OCTO

604 59 1
                                    

Breaking Glass

Malaki ang pagkakaiba ng bahay ni Joseph sa bahay ni May. Una sa lahat, hindi ito kumikinang sa linis at mas lalong hindi perpekto ang ayos. Even the grass wasn't extraordinary. Kumbaga, normal na pamilya lang ang naninirahan dito.

Still, I don't feel safe here.

Nang mapansin niyang hindi ako sumusunod sa kanya, the kid lifted me up and carried me towards the front door. Nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang mukha.

"Wala kang dapat ikatakot, Muning. Ako na ang bago mong amo.."

Somehow, the idea doesn't sound appealing. Alam kong gusto kong magkaroon ng amo and I have no right to complain. But I'll stick with what my gut is telling me..and it's now telling me to run away. Nang makapasok kami sa madilim na tahanan, agad kong sinubukang kalmutin si Joseph nang makakawala sa hawak niya. Pero para bang hindi niya ito iniinda.

"HAHAHAHA! Wala ka nang kawala.."

Nakaramdam ako ng kaba at takot.

Walang ibang tao sa bahay. I ignored the strange smell that came from inside the house. Mayamaya pa, ipinatong niya ako sa isang mesa.

"M-Meow?" [A-Anong gagawin mo sa'kin?]

From the darkness of the room, Joseph started humming a weird tone. Nakatalikod siya sa akin at para bang may pinagkakaabalahan. Hindi ko makita kung ano ang ginagawa niya at doon na ako mas lalong kinabahan. What in the name of tuna is he doing?!

"I hate humans.. Buti na lang hindi ka tao, Muning."

Humarap siya sa akin nang malawak ang ngiti. He was hiding something behind his back. Naningkit ang mga mata ko sa kanya at bahagya akong humakbang papaatras. "Meow." [Nababaliw ka na.]

Tumawa na naman ang binata at mayamaya pa ay ipinakita na niya sa akin ang butcher's knife na hawak niya. A demonic glint in his eyes.

"But that won't stop me from eating you. HAHAHAHAHAHA!"

Kuminang ang patalim sa madilim na silid. It was raised up in the air until he stabbed the table in front of me. Napatalon ako paiwas at dali-dali akong tumakbo papalayo. He's crazy! Ito na nga ba yung sinasabi ni Rico na ginagawang pulutan kaming mga pusa eh! Wala na talagang awa ang mga tao!

"MEOW!" [TULONG!]

Namalayan ko na lang na tumatakbo na ako sa pasikot-sikot na pasilyo. Madilim, at may kung anong amoy ang umaalingasaw sa paligid. The dark corridors gave me chills that I never knew I'd feel. Nahaharangan ng nagtataasang mga pader ang anumang liwanag at sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko nasa isang malaking maze ako. I felt like a prey being chased by the predator. And as time passes by, I slowly doubt if I can even escape.

My heartbeat quickened. Naririnig ko ang mabibigat na yabag ng paa ni Joseph sa aking likuran. Nasitaasan ang mga balahibo ko nang marinig muli ang nakakaloko niyang paghagalpak.

"HAHAHAHAHA! YOU CAN RUN BUT YOU CAN NEVER ESCAPE, MUNING! HAHAHA!"

Ito na ba ang katapusan ko?

Ni hindi man lang nagkaroon ng saysay ang buhay ko. To say that I am terrified, is an understatement. Sana pala, nakinig na lang ako kay Rico.. Sana pala naniwala na lang ako sa kanyang wala na talagang kabutihan ang natitira sa puso ng mga tao. They were monsters, cruel and simply evil. At ngayon, mamamatay ako sa kamay ng isang nakakatakot na nilalang.

Makalipas ng lang minuto ng habulan (at pag-ilag ko sa mga patalim na binabato ni Joseph sa'kin), I finally reached the door. Napangiti ako at kahit pagod na pagod ako, pinilit ko itong buksan. Natataranta kong itinutulak ang pintuan at kinakalmot ang gilid nito, pero mukhang wala talaga akong takas.

"Wag ka nang tumakas, Muning."

I spun around and saw Joseph's wicked smile. Iwinasiwas niya ang patalim sa ere. Napaatras ako. Mukhang wala na talaga akong magagawa.. At nakakarita man isipin, pero "Muning" na ang mailalagay na pangalan sa lapida ko. Tsk. Pero syempre, hindi ako pagkakaabalahan ni Joseph na bigyan ng maayos na libing. Baka nga sagad-buto niya akong lalamunin.

"Meow!" [Goodbye, cruel world!]

Naglakad na ang bago kong "amo" papalapit sa akin.

But just when I thought I was dead meat, I heard glass breaking.

"Shit!"

Agad kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang pagpasok ng ilang mga pusa galing sa basag na bintana. Teka, sino sila?

---

✔A Compilation of CATastrophies حيث تعيش القصص. اكتشف الآن