DUODECIM

577 57 4
                                    

Bad luck Too Late

Noong napadpad ako sa puder ni Lola Gomez, akala ko mahahanap ko na ang tahanang pinapangarap ko. Don't get me wrong, the old woman is kind, and too caring for her own good. Inalagaan niya kami na para bang mga anak niya (nalaman kong matandang dalaga pala siya at mag-isa na lang sa buhay).

Masaya naman ako sa piling niya at ng isang dosena pang mga pusa.

Pero heto na naman ang pakiramdam na para bang may mali sa sitwasyon kong ito. No, I must be wrong. Ano naman ang posibleng mangyari?

"Philip, halika d-dito, anak.." Nanghihinang sabi ng matanda bago umubo. She coughed up blood again, tulad ng ginagawa niya noong mga nakaraang araw. At sa pagkakataong ito, napansin ko kung gaano siya kaputla. May sakit ba si lola?

I slowly made my way towards her. Pinagmamasdan ako ng ibang mga pusa at para bang nangungusap ang mga mata nila. Ano ba ang problema nila?

"Meow."

Binuhat ako ni Lola Gomez at hinimas ang mga tainga ko. She smiled weakly at me. Her tired brown eyes bore into mine. At kung pagtutuunan kong maigi ng atensyon, alam kong maririnig ko na ang mahihinang pintig ng puso niya. She's getting weaker every day.

"Sabi nila, nagdadala ng kamatayan ang itim na pusa sa kung sinuman ang aampon dito.."

Bulong ng matanda sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Akala ko itatakwil ako ni Lola Gomez, pero hindi ko inaasahan ang pagngiti niya. She sat at her favorite rocking chair, near the window. Mapayapa ang gabi at nakamasid lang siya sa kalangitan. Walang ni isang bituin.

The old woman craddled me in her arms and laughed warmly. Malungkot ang mga mata niya.

"..At iyon ang rason kung bakit kita inampon, Philip."

Agad ko siyang tinitigan. Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lola Gomez. No.. S-She wanted to.. Marahan kong iniling ang ulo ko. Baka nagkamali lang ako ng dinig. Tama. Maybe I'm just too sleepy.

But before I could even close my eyes and let a deep slumber take over me, umihip ang isang malamig na hangin kasabay ng pagbulong ng matanda,

"You're searching in the wrong places, little black cat."

*

Kinaumagahan, humikab ako at nag-inat. I stretched my limbs and blinked my eyes as the first ray of sunlight hit my fur. Binalingan ko si Lola Gomez na mahimbing pa ring natutulog. Napangiti ako. Mukhang napagod sa gawaing-bahay kahapon si lola..

Marahan akong kumawala sa mga kamay niya at bumaba.

And that's when I noticed the League of Cats staring at me. Kumunot ang noo ko. Ano ang kailangan nila?

Lumapit sa akin si Charles, ang leader nila. Matatalim ang kanyang mga mata na para bang kinasusuklaman niya ako. Pero imposible yun! Wala naman akong ginagawang masama sa kanila..

"Meow. Meow?" [Good morning. Anong meron?]

Yumuko ang ibang mga pusa. Charles glared at me and pointed his tail at the old woman.

"MEOW!" [Puro kamalasan ang dala mo!]

Mas lalo ako naguluhan. When he advanced towards me, wala na akong nagawa kundi ang humakbang papalayo. Nakakatakot pala siya kapag ginagalit mo.

"Meow! Meow?!" [Hindi kita maintindihan! Ano bang nangyayari dito?!]

Pero nang tumingin ang lahat ng miyembro ng League of Cats sa direksyon ni Lola Gomez nang may lungkot sa kanilang mga mata, agad kong naunawaan ang kanina pa nila gustong sabihin. My cat eyes widened in horror. That's why she looked so peaceful in her sleep. Agad akong tumalon sa upuan at nilapitan si lola. My black paws started feeling her wrinkled flesh for a pulse, pero wala akong naramdaman.

At ngayon ko lang napansin na hindi na pala humihinga ang matanda.

N-No..  Hindi ako ang may gawa nito!

"M-Meow!" [I-It's not my fault!]

Pero umiling ang mga kapatid ko sa League of Cats. At sa mga sandaling ito, para bang itinatakwil na nila ako sa kapatiran. They all glared at me. Hatred evident in their eyes. Sinubukan akong kalmutin ni Charles pero nakailag ako.

"MEEOW!" [KAMATAYAN!]

My felt myself tremble in fear. H-Hindi ko kasalanan! S-Si lola..

Pero alam kong kahit anong sabihin ko sa kanila, hindi sila maniniwala sa akin.

At wala na akong nagawa kundi tumakbo papalayo sa maliit na tahanang iyon. Papalayo sa League of Cats at sa walang-bubay na katawan ni Lola Gomez. I had no choice. I felt like I was being forced out of a world that was never mine from the beginning. Hindi ako lumingon.. Hindi ko tinangkang lingunin ang mga naiwan ko nang tuluyan na akong makalabas ng gusali ng apartment. Dahil baka hindi naman pala ako nararapat na nandito.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin..bakit ba parang walang lugar ang mundo para sa'kin? Bakit ba panandalian lang ang sayang nararamdaman ko?

"Meow.." [Baka nga malas talaga ako..]

Wala akong uuwian. Wala akong matatawag na "tahanan". Wala akong pamilya, maski ang ibang mga pusa, ayaw na sa akin. Saan ba ako lulugar?

At kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.

A homeless black cat, crying in the middle of the empty street. That's what I am.

---

✔A Compilation of CATastrophies Where stories live. Discover now