Chapter 16

22 4 0
                                    

~Marcus Czar~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~Marcus Czar~

S A N A #17

"Sana pinakinggan ko siya..."

~~~

"Marcus..?"

Hindi ko namalayan na naisawalat ko ang nasa isip ko.

Bakit siya nandito?

Nangingilid na rin ang mga luha ko dahil bumalik yung sakit na naramdaman ko noon.

Siya lang naman ang unang lalaking nagustuhan ko.

Ang lalaking pinagkatiwalaan ko, ginusto ko.

Kung sana naniwala siya sakin

"I.. Miss you.."

Mahihimigan mo ang lungkot sa kanyang boses.

Hindi ko namalayan yakap na pala niya ako.

Bakit?

Bakit kung kailan ilang taon na lumipas?

Ang dami ko pang gustong itanong pero walang lumalabas sa bibig ko.

Bakit ngayon lang?
Bakit siya nandito?

Unti unti akong huniwalay sa pagkakayakap sa kanya, nabigla man siya agad din naman itong nakabawi.

"I-I'm S-Sorry.. I-I cam---"

"I'ts ok, Marcus. Matagal na yun"

Malamig kong sabi.
Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko naiinis ako na ewan. Dahil ba hindi ko na siya gusto?

Ou, matagal ko ng tinapos ang feelings ko sa kanya. Ngayong nakita ko siya, siguro kinabahan ako kasi baka hindi pa, at dahil nakita ko siya bumabalik ang lungkot ng nakaraan ko. Pero narealize ko na wala na pala talaga.

Tinapik ko siya sa balikat at nginitian ng pilit, hindi na kasi ako komportable bago ko akmang bubuksan ang gate pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Look, I'm not just here to say sorry. Also to explain why---"

Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at hinarap siya. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Ok na nga, at hindi ko na kailangan ng explanation . Siguro kung dati, kailangan pa. Pero di na ngayon."

Sabi ko na pilit pinapakalma ang sarili, medyo nainis na rin ako e.

Bakit ngayon pa siya magpapaliwanag? Bakit hindi noon? Kung kailan kailangang kailangan ko.
Ou, wala na akong nararamdaman, sigurado ako dun.
Ou, ok na sakin.

Sana Where stories live. Discover now