Chapter 2

43 8 0
                                    

S A N A #3

Sana masaya pa rin tayo, kung hindi nasira pagkakaibigan natin...

~~~

Narinig ko pa ang mahinang mura nito habang ako naman ay nanatiling nakatakip ang bibig dahil sa nangyari habang ang mga mata ay nanlalaki. Naramdaman ko na rin ang kaba sa dibdib.

Siomai!

Anu ba naman kasing ginagawa niya sa gilid ko.

>_< Nagulat tuloy ako.

Nakapikit lang ang kanyang mga mata kahit na halata ang pagtitimpi. Maraming babae ang agad lumapit para maglahad ng panyo ang iba naman ay akmang pupunasan na.

Ngunit nag senyas lang ito gamit ang palad nito bilang nagsasabing tumigil.
Natuliro na din ako pero hindi ko pinahalata.

Dali dali kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling umalis ng canteen ng walang lingon lingon.

Somai!

Sorry

Sa isip ko na lang nasabi.

Hays.

Ou alam ko, ang rude ko. First time ko kasi ma encounter e. Ts

Agad akong dumeretso sa room at naupo sa silya ko, tutal last subject naman na toh para sa ngayong araw.

Ako pa lang ang tao dito malamang, kaka bell lang kaya ng lunch break tapos may nangyari pa, tapos isang subo pa nga lang ako nailuwa ko pa. Ang ending tomoguchi ang aabutin ko.

Tsk.

Napanguso ako sa sarili ko, sana pala bumili na lang ako ng kahit snack lang.

Engot din ako minsan e.

Pero inaalala ko kasi ang sakit ko.

Isa sa mga sakit ko ay ang Tamaditis also known as Katamaran. Kala niyo ano haha

Makikinig na lang siguro ako ng music. Inilabas ko ang black earphone ko at isinaksak sa mp3 ko. Inayos ko rin ng konti ang black long straight hair ko sa bandang tenga ko, bale natatakpan ng hair ko ang earphone ko.
Madalas ko siyang gawin minsan kapag may klase. Lakas ng loob ko noh pero sa isang subject lang yun dahil may sakit din ang teacher ko dun ng Tamaditis.

Kasalukuyang pinapakinggan ko ang revive na kanta ng anime musical group na Nightcore ang demon ng biglang may pumasok na kinabigla ko. Nakaigting ang mga panga niya at ang mga mata ay naninilisik. Biglang nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang nasa unahan ko.

🎶I want to hide the truth
I want to shelter you
But with the beast inside
There's nowhere we can hide🎶

Yung kaba ko sumasabay sa bawat ritmo ng kanta. Mukha ngang beast yung kaharap ko, gwapong beast.
Nakatayo lang siya sa may pintuan, pero kitang kita ang lakas ng dating, matangos na ilong , may pag ka chinito din.
Ang dalawang kamay niya ay nakapasok sa magkabilang bulsa niya ng bigla itong maglakad papalapit malapit sakin habang ang mata ay nanatiling nakikipagtalo sa mga mata ko.

🎶When you feel my heat
Look into my eyes 🎶

Hindi ko alam pero kinabahan ako. Naramdaman ko din nag init ako sa mga tingin niya.

🎶It's where my demons hide
It's where my demons hide🎶

Hindi ko nga kilala kung sino ang nasa harap ko at baka demon nga talaga siya, napraning ata ako sa kanta.

Sana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon