DUO

926 89 8
                                    

A Lone Kitten

Habang nahuhulog ako sa ere at nilalasap ko ang malamig na hanging tumatagos sa'kin, hindi ko maiwasang isipin ang "hindi-masyadong-makabuluhang" isang minuto ng buhay ko. Kakapanganak ko pa lang, pero masama na agad ang bati sa'kin ng mundo. Is this how a cat's life must be?

"MEEEEEOOOOOW!"

But no matter how loud I cry, I know they won't hear me. No one can.

At sa mga sandaling iyon habang pilit kong inaaninag ang asul na kalangitan at nararamdaman ang pagtama ng init ng araw sa balahibo ko, tinanggap ko na ang kapalaran ko. Ako, na walang pangalan at ni hindi man lang binigyan ng pagkakataon ng kamalasang tinatawag nating "buhay".

But, I was more than shocked to survive the fall.

Yes, hindi ko naman siguro i-nanarrate ang sarili kong talambuhay kung hindi ako nakaligtas, di ba?

Himala? Posible.

Magic? Siguro.

Ah, basta.

Hindi ko rin alam kung paano ako nabuhay. Namalayan ko na lang na imbes na masaktan ako sa "impact" ng pagkahulog ko, I managed to fall on the ground gracefully on all four limbs. At para bang hindi ko kamuntikang hinarap ang kamatayan.

Hindi ito normal. I looked up at the height of the mansion. Halos hindi ko na makita ang bintana mula rito. Kahit sinong kuting na ihuhulog mula sa taas na yun, paniguradong magmumukhang pancake sa lupa. How the cat food did I managed to survive?!

At sa mga sandaling iyon, naniniwala na akong hindi ako normal na kuting.

I smiled. "Meow."

I walked away into the dim alleys and concealed myself from human view. Nakasiksik lang ako sa malalaking basurahan at inaabangan ko ang mga tira-tirang pagkain na aksidenteng nahuhulog ng mga estudyante sa kalapit na paaralan. Ang mabaho at maduming eskinitang iyon ang naging mundo ko.

Whenever it rains, I would hide inside an old shoe box. Syempre, halos walang silbi ang pagsilong ko sa lumang kahon na yun, pero wala naman akong ibang pagpipilian. Kaya madalas, nanginginig pa rin ako sa lamig at kumakalan ang sikmura ko kapag wala akong napupulot na pagkain. It's not like I can eat those street rats who were actually bigger than me.

And technically, I'm just a baby.

During the night, I would ball myself up and try to ignore the noises those humans would make whenever they walked the streets. Pinipilit ko na lang makatulog.

"Meow.."

Mag-isa ko lang hinaharap ang mundo sa loob ng munti kong tahanan. Sa paglipas ng mga linggo, ni hindi ko sinubukang bumalik sa pamilya kong alam kong wala namang pakialam sa'kin.

I'm all alone.

May saysay pa ba ang mabuhay sa kuting na kagaya ko?

---

✔A Compilation of CATastrophies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon