Chapter 50 ♬ A Surprise for You

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala pa naman. Pero konti pa at talagang mauubos na ang pasensya ko." tumingin ako sa paligid dahil nagsimula na silang magkumpulan at maghiyawan-- sino pa ba? edi yung mahaharut kong classmates at schoolmates.

"O.M.G!!! is that Niel???!"

"WAAAH!! dumadami na talaga ang pogi dito sa school na 'to!!"

"He's so hot! grabe sya pa ba yan?!"

Ngumiti sya sa harapan ko matapos bigyan ng sandaling ngiti yung mga babae sa paligid.

"Hindi naman porket hindi ka lumalaban mahina ka na. Pinapakita mo lang sa kanila na may pinag-aralan ka. Kaya chill okay?"

 

Tumango na lang ako bilang sagot. Alam ko naman eh. I know my limitations. Sadyang nagbibiruan lang talaga kami kanina kaya sinabi ko yun. haha gusto nyo ng laban? Naku saka na! pramis madami yun sa mga susunod na chapters (ay spoiler? peace ms. author!)

Guardian. Sya ang guardian ko. Hindi talaga ako makapaniwala na may guardian ang pamilya namin. Sosyal! Ngayon kahit papano nabawasan na ang kaba ko sa mga darating na pagsubok sa buhay ko dahil alam ko meron sya na magiging gabay ko sa tabi ko.

"Sabay ka na sa amin!" alok nila Kelly at Nyree kay Niel. Pero sabi nya hindi daw sya pwede dahil kailangan na nyang mauna sa loob. May gagawin pa daw sya. Kaya ayun, kami na lang tatlo nila Nyree ang sabay sabay naglakad papasok ng gate.

"Ate, ate."

Nagulat na lang ako ng may biglang humihila hila ng palda ko sa likod. Pagkaharap ko may nakita akong isang batang lalaki na sobrang cute! ang sarap pisilin yung cheeks nya! hihi

"Yes dear?"

Umupo ako sa harap para magkalevel na kami ng height. Sigurado akong nanggaling itong batang 'to sa Grade School Department ng school (gr. 7 below) pero anong ginagawa nya dito?

"Ate para sayo" nakangiting abot sa akin ng bata pagkatapos ilabas ang nakatagong bulaklak sa likod nya. Isang red tulips ang tumambad sa akin. Ang paborito kong bulaklak.

Itatanong ko pa sana kung kanino galing at kung paano nya nalaman ang paborito kong bulaklak nang bigla na lang syang tumakbo palayo.

"Bata sandali!" kanino naman kaya galing 'to?

"Ooh, I smell fishy in here." nangingiting sabi ni Nyree na may kasamang siko sa akin

"Could it be? Oh.My.God. Bagong pag-ibig ate?!"

Hindi ko naman mapigilang matawa dahil sa uuber exaggeration ni Kelly. Mas excited pa ata sya kaysa sa akin eh. Alam nila ang past ko at alam rin nila kung gaano ako nalungkot ng iniwan nya ako. Magmula kasi nun, kahit marami pang nanliligaw sa akin tinatanggihan ko. Pero sa pagbigkas nila ng 'pag-ibig' ang pangalang Jace ang pumapasok sa isip ko. Maya't maya pa'y hindi ko napansin na namumula na pala ako kasabay ng nagdrudrum kong puso.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon