki. Magsasalita pa sana ito ng biglang umilaw ang stage. Isang babae na may mask sa mga mata at kulot-kulot na kulay brown ang buhok nito. Nakaupo ito sa isang upuan sa stage at may mic na nakatapat dito. Ito ata ang hired singer ng bar.

Tinitigan ko ang babae. At ng kumanta ito ay nagulat ako. Dahil sigurado akong si Viper ang kumakanta. Ngunit kung madalas na rock ang style ng kanta nito sa bar ni Panther pero ngayon ay senswal ang dating ng kanta. Kung hindi ko lang kilala at alam na nasa misyon kami, malamang nadala na din ako sa kanta nito.

"Ohh. The boss is here." biglang sabi ng katabi ko. Bigla naman akong naging alerto. Tinignan kong maigi ito. Medyo matanda na ito. Marahil nasa kalagitnaan ng quarenta anyos. Tama lang ang pangangatawan nito. At halata ang lahing intsik nito.

"Is he your head boss?" simpleng tanong ko. Lumingon naman ito. 

"Well, yeah." bulong nito sa akin. Umupo ito sa sofa na malapit sa stage. Pinaligiran naman ito ng ibang tauhan nito. Matapos nun ay uminom na lang habang nakinig sa tugtog. Sinamantala ko naman ang pagkakataon. Kailangan kong makakuha ng impormasyon mula dito.

"So..." umpisa ko at pinaikot ang hintuturo ko sa dibdib nito. "How long are you working for him?" tanong ko at pinapungay pa ang mga mata ko.

"Few months now, I think." sagot nito at kinuha ang isang baso ng whisky na inumin nito. So it means may idea na din ito sino man ang nasa likod ng mga vids. "Why?"

"Huh? What do you mean, why?" tanong ko.

"Why did you want to know? Interested in my boss?" tanong nito at pinagapang na naman ang kamay sa hita ko.

"Nah. Just wondering." at nagkibit balikat pa ako.

"Good. He's an old man. I can satisfy you more." sabi nito at ang kamay ay mula sa hita ko paakyat sa braso at balikat ko na ang kamay nito habang umiinom ito.

Ohh no worries. I'll satisfy myself in torturing you later.

Ngumiti lang ako dito at nakinig sa pagkanta ni Moana sa stage.


MASUSI ko naman pinag-aaralan ang lugar dito sa kusina. Di na rin akong nag-abala kung may makakakita sa akin kasi hawak na naman ni Pan ang security cameras sa loob.

"Kumusta paghahanap, Sirens?" tanong sa akin ni Nix.

"Okay naman Phoenix. Mukhang walang droga dito. Puro sangkap lang talaga sa pagluluto." sabi ko. 

"Mukhang di sila naglalagay sa pagkain nila. Delikado tayo dito kung sakali man na maglagay tayo. Mabubuliyaso agad ang plano natin."

"Anong gagawin natin?"

"Tanungin natin sina Boss para makasiguro tayo." sabi ni Nix. "Boss?" sabi nito at nilagay ang kamay sa may hikaw nito.

"Inspect the other areas. Kunwari nagdadala lang kayo ng drinks. Surely di lang sila dyan nagsasama-sama. May mga other means of relaxing sila." sabi ni Scan.

"May ipinadalang floor plan si Phython. Base sa floor plan, may mga other rooms sila. Baka mahanap niyo ang office. I'll go hack the cameras first." sabi ni Panther. Ilang click ang narinig namin at nagsalita ulit ito. "Okay. Napansin ko na may mga nagpaparoom service at food deliveries." sabi nito at biglang tumunog ang isang telepono na nakadikit sa pader. Kinuha ko ito at sinagot.

"Yes?"

"Two tequillas." sabi ng isang lalaki.

"What room, Sir?"

"45." sabi lang nito.

"Got it." at binaba ko na ito. "Room 45." sabi ko. Matapos nun ay ilang tunog na ang narinig namin at sinagot na ni Phoenix ang mga tawag.

"Okay. I'll explain it later. Be careful. Baka mahanap na natin ang mga kailangan natin." sabi ni Panther.

"Prepare yourselves, girls." sabi ni Scan.

"Yes Boss." sabay naming sabi ni Nix at naghanda na kami.

===============

-M

Le Sorelle. (The Anti-crime sorority)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon