TRES

812 77 6
                                    

No Name

Hindi ko na namalayan ang paglipas ng panahon. Ang dating mga dagang mas malaki pa sa'kin, ngayon walang-awa ko nang hinahabol. I still live in that dirty alley, at natuto akong makipagsalamuha sa iba pang mga pusang kalye. Pero madalas, nilalait pa rin nila ang kulay ko.

"Meow."

Bumaling ako kay Rico. Nakilala ko siya mga tatlong araw na ang nakakalipas. Nakikipag-agawan kasi siya sa buto ng isda na tinapon ng isang ale sa kabilang bahay. Sa huli, pinaghatian na lang namin. Rico is a cat, obviously. He had orange fur. Payat, at kulay berde ang kanyang mga mata. Kapansin-pansin din ang putol niyang buntot. He is older than I am, and had a lot more experience.

Tinitigan ako ni Rico. A sly smirk on his face.

"Meow."

And since you can't understand us, let me translate what he said..

[Parang pasan mo ang daigdig, No Name! What are you thinking?]

Oo, masanay na kayo sa ganyang translations. You see, a cat's simple "meow" can mean a thousand words all at once. Cat language or what I like to call as "Meowage" is a complexity of sounds and meanings.

Napatingin muna ako sa direksyon ng mga estudyanteng umuuwi galing paaralan bago ako sumagot sa tanong niya,

"Meow.." [I wonder what it feels like to be adopted by a human..]

Kumunot ang noo ni Rico at natawa. He jumped off the garbage bin and walked towards me. Sumilay ang isang nakakalokong ngiti, pero kita ko sa mga mata niya ang pagbabanta.

"Meeeow! Meow?" [Tanga! You want someone to tame you? Gusto mong alilain ka ng mga tao? Nababaliw ka na talaga, No Name.]

Napasimangot ako.

Magmula nang magkakilala kami, ayan na ang tawag niya sa akin. "No Name", kasi hindi ako nabigyan ng pormal na pangalan magmula nang isinilang ako. Syempre, hindi na sila mag-aabala pang bigyan ako ng pagkakakilanlan---hinangis nga nila ako sa bintana di ba? Tsk.

"Meow.. Meow?" [Gusto ko lang namang maranasan kung paano magkaroon ng amo.. Masama ba yun?]

Napailing na lang si Rico at sinipa ang isang nilalangaw na diaper sa gilid, "Meow." [Believe me, humans are the worst kind of animals on Earth. Mas malala pa sa impyerno ang dadanasin mo sa mga kamay nila.]

Mukhang malalim ang pinanghuhugutan ni Rico. Sa pagkakaalala ko, tumakas lang daw siya sa dati niyang amo. Ang amo niya ang nagpangalan sa kanyang "Rico". He was abused. At mukhang natrauma na talaga ang pusang ito sa mga tao. Kaya hindi ko rin naman siya masisisi kung malaki ang galit niya sa mga ito.

Pero kahit na pinapayuhan na ako ni Rico, parang may kung ano pa ring hindi mapakali sa loob ko. Nang nasa sinapupunan pa lang ako ng nanay ko, naririnig ko na ang mga tunog na nanggagaling sa panlabas na mundo. I've heard Analyn telling my mom stories every night. Syempre, kahit fetus pa lang ako, nakikisali na rin ako.

And among the stories I've heard, "The Little Prince" had been one of my favorites.

Matapang kong sinalubong ang  nanghahamong mga mata ni Rico. Sa kauna-unahang pagkakataon sa tatlong araw naming magkakilala, hindi ko papakinggan ang mga opinyon niya. Habang buhay na lang ba ako makikinig sa mga desisyon ng iba para sa'kin?

"Meeeow. Meow?" [I want to be tamed. I want to establish a connection with a human. Paano ko malalamang nakakatakot magkaroon ng amo kung hindi ko susubukang lumapit sa mga tao?]

Rico stared at me for a few second before he hissed.

"Meow!" [Bahala ka diyan. Wag kang lalapit sa'kin kapag naputulan ka na rin ng buntot!]

At naglakad na siya papalayo.

This is it, No Name. Wala nang atrasan 'to. I can't hide and be afraid of humans for the rest of my nine lives. Kailangan kong maging matapang at harapin ang reyalidad.. Ano pa man ang naghihintay sa akin.

---

✔A Compilation of CATastrophies Where stories live. Discover now