Chapter 6

33 5 0
                                    

S A N A #7

"Sana pwedeng takasan ang problema..."

~~~

Zaire's POV*

Kainis! Napaka manyak talaga!

Pabalik ako ngayon sa classroom namin dahil narinig ko naman na ng mag bell kaya sunod na subject na.

Ng makarating ako sa classroom sinalubong agad ako ni Vernice ng yakap. How I miss this little kid.

"Zaiii! I miiiiisss youu!"

Na mas lalo pang hinigpitan ang pagkayakap sakin. Yeah right. One week ba naman absent.

"Bakit ang tagal mong nawala?"

Tanong ko na ginantihan ko naman ng yakap. Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"May problema, Zai"

Malungkot niyang sabi habang nakayuko. Nalungkot din naman ako dahil masyadong showy si Vernice ng emosyon niya. Kapag nalulungkot siya, malulungkot ka dahil damang dama mo. Ganun din kapag nasasaktan siya, lalo pa at kapag masaya, mahahawa ka talaga. Alam ko matagal na niyang ino problema ang parents niya na madalas mag away kaya minsan nag i sleep overnight siya sakin para matakasan ang problema niya sa bahay nila. This time hindi ko alam kung dahil sa parents niya ang problema pero sana hindi.

"I'll listen"

Malungkot kong sabi, bahagya naman siyang humiwalay ng yakap at tumingin sakin bago tumango bilang sagot na handa niyang sabihin at i share sakin lahat ng problema niya. Ganun naman talaga ang magkaibigan diba? Hindi ko siya tinanong bagkus sinabi kong makikinig ako, dahil minsan mas gusto natin ng makikinig satin kesa tanungin at suruin kung anu mang hinanakit natin. Mas napapanatag, napapagaan ang loob natin kapag nasasabi natin sa isang tao ang mga bagay bagay na walang pag aalinlangan at kahirap hirap na sa huli hindi tayo magsisi dahil alam natin na tama tayo ng taong sinabihan. Bakit? Kasi nakinig sila satin. Hindi sa kinakampihan ka nila o pinapanigan ka, kundi alam nating nakikiramay sila sa kung anu mang pinagdadaanan mo. Tinapik tapik ko naman ang balikat niya. Bago kami umupo sa upuan namin na sakto namang dating ng second subject namin.

Mahaba habang pakikinig ang kakailanganin ko mamaya kaya dapat kong lakihan ang medyo maliit kong tenga.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

Break.

~Vernice Santill~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~Vernice Santill~


Ng mag break kami wala akong sinayang na oras kundi ang makinig lahat sa kanya, naka ub ob kami sa desk namin at hindi na kami lumabas. Hindi na rin kami naka kain ng snack, babawi na lang siguro kami sa lunch. Nalaman ko rin na tuluyan na ngang naghiwalay ang parents ni Vernice. Nahirapan din siya dahil pinapili pa siya kung kanino siya sasama, ayaw man niya pero buo na ang desisyon ng mga magulang niya. Alam ko ang hirap at sakit dahil dumaan na rin ako sa ganyang situation. Nanalangin pa nga ako na sana hindi matulad si Vernice sakin pero ganun ata talaga ang buhay.

Sana Where stories live. Discover now