Chapter 13

30 4 1
                                    

S A N A #14

"Sana may maisip ako..."
-_-"

Grabe hindi ko talaga kinaya ang nangyari kanina.

Hindi ko lubos maisip na ganun ang nagawa ko.

Iisipin na ba niya na manyak ako?

Iniling iling ko na lang nasa isip ko.

Hindi ko naman sinasadya yun e.

Napanguso na lang ako sa naisip.

Habang nagle lesson tuloy ang teacher namin sa ay lutang ako.
Buti na lang yung teacher kong may sakit na Tamaditis ang subject ko ngayon.

As usual, pinapasulat lang samin ang nasa manila paper na report niya.

Basta pag may exam kami binibigyan niya lang kami ng points to review. At iyon! Inggit kayo noh? Dito lang yan. Char.

At iyon nga! Buong klase ay lutang ako hanggang sa sumunod na subject.

Discuss

Discuss

Discuss.

Break.

Bumalik lang ang kaluluwa ko sa katawan ko ng tinapik ako ni Nancy.

"Zai, hindi ba kayo mag be break ni Vernice?"

Takang tanong niya.

Kumut noo naman ako at napalingon sa katabi ko na lalong nagpakunot ng noo ko.

Nakita ko lang naman si Vernice na parang baliw sa tabi ko na paiba iba ng ekpresyon.

Kanina nakakunot ang noo, maya maya tatawa tapos biglang iiling iling tapos itataas ng kanang kamay na animoy may naisip na idea.

Buti pa ako lutang lang, siya hindi ko alam.

"Oi! Anung nangyayari sayo?"

Tawag ko sa kanya na ikinagulat naman niya.

"Ha? A-a wala!"

Nakangiting sagot niya sabay tinaas ang dalawang kamay bilang senyas na wala.

"Wala ka bang balak na mag break?"

Tanong naman niya sakin. Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya na mukha-ba-akong-may-balak-magbreak-look habang naka tabangi ang nguso ko. Yung parang tamad gets niyo?

Mukha namang na gets niya at tumingin din siya sakin ng ako-din look na may iling iling pa at nguso.

Hindi ko alam kung bakit wala siyang balak, alam ko matakaw ito e.

"Bakit nga ba ayaw mong mag break?"

Putol ko sa titigan namin. Pinahaba pa niya lalo ang nguso niya at humalukipkip.

"Ayaw ko nga! Baka makita ko lang di dapat makita! Hmp! Mamaya na lang siguro sa lunch"

Malungkot na sabi niya at humahawak pa sa tiyan. Malamang nagugutom ito tinitiis lang niya.

Magtatanong pa sana ako ng bigla itong yumuko at ginawang unan ang dalawang braso.

Oh well, di niya ko binibigyan ng pagkakataong magtanong. Ganyan yan e.

Nagpalumbaba na lang ako hanggang sa dumating pa ang ibanh subject nago mag lunch.

Lunch Break*

Sana Where stories live. Discover now