Chapter 1

68 9 0
                                    

        ~ Trixie Zaire Gales ~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~ Trixie Zaire Gales ~

S A N A #2

Sana madaling mag isa...

~~~

Zaire's POV*

Medyo blurr pa ang paningin ko ng maimulat ko ng kaunti ang mga mata ko. Pero tila nahihirapan ako, ang bigat ng pakaramdam ko at nanghihina ako. Ramdam ko rin ang sobrang antok.

Anong nangyayari sakin?

Pilit ko pa ring iminumulat ang mga mata ko pero sadyang mabigat ang mga talukip ng mga mata ko. Nanigas na lang ako ng maramdaman kong may nakalapat na ano sa labi ko.

O.O

Gusto kong magprotesta kung sino mang animal ang nangahas na manghalik sakin. Pero sadyang nanghihina ako, dagdag pa ang sobrang kaantukan. Hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman na pinaghalong kaba, takot at kung anung kuryente na dumaloy sa katawan ko. Bakit parang nagugustuhan ko ang halik niya?

Siomai!

Hindi pwede!

Di ko na lang namamalayang kusa ng nagsasara ang mga mata ko. Hindi ko na talaga kinakaya at nagdilim na ng tuluyan ang paningin ko.

Marahan kong minulat ang mata ko ng marinig ang alarm ng cellphone ko sa tagiliran ko. Agad ko itong tinignan para makita ang oras, 5:30 am na pala. Huminga muna ako ng malalim at di namamalayang nakalapat na pala ang mga daliri ko sa labi ko. Habang ang puso ko naman ay di matigil sa pagkaba.

Panaginip ba yun? Bakit parang totoo?

Tila ramdam ko ang malambot at---what?

Anu bang iniisip ko.

Hays.

Iniling ko na lang ang ulo ko sa naisip bago dumeretso ng cr para maligo at magayos ng makapasok na.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naglalakad ako sa hallway ng tumunog ang cellphone ko.

Unknown number pero alam ko kung sino nagmamay ari dahil kamisado ko ang number niya--nila.

"Hello" malamig na bati ko

"Goodmorning baby! I just wanna check you out If nasa school ka na, It's been a week since you last----

"I'm fine. Mamaya ka na tumawag nasa school na ko. Bye"

Pagpuputol ko sa sinabi niya at agad pinatay.
Napairap na lang ako sa kawalan.

That's my mother and both my parents abandoned me.

Sana Where stories live. Discover now