SEPTEMDECIM

688 62 13
                                    

Home, in a Nerd's Arms

It was too late to save him. Kahit na gusto ko siyang iligtas, alam kong imposible--kahit pa hindi ako pangkaraniwang pusa. Naipikit ko na lang ang mga mata ko nang lamunin ng malalaking gulong ng sasakyan ang katawan niya. They way his eyes had fear and regrets haunted me. Iyon lang ang huli kong nakita bago ko narinig ang nakabibingi niyang pagsigaw.

His last meow. A plea for help.

"M-Meow.." [R-Rico..]

Masyado na akong maraming karanasan. At sa paulit-ulit na pagkakataon, nakita ko na kung gaano kadaling kunin ni kamatayan ang isang nilalang---tao man ito o pusa. Death will come unexpectedly. It will not wait for permission or anything. Hindi mo pwedeng isumbat na may hindi ka pa natatapos na gawain dito sa mundo.

Because life is like that.

Fleeting---there for a second, gone for the next.

At sa dinami-rami ng karanasan ko sa sandaling binigyan ako ng pagkakataong mabuhay, alam kong kailangan kong magpatuloy. The journey of a black cat continues.

Malas ba ako?

Ako ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?

Sa nangyari kay Rico, gusto kong sisihin ang sarili ko. But whenever I remember the faces of those children back at the orphanage, alam kong hindi ako isang salot sa lipunan. Dahil hindi lahat ng itim na pusa ay maitutiring mong kamalasan. Tulad ng hindi lahat ng mga tao ay masasama ang wangis ng puso.

At naglakad ako papalayo.

Ilang araw at ilang gabi akong hindi natulog at kumain. I continued my journey and met different faces each and every day. Hanggang sa makita ko ang isang pamilyar na itim na pusa, sa dulo ng mahabang daan. Nanlaki ang mga mata ko.

Siya yun! Yung pusang nagdala sa'kin sa bahay-ampunan!

"Meow!" [Sandali!]

Tumakbo ako papunta sa kanya. Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pagbabago ng paligid. Our surrounding seems to be warping into a different scenery. Parang pagpapalit ng background sa isang pagtatanghal. The wind blew past my fur and my paws felt light against the pavement.

Those golden eyes.

Nang makalapit ako sa kanya, nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa labi niya. Her tail brushed mine and her soft paw touched my cheek. Napapikit ako sa sarap ng pakiramdam. Hindi ko maintindihan. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko na pinalitan ng kaba nang magsalita siya..

"Meow.. Meeow." [You have reached the end of your story, No Name.. It's play a character in another's story.]

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin sa tapos na ang istorya ko? At kaninong istorya naman ako mabibilang? Ni wala nga akong amo eh.

"Meow?" [Sino ka ba talaga?]

Bahagyang bumaling ang ulo niya sa kanyang kaliwa. Kung saan napupuno ng mga estudyanteng nagsisiuwian ang paligid. We were at the corner of a neighborhood, at the front of a convenience store. At mula rito sa kinatatayuan ko, sa kabilang kalsada, ay nakita ko ang pamilyar na eskinita kung saan nakalagay ang isang pamilyar na kahon ng sapatos.

At sa mga sandaling ito, para bang sa hinaba-haba ng paglalakbay ko, bumalik lang ako sa simula..

Pero bakit?

I awaited for the black cat's answer, but none came. Marahan lang niyang kinapit ang kanyang buntot sa akin at ipinikit ang kanyang mga mata. I did the same. Hindi ko alam kung ano ang nag-uudyok sa'kin para gawin ko 'to pero may maliit na tinig sa loob ko ang nagsasabing magtiwala ako sa kanya.

Pero nang nagmula ako ng mga mata, nalaho na naman siya.

I felt disappointed. Iniwan na naman niya ako. Tsk. Sanay naman akong maiwan eh. Ano pa bang bago?

"Meow." [Pinagtitripan niya lang yata ako eh.]

Napatingin ako sa kalangitan. Mukhang bubuhos na naman ang malakas na ulan. Alam kong kailangan ko nang sumilong..

Pero nang akmang aalis na ako para sumilong sa kalapit na tindahan, agad kong nakita ang isang batang lalaki na naglalakad sa kaliwang daan--ang daang tiningnan nung babaeng pusa kanina. Tinitigan ko ang bata. Nakauniporme pa ito at may nakadikit pang papel sa likod niya na ang nakalagay ay "Kick Me!". Nakayuko siya at naglalakad na papalayo, at sa hindi ko malamang dahilan, sinundan ko siya.

He stopped when he saw a garbage can and dumped something inside. Parang gelatin?

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa kalangitan. Nanginginig ang kanyang mga kamay na para bang ang tindi ng nararamdaman niyang emosyon.. At heto ako, nakatayo sa likuran niya.

"Meow.."

Nang marinig ako, agad siyang lumingon sa akin. Nagtama ang mga mata namin ng batang lalaki. Hindi ko ito halos makita dahil sa suot niyang salamin------wait. He seems familiar..siya yung nerd na umapak sa buntot ko noong sinusundan ko si May! Tsk.

Maglalakad na sana ako papalayo sa kanya, but something tells me to stay.

And this time, I drowned in his dark orbs. This nerd's eyes are like a hurricane of emotions, all compressed in one small and skinny body. Nakita ko ang panginginig ng mga kamay niya at ang pamumula ng gilid ng mga mata niya. Is he about to cry?

Kumunot ang noo niya nang mapagmasdan akong maigi.

"Parang nakita na kita dati ah! Kinalmot mo pa nga ako.. Tsk. You little devil. What do you want this time?" He frustratedly asked me. Napapatingin pa nga sa kanya yung ibang taong dumadaan. He must look stupid talking to a cat.

"Meeow.." [Nothing. I just saw you and had this weird urge to follow you, nerd..]

Alam kong hindi niya ako naintindihan. Wala naman kasi talagang nakakaintindi ng Meowage eh. Kahit ako, minsan hindi sakto ang translations.

I didn't know why, but this nerd crouched to meet my level and stared at me intently. Marahan niyang iniabot ang kamay sa aking harapan. Our eyes were still locked. Para bang kinikilatis namin ang kaluluwa ng bawat isa.

"Do you want me to take you home, little cat?"

I tilted my head. "Meow! Meow?" [Tanga. Hindi ka ba natatakot sa "kamalasan" ko?]

Pero nakita kong ngumiti ang nerd.

"I don't mind black cats. Hindi naman totoo na malas kayo eh. Some crazy people just overthink and believe in superstitions..  Besides, I love weird things and I think you're awesome! Mukhang iba ka sa mga pusang kalye na nakita ko.."

Agad akong natulala sa mga sinabi niya. A-Ano daw? H-Hindi siya natatakot sa'kin? He doesn't mind black cats? Pilit kong hinahanapan ng kamalian ang kanyang mga mata. Baka naman nagsisinungaling lang siya! Pero hindi. And this time, for the first time, my gut is telling me to believe in this kid. This weird nerd that thinks that I'm awesome.

Napangiti ako. A warm feeling inside me.

I took a step forward. At nang lumapit ako sa nakalahad niyang palad, tinanggap na naming dalawa ang koneksyong nabuo namin. This is how it feels to be tamed. His hand patted my head.

Two weird creatures crossed paths.

"From now on, your name is Sir Isaac Newton Jr.!"

He named me after his favorite English physicist. Aangal pa ba ako?

Home.

Ano nga ba ang pakiramdam ng tahanan? Ng may magmamahal at mag-aaruga sa'yo? Ng ligtas ka sa lahat ng kasamaan sa lansangan at pighati ng mundo?

At first, I didn't know why I had to endure all these misfortunes in my life. Catastrophies at every corner.

But then, I realized that these compilation of catastrophies led me to where I am now.

Catastrophies led me home.

At ngayon handa na akong maging bahagi ng kwento niya. Sabay naming sisimulan ang panibagong kabanata ng aming buhay..

Because I am now home..

Home, in the arms of a nerd named Levithian Albert James.

-------THE END------

✔A Compilation of CATastrophies Where stories live. Discover now