Chapter 17

25 4 0
                                    

S A N A #18

"Sana may pag-asa ako..."

~~~

Kira's POV*

"Ano natawagan niyo ba?"
Si Louiji.

Umiling lang ako. Tinatawagan namin siya pero nagri ring lang. Kasalukuyan naming hinahanap si Chino. Tumawag kasi ang isa sa katulong nila na hindi masusundo si Chino ng sasakyan nila. Tatlo naman ang sasakyan nila pero kung minamalas ka nga naman.

"Baka naman umuwi na. Puntahan na lang natin sa kanila mga bro."

Naiinip na sabi ni Louiji. Talaga namang mainipin ito. Kaming tatlo lang ang magkasama ngayon. Kasama ko sila Louiji at Lrac. Si Schock kasi ay may pupuntahan pa daw.

Tumango lang kami bilanh sagot, kanina pa rin kasi kami dito at hinahanap siya. Hindi pa sinasagot ang phone, bigla pang namatay.

As a friend nag aalala din kami. Hindi lang pang girls yun.

Agad naman kaming sumakay sa kotse ni Louiji. Meron na rin naman akong car kaso mas madalas hatid sundo ako, yun kasi ang gusto ni mommy.

Ng makarating kami sa bahay nila Chino, agad kaming bumaba ng sasakyan. Nasa gate na nila kami ng mapansin naming lumabas si Cuddle. Yung pusa ni Chino na color orange.

Ang alam ko napulot lang daw niya yung pusa dito rim sa subdivision nila.

Agad namang tumakbo palayo si Louiji. Takot nga pala yun sa pusa.

Natawa tuloy kami sa inakto niya. Nagmukha kasi siyang tarsier na nakasabit sa puno pero walang puno.

Si Lrac naman ay ini angat ang bridge ng salamin niya gamit anh hintuturo at sinundan ang pusa.

"Woi! Saan ka pupunta?"

Malaks na tawag nito sa kay Lrac, nagtaas lang ng kamay ito sa likod at sumenyas na sumunod.

Pakamot kamot naman ng ulo si Louiji na may padyak pa na sumunod dito.

"Lakas ng tama! Takte!"

Rinig kong reklamo nito, sumunod naman. Nakangiting sumunod na rin ako. Ewan. Mukha ba kaming temang? Sinundan ang pusa?

Ng lumiko kami pakaliwa ay agad naman nagsalita si Louiji.

"Teka! Si Chino ata yun oh?"

Hindi siguradong sabi nito sabay turo sa di kalayuang mga rebulto ng tao.

Nakita naming huminto ang pusa at nilapitan naman ito agad ng familiar na babae at umupo katapat ni cuddle.

Trixie?

Kung ganun kasama ni Chino si Trixie? Anung ginagawa nila? Bakit sila magkasama?

Anu ba yan! Daig ko pang nahuli ko ang gf kong nag cheat.

May namuong lungkot sa dibdib ko na alam ko naman ang dahilan. Napakurap kurap ako ng maramdamang humapdi mata ko. Tagal kasing nakamulat mata ko, nahanginan tuloy.

Napansin ko naman si Louiji na naglakad papalapit kela Chino at ng makalapit kami sa kanila ay agad itong niya itong tinawag.

"Chino!"

Tawag ni Louiji kay Chino na agad namang napalingon sa amin, ganun din si Trixie.

Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung mapapansin ba niya pero pinipilit kong huwag niyang makita ang namumuong lungkot sa mata ko.

Sana Where stories live. Discover now