Chapter 2: Incipient

Start from the beginning
                                    

Mayamaya lang ay may narinig na akong katok mula sa pinto. Agad ko naman itong binuksan at bumungad sa akin ang mukha ni mommy na may kasamang dalawang bakla na nakangiti ng malapad sa akin. Ito na siguro 'yong mag-aayos sa akin. I smiled as I opened the door widely for them.

"Sweetie, meet Aryana and Selene. Your make-up artists," pakilala sa akin ni mommy sa dalawa niyang kasama. Ngumiti naman agad ako at tinanggap ang mga kamay nila.

Lumabas na muna sa kuwarto si mommy at sinimulan na agad nila akong ayusan. It took them hours before they could finish fixing me. My god! Na-stiffed neck yata ako. Hindi ko na rin maramdaman ang puwet ko dahil sa tagal ng pagkakaupo ko.

Tumayo ako at pinagbihis na nila ako ng gown na susuotin ko. Malapit na raw kasi magsimula ang party.

"Perfect!"

"So gorgeous, bebe!"

Ilan lang iyan sa mga naging reaksiyon sa akin ng dalawang bakla habang pumapalakpak nang suotin ko na ang gown ko. Ngumiti na lang ako sa kanila at ni-retouch pa nila ako bago kami tuluyang bumaba.

I saw my mom and dad standing at the middle of the grand staircase. They're waiting for me, I guess. At nang maramdaman nila ang presensiya ko ay napatingin na sila sa akin.

"Hi, Mom. Hi, Dad." Ngumiti ako ng malapad sa kanila bago humalik sa pisngi nila. "So, how is it?" Humawak ako sa gown ko at ginalaw-galaw pa ito. Narinig ko naman ang bahagya nilang pagtawa.

"It suits you very well, sweetie," si dad.

"You're so beautiful, my baby. I mean, my lady daughter." I can see in my mom's eyes that she wants to cry but it can ruin her make-up.

"Thank you Mom, Dad..." I said. "Although, this is too much, I'm still so lucky and thankful to have the both of you as my parents. I couldn't ask for more."

Ano ba 'yan! Naiiyak na tuloy ako! Ganito ba talaga kaemosyonal ang mga tao pagdating sa mga ganitong okasyon?

"Sweetie, basta para sa 'yo, lahat gagawin namin, mapasaya ka lang namin."

I smiled on what my mom said even though they can't see me because we're still hugging each other. Gosh, what did I do to deserve them?

"Too much drama can kill you. Let's go. The party will start soon."

Napatawa kami ni mommy dahil sa sinabi ni daddy nang makakalas na kami sa yakap. Ang kill joy talaga ni daddy. Ganyan ba talaga ang mga lalaki?

Nagtungo kami sa garden pero hindi muna nila ako pinasunod sa kanila dahil saka na raw ako lumabas kapag na-introduce na ako ng MC. Naiwan akong mag-isa rito sa gilid na hindi kita ng mga tao. Sumilip ako sa labas at halos malula ako dahil sa dami ng mga bisita. Sigurado ako na hindi lang iyan classmates or schoolmates ko dahil may mga nakita akong kakilala rin nila daddy at mommy sa business industry.

Bumuntong-hininga ako at umayos ng tayo. This is a huge party and it suffocates me but I need to look gorgeous and confident. I need to act mature now. Ayokong mapahiya sila daddy at mommy. Pinaghirapan nila ito so I also need to play my role as their kind and respectful daughter.

Nang marinig ko ang tunog ng mikropono ay binalot agad ng kaba ang puso ko. Bigla akong nanlamig at para bang gusto ko na lang umatras. But no, I need to do this. Kaya ko ito. Ilang oras lang naman ito, eh.

"Let us welcome the debutant, Ms. Genevieve Hutton!"

As soon as I heard my name, I came out from where I am hiding earlier. Narinig ko agad ang palakpakan ng mga tao kaya bumalik na ulit ang kaba na namumutawi sa puso ko kanina. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw sa harap nila. Masyadong mahirap. Lalo na't lahat ng nandito ay puro elite. Wala akong ibang nararamdaman kundi kaba. Ngayon lang ako haharap sa madaming tao at mga highly-respected people pa.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now