23

4.7K 87 0
                                    

Oct. 21, 2018, TBHG reach 1.07k reads.
-

Sakiya Ashanti.

"I kill."

Nakapako ang tingin ko kay Striel. Nakatayo lang siya doon habang blankong nakatingin na sa akin.

Nakabawi na yata si Cire sa sinabi ko at kaagad akong itinulak palayo sa kanya bago sinamaan ng tingin. Akmang magsasalita siya ng bigla niyang sundan ang tinitingnan ko. Napangisi na lang ako bago bumalik sa duyan na kinauupuan ko.

Ngumisi sa akin si Cire Newrey bago umalis. Tinapik niya sa balikat si Striel at nilagpasan ito ng tuloy-tuloy.

"Anong pinagusapan niyo?" Bungad niya sa akin. Napataas ang kilay ko.

"Curious ka?" Natatawa kong tanong pero nandilim lang ang mukha niya. Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at mabilis na nagtipa ng mensahe.

Nagangat ako ng tingin.

"Daanan natin si Streya, gusto mo?" I asked. Matagal niya akong tinitigan bago tumango.

"Nasaan ba? Iniwan mo sa bahay mo?" Iniling ko ang ulo.

"Natuto na ako, Striel." Sambit ko na lamang. Narating namin ang parking lot, hindi na inabala kung liliban kami sa klase.

Hinanap ko ang motor ko at kaagad na napatingin sa kanya.

"May sasakyan ka?" I asked. Inilahad niya ang kamay sa akin, tinaasan ko siya ng kilay.

"Let me drive." Sambit niya lamang. Nang hindi ko ibigay ang susi sa kanya ay kinuha niya ito sa kamay ko.

"Sira yung kotse ko. Butas-butas at hindi na mapapakinabangan." Oh.

Pinanuod ko siya kung paano niya sakyan ang motor ko. Ini-abot niya sa akin ang nagiisang helmet na kaagad ko namang sinuot.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin sa kanya. Butas-butas na kotse? Isa lang naman ang pwedeng maging rason para maging butas butas ang kotse mo, yun ay kung pinaulanan ka ng bala.

"Hey. Okay ka pa?" He snap his fingers. Tumango ako at nagmadaling sumakay sa motor. Nakasukbit sa balikat ko ang bag ko at bag niya na wala naman yatang laman.

Parang ginawa niyang props ang bag niya para masabing pumapasok sa eskwelahan.

"Kumapit ka." Nagtama ang tingin namin mula sa side mirror ng motor.

"Dahan dahanin mo. Wala kang helmet." Nginisihan niya ako.

"Yes ma'am."

Natawa siya ng bahagya bago biglaang pinaharurot ang motor. Humawak ako sa balikat niya, hindi naman na bago sa akin ang mabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo dahil parati ko naman iyon na ginagawa.

"Saan ba tayo pupunta?" Kumunot ang noo ko bago kimurot siya  sa balikat.

"Ang bilis bilis mo magpatakbo tapos hindi mo alam kung saan tayo pupunta?!"  Singhal ko dito. Bumuga ako ng hangin ng tumawa lang siya at bahagyang binagalan ang pagpapatakbo.

"Mas masaya pagmabilis."  Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Daan muna tayo sa Happy Blending, nagpapabili si Paige ng straberry milkshake." Tumango siya sa akin.

Dumaan kami sa Happy Blending at ang plano ay isang strawberry milkshake lang pero we end up buying, chocolate cake at smoothies.

Sinalubong kami ng intern nila sa clinic na tinanguan ko lang. Naggood-morning naman siya pero ang tingin ay kay Striel na balik sa pagiging bored ang mukha. Hawak niya ang chocolate cake at smoothies habang ini-abot ko naman kay Paige ang strawberry milkshake.

Truth Behind Her Glasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon