SEPTEM

645 61 1
                                    

Cat-napped

Si May ang pangalawa kong naging amo magmula nang ipinanganak ako---even though it only lasted a few minutes. Yes, I still consider that brat Analyn to be my original owner. Gustuhin ko mang bumalik doon para makita ang mga magulang at mga kapatid ko, alam ko namang ipagtatabuyan lang nila ako. I'm a black cat. A mistake from birth. At kung paano man nangyari na mula sa lahi naming puti ay isinilang akong itim, hindi ko na alam. Damn genetics.

But I'm guessing it has something to do with my paranormal abilities.

"Tanginang pusa 'yan! Huliin niyo!"

Agad akong kumaripas nang takbo papalayo sa ng tindahan ng isda. I saw several men chasing me down the wet market. Isang galunggong lang naman ang kinuha ko, nagagalit na sila? Isang isda lang, at para silang nagdedeklara ng giyera laban sa aming mga pusa? Tsk. Hindi na talaga uso ang mga good samaritan ngayon.

Pero dahil mas maliksi akong nakakalusot sa magulong pamilihan, agad ko rin silang natakasan. Napadpad ako sa isang di-pamilyar na eskinita malapit sa Eastwood marketplace.

Muntikan na ako doon. Tsk. Sabi pa man din ni Rico, may mga taong ginagawang pulutan kaming mga pusa. Napangiwi ako sa naiisip. That's just immoral!

Sinimulan ko nang kainin ang isdang ninakaw ko. Pero habang nilalantakan ko ang galunggong, may biglang lumapit sa akin.

"Itim na pusa? Ang saya naman!"

I averted my eyes upward and saw a teenage boy smiling down at me. He had braces, magulo ang kanyang kulay brown na buhok at mapaglaro ang kanyang mga mata. Who in the name of cat food is he? Napahakbang ako papalayo. Masama ang kutob ko sa isang 'to.

"Ming-ming-ming! Wag kang matakot sa'kin, muning.." At lumapit siya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. What the heck did he just call me? MUNING?! Napasimangot ako. Kahit na desperado akong magkaroon ng pangalan, hindi ko kailanman papangarapin na "Muning" ang ipangalan sa'kin ng magiging amo ko. Wala na bang mas babaduy pa doon? I want a name that's unique, not a common one!

I hissed at him at akmang kakalmutin ko na siya nang bigla niya akong binuhat.

"MEOW!" [Bitiwan mo ako!]

But the boy only laughed. Nagtama ang mga mata namin, at hindi ko alam pero pakiramdam ko kinilabutan ako sa kanyang malalalim na titig. It was almost like this human was searching my cat soul.

"Ako si Joseph, and I'll be your new owner, Muning. Tara, uwi na tayo."

Nanlaki ang mga mata ko.

Pinilit kong magpumiglas sa hawak ni Joseph, pero ano ba naman ang laban ng isang pusa sa lakas ng isang tao?

Joseph rode on his bike. Inilagay niya ako sa isang basket sa harapan ng kanyang bisikleta at matulin niyang binaynay ang highway ng Eastwood. I had to firmly grasp my paws on the sides of the basket to balance myself. "MEOW! MEEOW!" [I'm being cat-napped by a reckless biker! TULONG!]

Pero kahit anong pag-iingay ko, wala man lang nakapansin sa akin. Sabagay, sino ba naman ang mag-aabalang pansinin ang isang pusang itim? Tsk.

At wala na akong nagawa nang mapadpad ako sa panibagong lugar. There were trees everywhere at malayo na ito sa pinaka-siyudad. When we stopped in front of a simple green house, napangisi si Joseph.

"Nandito na tayo, Muning."

---

✔A Compilation of CATastrophies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon