Prologue

127 7 1
                                    

S A N A #1

Sana pwedeng baguhin ang pagkakamali ng nakaraan...

-Zaire Trixie

~~~

"Uy! Zai pumunta ka mamaya sa party ko ha. Wag kang mawawala"

sabi ni Nancy classmate ko. Bago ako nakipagplastikan ng ngiti.

Hindi naman sa plastik ako pero I know ganun din sila sa akin. Hindi ako assumming but base on my experience. And yes! You're right , I don't trust anyone except Me. Myself. And I.

Trixie Zaire Gales

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Trixie Zaire Gales. Zai for short. Though maraming nalapit sakin at nakikipag kwentuhan or friends kuno but no no pa rin. Magalit man o mainis kayo sakin.

And Oh meron palang isa na half ng trust ko ay meron.

"Zaiiiii! To the O to the M to the G! Are you going to Nancy''s party? Say yes pleaseeee!"

Si Vernice Santill. Yes! My one and only best friend and classmate here in Maryland Academy.
Na ngayon ay nakapalupot sa braso ko at doing puppy-eyes-look with matching panguso pa.

"No"
I coldly say.

"Yes!"
Pagpipilit nito at lalong diniin ang sarili sakin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.

"Chocolateee?"
Palambing na sabi nito.

"No-Yes?"

Urgh. Bakit pag dating sa chocolate di ko kayang tumanggi. And alam niya ang kahinaan ko.

"Yehey!"
Hala tuwang tuwa ang bata.

"But!"

Natigil siya ng bigla akong magsalita.

"Saglit lang tayo dun"
Bigla namn siyang ngumuso ulit.

"6 hours pwede na?"
Pacute pang tanong niya.

"2"

"Eeeee. 5?"

"2"

"4?"

"2"

"4 and half? Please?"

I sighed.

"3! No buts and ifs. Period or I won't go"

Sabi ko bago deretsong umalis.
Nagisip pa siya bago nag react.

Tsk. Slow talaga.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nasa labas pa lang kami ng bahay nila Nancy pero dinig na sa labas ang malakas na tugtog at hiyawan sa loob.
Hindi ko naman talagang gusto pumunta dito kung hindi lang dahil sa chocolate, kundi pati na rin sa isip batang si Vernice. At oo! Dahil sa isip bata siya at uto uto kaya inaalala ko siya .

Tsk.

Maya maya ay dumating na rin siya at sabay kaming pumasok sa loob. Tumambad sa harapan namin ang mga naka two piece na babae at half naked na lalaki. Di ako na inform pool party pala to. May ilan ilan naman na hindi naliligo kaya ok lang din. May makukulay na ilaw din sa loob at ang kaninang ingay ay lalong lumakas kulang na lang ay mabasag ang eardrums mo. Sanay naman akong pumunta sa mga ganito, but that was before.

Sa kaka kwento ko sa inyo di ko namalayang wala na sa tabi ko ang isip batang yun. Hays
Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid nagbabaka sakaling makita siya pero wala.

Malamang, kung inilibot ko ang paligid gamit ang paa ko baka makita ko diba. Napa buntong hininga na lang ako sa sarili ko.

Akmang maglalakad na ko ng pigilan ako ni Shanell my ex-bestfriend kasama ang alipores nito.

"Oh! Glad you're here Zai"

At nagbeso sakin.

Nakakunot noo naman akong nakatitig dito, ngayon na lang ulit ako nito kinausap. What's with her?

Nagtaka na lang ako ng may iabot itong margarita. Hindi ko iyon agad kinuha at tinitigan lang.

"Come on, Zai. It's a friends offering."
Sarcastic niyang tono at syaka ngumiti.

Friends your face.

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Nakalimutan ko atang makulit ang isang to.

Iniharap niya ako sa kanya at hinawakn ang kamay ko bago ilagay dito ang hawak nitong margarita bago ngumiti at umalis.

Napabuntong hininga na lang ako. Habang hawak ang margarita sa kaliwang kamay ko ay nagsimula na kong maglakad. Mas mabuting iwasan ko siya baka magkagulo pa. I'm not the old Zai anymore. Habang busy ako sa pagiwas ng mga nagkakasiyahan ng di ko namalayang nasa gilid na pala ako ng pool at muntikang mahulog ng may biglang nakahawak ng palapulsunan ko.

Nakaliyad ang posisyon ko habang ang kanang kamay ko ay hawak ng kung sino. Akmang iaangat ko na ang paningin ko upang makita ito ng biglang niya akong hagitin dahilan para mapayakap ako sa kanya at nasubsob ang mukha ko sa dibdib nito habang ang kaliwang kamay ko naman ay nakataas *hawak ko pa rin kasi ung margarita*. Di ko mapigilang mapapikit ng maamoy ang kanyang pabango. Nanlaki ang mata ko ng lalo kaming nagdikit ng may dumaan at nasagi ako ng di sinasadya. Napasinghap ako ng makaramdam ng init at kuryente sa buong katawan ko, ganun din sa salungpwetan ko at---

O.O

Uminit ang magkabilang pisngi ko ng maramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa pwet ko?

Huwaat?!

Agad bumalik ang wisyo ko at tinulak siya ng malakas gamit lang ang kanang kamay ko. Binitawan naman niya ako. Buti naman at na sense niya na ayaw ko na sa ganung posisyon.

Gentleman na sana, manyak lang. Tsk.

Bumalik ako sa paghahanap kay Vernice pero hindi ko talaga nakita kaya't lumapit ako sa isang sulok sa veranda kung saan walang masyadong tao at umupo. Syaka ko lang napansin na hawak ko parin pala ang margarita. Wala na rin sa kalahati ang laman nito, siguro natapon kanina. Walang malay na ininom ko ito ng marealize ko ang sarili.

Siomai!

Umubo ako ng pilit para ilabas ang nainom ko pero wala, nalunok ko na e.

Pano kung may nilagay sila dito. Hays

At mukhang tama nga ako dahil unti unting nag blurr ang paligid ko. Napahawak ako sa sintido ko ng maramdaman ko ang konting pagkahilo.

Siomai! Tama ako. Anu nanaman kaya ang binabalak ng grazildang yun!

Bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko nakita ko pa sila Shanell na papalapit.

Kagagawan ba ito ni Shanell? Siya ba may pakana. Sana nagkakamali lang ako.

Sana....

🐱🐱🐱

Kung naibabalik ang nakaraan at kaya nating ayusin, hindi natin malalaman ang salitang "Pagsisisi" at "Sana". Hindi natin malalaman ang importansya at hindi tayo matututo sa pagkakamali.

Sana po magustuhan ninyo. No haters and basher po please. Just read and spread love. Thankieee~

-Love: Arielle

🐱🐱🐱

Sana Where stories live. Discover now