UNUM

1.4K 90 11
                                    

No Name for Back Luck

BAD LUCK.

Mula nang ipinanganak ako, ayan na agad ang itinatak sa akin ng mundo. A label that would forever imprint within my paws. Even my own mother thought I was an omen of back luck and disastrous events.

Kapag ba pusang itim, malas agad?

Siguro oo, siguro hindi.

Sabagay, sino ba naman ang hindi magtataka kung mula sa dalawang puting pusa, ay nabuo ang isang kuting na mas madilim pa sa gabi ang kulay? Yes, both my parents have pure white fur, and unfortunately, all of my siblings did to. All four of them. Lahat sila puti. Ako lang ang naiiba.

Ako lang.

So when Analyn (our original owner, who was a spoiled little brat and a sucker for white cats) saw me the day I was born, hindi siya nagdalawang-isip na ihagis ako sa bintana ng mansyon nila.

Manipis pa lang ang balahibo ko noon, payat, at halos hindi ko pa maimulat ang aking mga mata. Nanginginig pa ako sa lamig at nahihirapan akong tumayo sa sarili kong mga paa.. Pero alam ko ang lahat ng nangyayari sa mundo. I have learned to use my cat senses to picture and embrace the cruel world around me. Alam kong dismayado ang mga magulang ko sa hitsura ko at maging ang mga kapatid ko, parang ayaw lumapit sa akin. Kaya hindi na rin ako nagulat nang halos kamuhian na rin ako ng mga tao.

An ugly duckling in the middle of pretty white swans.

Anyway, where were we?

Ah, yes...

Analyn threw me out of the window.

Yes. She. Freakin. Threw. Me. Out. Of. Her. Window.

Naaalala ko pa noon. Umiiyak ako sa ere habang bumubulusok ang maliit kong katawan pabagsak sa lupa. "MEEEEEOOOOOWWWW!" I tried to meow out to my family, but I forgot that my voice wasn't fully developed yet. Masakit sa lalamunan ang sumigaw. Kasalanan ko ba kung iilang segundo pa lang akong nailabas sa sinapupunan nang bigla na lang nila akong binato sa labas ng bintana?

And the fact that Analyn's room window was at the fourth floor of their mansion, didn't help me much.

I felt myself falling.

Ang malas ko naman. I'll die, one minute old.

Baka nga tama sila. Baka nga puro kamalasan lang kasi ang dala ko, hindi lang sa mga kapwa ko hayop at mga taong nasa paligid ko kundi pati na rin sa sarili ko. At ang mas nakakalungkot pa..

They didn't even bother giving me a name.

---

✔A Compilation of CATastrophies Where stories live. Discover now