Chapter 19

25 4 0
                                    

S A N A #20

"Sana siya na..."

Matapos ng nangyari nung isang araw sa bahay, hindi na namin napag usapan ni kira ang tungkol dun.

Medyo naging awkward nga kami at isang araw na kaming nagiiwasan.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

"Uy! Zai! Tulala ka na naman syan! Break na"

Natatawang tawag sa akin ni Vernice.

"Ha? A-ah ou. W-wait lang"

Nauutal kong sabi habang nagmamadaking ayusin ang gamit ko.

Siomai! Bakit ako kinakabahan?

Ipinikit ko na lang mga mata ko at iniling iling ang ulo ko. Napansin ata iyon ni Vernice kaya lumapit ito sa akin at kinapa ang noo at leeg ko at syaka kinumpara sa kanya.

"Wala ka namang sakit. Bakit parang di ka ok? May masakit ba sayo? Para kang wala sa sarili e"

Nagaalalang sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti para sabihing ayos lang ako.

"Anong 'hm hm' (tumatango din siya with sounds effect a) ka dyan! Tara na baka malipasan ka ng gutom lumala pa yan. Makapasok ako ng mental dahil sayo"

Nakangusong sabi nito sabay hila sa akin papuntang canteen.

Siomai!

Kinakabahan na naman ako.

Iniisip ko pa lang na makikita ko si Kira kinakabahan na ako. Sa totoo lang simula nun hindi na ako nakatulog ng maayos. Nawawala na rin ako sa sarili. Hindi ko alam anung nangyayari sa akin.

Huminga ako ng malalim at nagpatianod kay Vernice. Ng makaupo na kami sa pwesto namin sakto namang dumating ang mga burning at nagtama ang mga mata namin.

Parehas na nanlaki ang mga mata namin at sabay na nag iwas. Simula nung araw na iyon ngayon na lamang kami nagkita. Sa totoo lang isang araw lang naman ang nakalipas pero bakit parang ang tagal?

Umiling ako ng palihim. Kung ano ano na kasi naiisip ko.

Ng makalapit sila ay agad umalis si Vernice, sumunod naman dito sina Schock at Louiji. Samantala nagpunas muna ng panyo sa ilong si Kira bago marahang umupo sa tabi ko.

Nagsisimula na naman akong kabahan ng mabilis. Pakiramdam ko ang init init kahit de aircon naman ang canteen namin.

Nagulat pa ako ng bigla siyang magsalita ngunit hindi ko pinahalata.

"A..a.. "

Nauutal at halatang kinakabahang simula niya. Nanatili lang akong nakinig ng hindi siya tinatapunan ng tingin.

Sasabihin niya bang kalimutan ko na lang yung nangyari at pagkakamali lang yon?

Umiling ako sa naisip.

Narinig ko namang huminga siya ng malalim bago magsalita.

"May gagawin ka ba ngayong weekends?"

Mabilis at deretso niyang sabi. Hindi ko masyadong naintidihan ang ibig niuang sabihin kaya medyo matagal ng naging process bago narating sa utak ko.

Kumbaga mahina ang signal kaya late reaction ako.

Dahil sa gulat agad akong napalingon sa kanya.

O///O

Nakaramdam naman ako ng init s magkabilanh kong pisngi dahil saktong malapit lang ang mukha niya sa mukha ko. Ilang inches na lang ang lapit nito. Kung sino man ang makakakita sa amin, ay iisiping naghahalikan kami. *Imagine mo, deretso akong nakaupo, at siya ay medyo mababa sa akin parang nakayuko pero nakaharap sa akin*

Sana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon