QUINQUE

654 64 4
                                    

Tamed, Almost

Nakikipagpatintero pa ako sa mga paa ng mga taong dumadaan. Hindi ko pa rin makita yung batang babae. Where could she be? Pero bago ko pa man siya mahanap, biglang may aksidenteng tumapak sa buntot ko.

I hissed at whoever did that and attempted to scratch that useless human's legs when a pair of hands picked me up.

"A black cat? Hmm.. In Germany, people believe that when a black cat crosses your path from right to left, it's a bad omen.." Iniangat ako ng hampas-lupang lalaki na nakasalamin at tinitigan akong maigi. I saw his dark brown eyes studying me. Tsk. Nerd.

Sinubukan ko siyang kalmutin pero natawa lang siya. Then he added, "pero dahil dumaan ka sa harapan ko ng left to right, ibig sabihin su-swertihin ako ngayon!"

Napasimangot ako. Nababaliw na ang batang lalaking ito!

"Meow!"

"ARAY! WHAT IN THE NAME OF ATOMS?!"

I scratched his face. Agad naman niya akong naibaba kaya tumakbo na ako papalayo sa kanya. I have no time meddling with school nerds! Kailangan kong hanapin ang bago kong amo.

At hindi ako nabigo. I spotted the girl talking to one of her friends. Agad akong naglakad papalapit sa kanya. Hindi ko maiwasang kabahan. Would she think of me as bad luck? Sana hindi. Nang mapansin niya ako, agad siyang ngumiti.

Oras ko na para magpa-cute.

"Meow.."

Kinakalabit ko ang sapatos niya habang nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko sigurado kung cute ba akong tingnan sa ginagawa kong ito, pero bahala na. It's better than spending the rest of my nine lives in that dark alley.

"Oh! Ang cute mo naman.."

Success!

Sa wakas, binuhat na niya ako. Nang magtapat ang mga mata namin, tila ba binabasa niya ang kaluluwa ko. She seems normal and nice, and above it all, she seems to be a cat-lover. Nagkatinginan ang mga kaibigan niya.

"Ew! Di ba malas kapag itim na pusa?"

"Yeah. Put it down, May!"

Tsk! Mga kontrabida. Kalmutin ko kaya kayo?!

Pero umiling ang batang babae. She smiled warmly at me then looked at them. "Wala namang masama kung aampunin ko siya. You told me that being an animal lover is better than being a nobody, right? Tsaka mukha naman siyang maamo."

At wala nang nagawa ang mga kaibigan ng batang babae. Kalaunan, kinagiliwan na rin nila ako. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Para bang sa kauna-unahang pagkakataon, nakahanap ako ng taong tatanggap sa akin. And I'm pretty sure she won't throw me out of the window..

Napangisi ako. This is it, No Name. Sa wakas, mabubuhay ka na nang normal. Just like how the other normal domestic cats live.

Pero habang pinagmamasdan ko ang mga mata ng batang si May, para bang hindi ako mapakali. My guts were telling me that there is something deeper beyond those sparkling eyes and happy smile.

Parang may mali?

---

✔A Compilation of CATastrophies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon