Chapter 28

4.9K 104 2
                                    

"SINUBUKAN KO namang itago pero nakita pa rin."

Mabilis na pinunasan ni Elissa ang tumulong luha sa kanyang mga mata. Dinala niya ang mga kamay sa lapida na nasa kanyang harapan. Dinama ng kanyang balat ang sariwang hangin mula sa lugar at ang mga berdeng damo na kanyang kinauupuan.

"Paano kung kunin nila ang painting?"

Hindi niya alam kung anong gagawin kung kunin nga nila ang painting sa kanya. Tanging ang sulat lang ng ama ang patunay niya na kusang binalik ni Mr. Belgrad ang painting sa kanyang ama. At may mas lalong nagpapasikip ng kanyang didbdib ay ang katotohanang ang sarili pa niyang kasintahan ang may hawak sa kaso nito.

"Papa," naririnig niya ang sariling hikbi. "Hindi ko sinasadyang makita nila ang painting. Gusto ko man itago iyon, hindi ko maiwasan dahil si Martin ang may hawak sa kaso."

Pakiramdam niya ay naiipit siya sa munting alaala ng mga magulang at sa kanyang pinakamamahal. Pipiliin niya bang ipaglaban ang karapatan ng ama sa painting o hayaang kunin sa kanya ni Martin ang painting.

Nahulog na lang siya sa malalim na pag-iisip. Bakit ba ito nangyayari sa amin? Ayaw niyang mawala ang nag-iisang bagay na binigay sa kanya ng ama pero ayaw niya ring mawala sa kanya si Martin.



"KAILAN BABALIK si Ate Elissa?"

Ramdam niyang walang gana ang kanyang kapatid. Hindi na ito sanay na silang dalawa lang ang nag-aalmusal. Maging ang platong nilagay ni Mariel sa mesa ay tatlo pa rin, isa pa sa Ate Elissa nito. Kahit naman siya ay hindi na sanay na siya lang mag-isa ang natutulog sa kanyang k'warto. Wala nang gumugulo sa kanya. Wala nang nang-aasar sa kanya. Pakiramdam niya ay may kulang na sa kanyang bahay. Wala na ang babaeng nagpapataranta sa kanya. Wala na ang babaeng nagpapaselos sa kanya at wala na ang babaeng nagmamalaking siya ang boyfriend nito.

"Hindi ko alam," ang tangi niyang nasagot sa kapatid.

Halos hindi nito nagalaw ang pagkain. Alam niyang malalim na ang pinagsamahan ng kapatid at ni Elissa. Alam niyang ganoon na lang ang kagustuhan ni Mariel na magkaroon ng kapatid na babae. "Hindi ko man alam ang pinagtalunan niyo, sana magkaayos na kayo."

Tumango siya. "Hindi ko siya hahayaang mawala sa akin."

"Mahal na mahal ka ni Ate Elissa. Ramdam ko iyon sa bawat pag-aalaga niya sa'yo. Nakita ko sa kanya ang isang 'ate'. Gustong-gusto ko si Ate Elissa."

Hinawi niya ang buhok nito. "Huwag kang mag-alala. Ibabalik ko ang Ate Elissa mo dito sa bahay."

"Bilisan mo lang! Nawawalan ako ng gana ipagluto ka!"

"Grabe ka naman! Gugutumin mo na ang kuya mo?"

"Ibalik mo muna ang Ate Elissa ko!"

Pinangako niya sa kanyang sarili na aayusin niya ang gusot nila ni Elissa. Gustong-gusto na niyang ibalita sa kasintahan ang naging pasya ng korte at ang naging tugon ng anak ni Mr. Belgrad. Hindi na niya mapakali na makitang muli ang pinakamamahal na halos isang buwan na rin niyang hindi nakikita.



"HINDI BA dapat inaasikaso mo na ang kasal mo?"

Muntik nang mabitawan ni Elissa ang hawak na folder nang walang katok-katok na pumasok sa kanyang opisina sa Madrigal Enterprises. Dalawang linggo na siyang nagtatrabaho sa kumpanya nila. Gusto niyang ilibanga ng sarili. Gusto na niyang mawala ang negative vibes na nararanasan niya. Pinili na niyang maging masaya kahit hindi niya sigurado kung totoo pa baa ng nararamdamang saya ngayong nakakpagtrabaho na siya.

Hinampas niya ang folder na hawak sa pinsan. "Anong kasal pinagsasabi mo?"

Inagaw nito ang folder na hawak niya. "Baka nakakalimutan mong wala kang karapatan dito hangga't hindi ka kasal. Sinasaway mo ang batas!"

"Si Uncle Lino ang nagpapasok sa'kin dito!" bulyaw niya rito. "Susumbong kita sa asawa mo. Imbes na magtrabaho, inaaway mo pa 'ko!"

"Kaibigan din iyon ni Martin."

Tiningnan niya ito ng masama. "E, ano naman? Ako kakampihan n'on." Umupo siya sa kanyang swivel chair at kunwaring inabala ang sarili s amga papel na nasa ibabaw ng kanyang mesa.

"Just talk to him once. Tapos kapag wala talaga, saka kayo magpaalam sa isa't isa, ng maayos."

Bigla siyang napatingin sa kanyang pinsan. Seryos na ang mukha nito. Hindi siya nakapagsalita. Hindi rin siya sigurado kung iyon ba talaga ang gusto niya, ang gusto ng puso niya.

"I started it all," ani Joseph. "I just wanted to help you and to give back the favor to Martin. I owe him everything I have today, even Julianne."

Kahit na alam niyang ginawa ng pinsan ang lahat ng iyon ay hindi siya nakaramdam ng galit para dito. Malaki pa ang pasasalamat niya dahil hindi siya nito iniwan sa lahat ng pinagdaanan niya. Kahit na mukha silang aso't pusa ay lagi pa rin niya itong nasasandalan sa anumang problema.

"Alam kong maaalagaan ka niya. I know him for so long. Nang malaman ko ang tungkol sa last will and testament ni Uncle Lucio ay siya agad ang pumasok sa isip ko para magbantay sa'yo kung mayroon mang banta sa buhay mo dahil sa painting na hawak mo kaya sa bahay niya kita pinapunta. Falling in love to each other ay hindi ko na plano 'yon but honestly I assumed it also. Kaya hindi na ako nagtaka nang umamin kayo kina mama at papa."

Malaki ang naging parte ni Joseph sa lahat ng nangyari sa kanya at sa kanila ni Martin pero kailanaman ay hindi niya kayang magalit dito. Pinagpapasalamat pa niyang ito ang halos naging bantay niya simula nang mapunta siya sa poder ng Auntie Sabel at Uncle Lino niya.

"Pero kung wala na talaga at ayaw mo na, hindi kita pipilitin. Gusto ko lang sana na kahit sa huling pag-uusap, maayos niyo ni Martin ang hindi niyo pagkakaunawaan. Pinsan kita pero kaibigan ko rin si Martin. Sana maunawaan mo ako."

Tumango-tango siya. Wala siyang maisip na puwedeng sabihin sa pinsan.

Ginulo nito ang buhok niya na nakasanayan na nito. "Malaki ka na, alam mo na ang gusto mong gawin." Hinatid na lang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng office niya.

Alam niya sa ssrili niya na kahit may hindi sila pagkakaunawaan ni Martin ay hinahanap-hanap pa rin ito ng puso niya. Hinahanap-hanap niya ang masarp na amoy ng almusal na niluluto ni Mariel at ang mga panahong nauubos ang oras nila nito sa pagkukwentuhan. At alam niyang name-miss na rin niya ang k'warto ni Martin kung saan siya tumutuloy. Ang mga sweet moments nila. Pero hindi niya alam kung mas mananaig ba ang pagmamahal niya para kay Martin o ang pagmamahal niya sa mga alaala ng mga magulang niya at pangako sa amang iingatan ang painting.

-------------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 2: Elissa, The Untamed Lady [COMPLETED] Where stories live. Discover now