Chapter 21

22 3 1
                                    

S A N A#22

"Sana mali ang iniisip ko..."

Zaire/Trixie's POV*

After makapag park ni Kira dumeretso kami kung saan.

Hindi ko alam kung saan kami patungo dahil kanina pa ako nag iisip.

Hindi pa nga nagsisimula , matatapos na?

Siomai!

Ano ba pinagiisip ko.

Napapikit na lang ako. Ayaw ko muna isipin.

Kung tanungin ko na lang kaya siya?

Kaso, paano kung yung isasagot niya e yung hinala ko?

Anong gagawin ko?

Ano naman kung yun? Bakit di kayo pwedeng friends na LANG?

What the!

Talagang inemphasize pa talaga ang "Lang" ha!

Haist!
Nahawa na talaga ako kay Vernice.

Huminga na lang ako ng malalim at pumikit.

Ano ba tong pinagiisip ko, mag de date kami tapos saan saan nalipad utak ko?

Whuuut? Date?

Siomai! Saan galing yun?

Waiit?

Kinakausap ko talaga sarili ko!

Sa sobrang inis ko napapadyak na lang ako sa paa ko at napailing habang kagat kagat ang labi.

Bumalik lang ako sa katinuan ng kalabitin ako ng katabi ko.

Nilingon ko naman ito at si Kira ?

Ou nga pala magkasama kami.

Hindi ko alam pero parang nahihiya siyang magsalita kung ano man yung gusto niyang sabihin. Namumula siya at nagpipigil ng tawa?

"Bakit?"

Hindi ko mapigilang hindi. magtanong. Katawa tawa ba ako?

"A..uhm'"

Habang tinatagpi tagpi pa niya ang sasabihin niya, hinihintay ko naman ang sasabihin niya.

"Kung..ano..hi-hintayin kita..wag kang mag-alala ..at..m-mahihiya d-di naman ako ma tu-turn off..a..ah"

Ha?

Hihintayin?

Wag mag-alala?

Wag mahihiya?

Turn off?

Anong pinagsasabi niya?

Hindi ko maiwasang hindi mapakunot noo sa sinasabi niya dahil hindi ko maintindihan.

Wala akong maintindihan.

"Ha?"

Huminga muna siya ng malalim at nagpunas ng ilong niya at ngumiti bago ulit mag salita

"Ah.. Ayaw ko kasing sabihin ito kasi alam ko kasing nahihiya ka..pero..

Paano ko ba sasabihin..

Kako hindi ako na tu turn off. Promise"

Paliwanag niya at syaka itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa or sign ng promise niya.

Pero wala pa rin akong maintindihan.

Maya maya ay iiling iling na nakangiti siya.

Wala pa rin akong maintindihan ng bigla siyang pumunta sa likod ko, hinawakan ang magkabila kong balikat at tinulak.

Sana जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें