Chapter 50 ♬ A Surprise for You

Start from the beginning
                                    

"So ano tara na?" hinila na nila ako kasama sila Nyree at Kelly syempre. Bodyguard daw ba? haha

"Oi anu yan ah?" tanong ko sa kanila pagkatapos makita yung inilalabas nila sa isang bag. Ano pa nga ba eh di mga make-up chuvaness!

"Basta kaming bahala sayo ok?" --Lexie

"Eh para san ba kasi yan? Bakit kailangang mag-ayos?"

"Hay tama na ang maraming tanong! Wala na tayong time!" 

Natatawa ako na ewan dahil sa pinagagagawa nila sa akin. Nakalimutan ko bang mayaman ang pamilya nila Lexie? Nandito lang naman kasi kami ngayon sa limousine nya at inaayusan nila ako! Yung kulot-kulot and make-up thingy? Haist! at tumulong pa sila Nyree at Kelly sa kanila. Naku naman parang kanina lang parang amazona 'tong dalawang 'to kanila Paige at Lexie tapos ngayon daig pa nila ang bff na nagbobonding.

After ng how many minutes na pag-aayos...

"Ayan tapos na rin sa wakas!" nag-apiran pa silang apat dahil sa tuwa

"Oh-la-la! We just made a master piece!" ay ano ako painting? 

"Pasasalamatan nya kami pag nakita ka nya" tuwang tuwa pa na dagdag ni Paige. Pero ano daw? 'pasasalamat nya kami?' What does she mean by that?

Isang sulyap lang sa salamin ang ginawa ko at pagkatapos nun hinigit na nila ako palabas ng kotse. Gahd. Hindi ba pwedeng magsalamin lang ng kahit sandali? like 2 sec.?

"Ano ba talagang meron?" tumingin ako kanila Nyree at Kelly pero nagkibit balikat lang sila bilang sagot. Samantalang sila Lexie at Paige dedma sa mga tanong ko. 

Pumasok kami sa school at wala pang ilang sandali lahat na ng mga mata nakatutok sa akin. Parang tumigil ang mundo. Lahat ng tao sa loob tumigil sa ginagawa nila at ibinigay lahat ang pansin sa direksyon ko.

"Ah, guys? May madumi ba sa mukha ko?" bigla kasi akong kinabahan na parang ewan. Ayaw ko ng atensyon. Parang naseself-concious ako sa mga tingin nila. Pero pagtingin ko sa paligid kung saan nakatayo ang mga kasama ko... wala na sila.

Waaaah! What's happening here?! Pwede bang may magsabi sa akin?

Parang nasagot naman ang mga tanong sa isipan ko ng may kumalampag sa isang mesa. Yung parang nagdrumdrum? Yung una paisa-isa lang, tapos maya't maya may narinig na akong isang matinis na tunog na parang nanggagaling sa pinagtatamang bote. Sumunod pa ang kalampag ng mga paa, pito na maririnig mo kung saan saan at kung anu-ano pang creative sounds na pwedeng gawin ng tao. Mabagal lang kanina pero habang tumatagal pabilis na ng pabilis. Mga pinagsama-sama tunog na naging musika. Tapos nagulat na lang ako ng may biglang tumalon sa isang mesa at nagsimula syang sumayaw. Sumunod pa yung iba kong mga schoolmates at walang pang ilang minuto nagsasayawan na sila sa harapan ko. 

May fiesta ba? party??? Anong nangyayari sa mga tao ngayon?! Oh no! may epidemic na kumakalat sa buong school! tulungan nyo ako! (O.A 'teh? haha!)

Tapos kasabay ng walang humpay na pagsayaw nila may biglang nagvocals

Listen To My SongWhere stories live. Discover now